About Book 1 and the Author

8.1K 171 39
                                    

*About the story*

Hey guys! First of all gustong gusto kong magpasalamat sa inyo dahil sa suportang binigay nyo sa story na ito! Hindi ko na matandaan kung kailan ko inumpisahan ang story kong ito siguro 2015 ata ng magstart ako dito sa Four Nerds turns into Beauties nung una hindi ako ganun ka active sa paguUD kasi wala talagang readers to kaya tinamad akong maggawa pero dumating sa point na 100 reads naging 200,300,400,500 reads na kaya natuwa ako ng sobra simula non lagi nakong naguUD. Umabot ng 1k kaya mas lalo akong natuwa non tapos may nagkocomment na din at vote. Nang umabot sya ng 5k reads dun talaga ako nagpursigi magtype para sa UD kasi natutuwa talaga ako dun sa makukulit kong readers na kahit kakaUD ko lang gusto ulit ng isa pang UD hahaha. Ganito kasi yan nung wala pa talagang readers to naiinis ako at nadisappoint kasi akala ko walang may gustong magbasa at walang nagkocomment balak ko na ngang idelete eh kaso dumami bigla yung readers. Ngayon 69.2K+ reads at 3K+ votes at 400+ comments na! And take note pang #19 na sa teen fiction!!!!! Dati pang #500 lang toooooooooo!!!!!! SOBRANG THANK YOU SA INYONG LAHAT!!!!!

Nainspire ako lalo magsulat dahil sa mga makukulit kong readers kilala nyo naman siguro kung sino kayo no basta thankful ako sa inyo mga bb ko!!!!! Salamat sa inyo my NERDIES :* and please support my other story which is MAKING THE BAD GIRLS GOOD hindi ko alam kung maganda ba yan para sa inyo pero please suportahan nyo din gaya ng pagsuporta nyo sa story kong ito :)
And please kung may tanong po kayo feel free to COMMENT para malaman at masagot ko ang katanungan nyo hahaha wag kayong mahiya guys. At kung may problems din kayo pwede ko kayong payuhan pero pag pera yan takte lumayo kayo sakin hahahaha jk. Friendly advice lang yon mga par! Sorry din pala kung may WRONG SPELLING, GRAMMAR, SENTENCE, OR ETC. Itama nyo nalang sa isip nyo hahaha hindi ako ganun kaperpekto pag dating sa english mga par! About sa mga characters tatry kong gawan ng accounts at syempre maghahanap na din ako ng admin para sa kanila or mas better kung may group sa FB hahaha o kaya TWITTER.

Kung may kapangalan man ang mga characters ko sa totoong buhay nagkataon lang po yon dahil imbento ko lang ang pangalan nila hahaha. Ito'y katang isip lamang guys nagawa ko lang ito dahil masyadong malawak ang imahinasyon ko at stress reliever ko na din dahil palagi akong stress realtalk na mga par!

Naisulat ko ang storyang to kase matagal ko ng napapansin na pag naka salamin talagang may laitan na nagaganap. Guys! 20th century na come on grow up! Hindi biro yung malabo ang mata kase ang hirap talaga. Kailangan palaging suot yung salamin. I guess yung pambubully hindi talaga maiiwasan pero sana bawas bawasan. Masyadong masakit sa feelings eh.

Hindi purkit maganda pwedeng manlait. Dapat mahalin at respetuhin ang kapwa.

*About the Author*

About me naman po guys. Hindi ako ganon kahusay sa larangan ng pagsusulat ng istorya pero masasabi ko namang kaya kong gumawa nito. And eto na nga nakatapos nako ng isang story. Sa edad kong ito baka magulat pa kayo kasi kalimitan 19 years old na ang author eh ako wala pang 19 hahahaha! Kaway kaway dun sa 19 yo below na author husay po natin hahahaha.

So one time tinanong ako ng aking big bro kung paano ko nagagawang magsulat ng ganito at saan ko nakukuha ang kacheapan na to sarap lang nya sapakin kasi hindi ko sya pinapakealaman sa ginagawa nya eh hahahahaha joke lang. So ayu sinagot ko sya.

"Paano ko nagagawa to? Malamang binebase ko sa experience at real life! At samahan na din ng imahinasyon ko!" Yan ang ang sagot ko.

"Ano bang napupulot mo sa kakagawa mo nan?" Medyo nainis lang ako kay kyah kaya sinagot ko sya.

"Eh ikaw anong napupulot mo sa kakadota mo?" Oh diba solid burn si bro bro :'D syempre natahimik sya.

Ang point ko lang dito sa part na to ay oo nga walang kakwenta kwenta ang ganito sa paningin ng iba pero eto yung nagpapasaya sakin! Simula pagkabata sobrang hilig ko talaga sa stories lalo na pag Vampire at Romance. Hindi ko alam kung paano ako nakapagsulat ng ganito siguro dahil lang talaga sa lakas ng imagination ko kaya nakaimbento ako ng kwento. WATTY IS MY ADDICTION AND MUSIC IS MY PASSION! thats my motto beybe hahahaha. And guys please nagmamakaawa po ako sa inyo

WAG NA WAG NYO PONG GAGAYAHIN ANG STORY KONG ITO DAHIL PWEDE PO KAYONG MAKASUHAN. AT PINAGHINARAPAN KO PO ITO NG SOBRA!

THANK YOU po dun sa mga sumusuporta at susuporta sa story kong ito. Kamsahamnida! Domo arigato! Danke! Salamat! Sa inyong lahat. Naiiyak nako kanina pa huhuhu realtalk :'( Tears of joy naman. Sa ngayon paalam muna daw sabe nila Zea, Xander,Paula,Shaun,Claire, Allan, Kylie, at Travis. Hanggang sa muli aking minamahal na mambabasa.

Nagmamahal,
Ms. Elli :) (Goddess Author)


Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon