Zea's Pov*
Ready na kame para makapasok sa school tanging si Claire nalang ang hinahantay namin para makaalis na. Nasa isang subdivision lang ang mga bahay namin kaya sabay sabay kaming pumasok. Dinadaanan nalang namin sila ni Bryan para ang kotse nalang namin ang maghahatid sa aming apat patungong school. Matagal ko ng body guard si Bryan kaya parang kuya ko na din sya. Dito ako naka upo sa front seat habang yung dalawa nasa likod na at naghihintay din kay Claire.
"Ang tagal naman ni Claire!" Reklamo ni Kylie. Ilang beses bumusina si Bryan bago lumabas si Claire. Si Paula na ang nag bukas ng pinto para sa kanya.
"Sorry late nako nagising eh" Sabe nya pagkapasok.
"Okay na ba?" Tanong ni Bryan. Tumango ako sa kanya kaya nag drive na sya papuntang school. Ang gwapo ni Xander kaso sobrang sungit nya hindi man lang nangiti. Si Shaun naman napaka gentlemen at pala ngiti crush ko na nga ang isang yon eh. Hays kailan kaya ako magkakaboyfriend? At yung kasing gwapo nung apat!
Pinag buksan ako ng pinto ni Bryan ng makarating kame sa school. Bumaba na din yung tatlo.
"Thank you. Ingat ka" Sabe ko. Tumango lang ito sa akin.
"Nandito na ako ng four o'clock kaya hihintayin kita" Sabe nya.
"Sige" Nang maka alis sya eh naglakad na kami papuntang room. Habang naglalakad naka tingin sa amin yung mga estudyante tapos magtatawanan at bumubulong.
The nerds is here...
Mga pangit!
Sira na naman araw ko...
Eww! Oh my gising ba sila nung nagpasabog ng kagandahan ang god? Like super ugly nila! And look at their big ugly eye glasses!
Napatungo ako dahil sa mga sinasabe nila. Gusto kong umiyak pero hindi pwede kase iisipin nilang mahina akong tao at baka mas lalo nila akong apihin. Nang makapasok kami sa room nagulat ako ng silang apat na naman ang nandoon at wala pa yung iba naming kaklase. Napatingin yung tatlo sa amin pwera kay Xander na naka earphone at naka pikit.
"Hi Zea" Naka ngiting bati ni Shaun.
"He-hello" Bati ko pabalik. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.
"Huy okay ka lang? Bakit namumutla ka?" Tanong nya sabay hipo sa noo ko.
"A-ahh oo. Wala" Nauutal kong sabe. Nakita ko namang naka upo na yung tatlo sa likod kaya napalunok ako.
"Sure ka?" Tanong nya. Tumango ako sa kanya sabay nagmamadaling umupo sa tabi ni Claire. Shet nahihiya ako. Umupo naman sya sa harap ko sabay ngiti.
"You look great today" Sabe nya. Naramdaman ko naman anh pag init ng pisnge ko.
"T-talaga?" Grabe ang kilig ko ngayon.
"Oo naman! Hahaha ang cute mo... Especially when you blush" Nanlaki ang mata ko sabay takip sa magkabilang pisnge ko. Sinabihan nya ako ng cute! First time to! Mas lalo tuloy akong kinilig.
Nang dumating na ang iba naming kaklase bumalik na si Shaun sa upuan nya. Nag uusap lang kaming dalawa ni Claire dahil sya nga yung katabi ko hanggang sa dumating si Mr. Hamilton ang teacher namin sa general mathematics.
"Good morning class. Ngayon bago tayo mag simula aayusin ko muna ang seating arrangement nyo at dahil hindi alphabetical order okay? Dahil alam ko namang kahit gawin ko yon eh mag dadaldalan pa din kayo" Sabe ni Sir.
"Tumayo kayo at pumila dun sa gilid. Boys sa kanan and girls dun kayo sa kaliwa" Agad kaming tumayo at pumila. Habang inaayos ni Sir ang seating arrangement ay nakikinig lang ako.
"Ms. Villarel dun ka sa third row sa kaliwa at seat mate mo si..." Tinignan nya ang list ng attendance.
"Mr. Lee, Ms. Tyler at Mr. Mendez" Sabe ni Sir. Buti nalang kasama ko si Paula pero sino yung dalawa? Girl boy kase ang pwesto. Dito ako sa kaliwang dulo at halos manlaki ang mata ko ng si Xander ang katabe ko.
"What are you looking at?" Matigas na ingles nyang wika.
"W-wala" Sabe ko at hindi na sya nilingon. Sana si Shaun nalang yung naka tabi ko kaso si Paula yung nasa tabi nya eh hays. Nang matapos ang pag aayos ni Sir agad syang nagturo. Hindi ko alam pero parang hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon lalo na katabi ko ang suplado na ito. Nagsusulat at nakikinig lang ako kay Sir. Hamilton habang nagtuturo sya ng biglang may kumulbit sa akin at si Xander pala.
"Ba-bakit?" Tanong ko.
"Pakikuha ng ballpen ko. Nalaglag sa harap mo" Sabe nya sabay turo sa ballpen nya. Yumuko naman ako para kunin yon.
"Eto na" Sabe ko sabay bigay sa kanya nung ballpen. Hindi man lang nag thank you tss. Pag tingin ko sa notebook ko may naka sulat naman sa kabilang page.
Panget mo :P
Tinignan ko naman si Xander na naka smirk habang nakikinig kay Sir. bwuisit to ah!
"Hindi kana nga nag thank you sa akin tapos susulatan mo pa ang notebook ko" Tinignan nya ako ng masama.
"Thanks" Sarcastic nyang sabe. Ugh nakakabadtrip! Sana hindi ko nalang kinuha ang ballpen nya at nagsisisi ako na sya ang katabi ko sa buong semester. Natapos ang klase kaya naman umalis na ang teacher namin. Next subject namin ang Biology kaya naman nag ready na ako.
"What is the meaning of science?" Tanong ni Mrs. Mabilangan. Wala namang sumagot.
"Mr. Villanueva, what is science?" Tanong ni ma'am kay Allan. Tamad naman itong tumayo.
"Science is a subject. Obvious naman yon diba ma'am kaya hindi mo na kailangan tanungin" Pamimilosopo nya. Nakita ko naman ang galit na ekpresyon ng aming teacher. May iilang tumawa sa sinabe nya kaya mas lalong nagalit si Mrs. Mabilangan.
"Very funny! Sit down. Pumunta ka mamaya sa faculty mag uusap tayong dalawa" Sabe ni Mrs. Mabilangan.
"Whatever" Sabe ni Allan at umupo.
"Let's hear it from...Villarel" Tinawag nya ako. Lumunok ako at tumayo. Naka tingin silang lahat sa akin at hinahantay ang aking sagot.
"Very good. Simpleng tanong lang perp mahalaga ang meaning" Puri nya ng masagot ko ang tanong. Hindi ko alam na grabe mamilosopo si Allan. Nagpatuloy lang ang aming klase.
********************************
A/n: Kawawa naman si Allan hahaha. Vote and comment po 😊Lovelots 😘
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...