Chapter 31

10.4K 338 3
                                    

Zea's Pov*

Two weeks na kaming nagb-bangayan ni Xander. Paano ba naman kase kung saan saan ako dinadala more like hinihila nya ako kaya nagagalit sa kanya yung tatlo eh hays. Exam nga pala namin ngayon buti nalang half day kame. Tapos na kaming mag exam nila Paula easy lang naman eh.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Mall!" Sabe ni Claire. Kaya pala wala sya nung nakaraan kase na ospital sya.

"Wag na don!" Sabe ko.

"Sa bahay nalang namin swimming nalang tayo tapos movie marathon!" Sabe ni Kylie.

"Boring,Ky!" Sabe ni Paula.

"Sorry. Edi ikaw magsuggest!" Tignan mo tong mga to nagaaway pa. Nag isip naman ako kung saan kame pwedeng pumunta.

"Ah alam ko na sa a-" Naputol ang sasabihin ko.

"Zea!" Biglang may humila sa akin at tinakpan ang mata ko pati ang aking bibig. Naramdaman ko na may bumuhat sa akin.

"Mmm...mmm!" Ano to kidnapping? Wala akong makita may naka takip sa muka ko and the next thing I know nawalan ako ng malay.

"Zea!"

"Zea!" Nagising ako dahil may tumatawag sa akin.

"AHHHHHHH! KIDNAPPERS" Sigaw ko.

"Zea!" Napatigil naman ako ng makita ko si Kylie, Paula, Claire, at si Xander pati yung mga kaibigan nya.

"Anong nangyare? Teka nasan tayo?" Tanong ko.

"May nagbalak na dumukot sayo kaso dumating sila. Binugbog nila yung mga lalaking kumidnap sayo tapos eto dinala ka nila dito sa tambayan nila!" Sabe ni Paula. Tinignan ko si Xander at nakita kong may pasa sya sa gilid ng labi hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero nakita ko nalang na papalapit ako sa kanya.

"O-okay ka lang? May pasa ka oh" Hahawakan ko na sana yung parte ng muka nya na may pasa pero pinigilan nya yung kamay ko.

"Ikaw? Ikaw ang dapat kong tanungin.Sinaktan ka ba nila?" Tanong nya pabalik. Nagiwas ako ng tingin sa kanya!

"Oo!" Sagot ko.

"Shaun bukas na bukas din ayoko ng makikita ang pagmumuka ng pinsan mo!" Malamig na sambit ni Xander. Napatingin ako sa kanya pati kay Shaun.

"A-anong? Baket?" Tanong ko.

"Si Hannah yung nag utos sa mga lalaki para kidnapin ka!" Sabe ni Travis. Nanlaki ang mata ko at napanganga ako ng konti. Si Hannah? Baket?

"Sorry Zea!" Sabe ni Shaun.

"Wag kang mag sorry, Shaun. wala kang kasalanan!" Sabe ko. Yumuko nalang sya at nagpaalam na lalabas muna. Sinamahan naman sya ni Allan.

"Hoy Lee th-thank you sa pagliligtas kay, Zea" sabe ni Paula. Kumunot naman ang noo ni Xander.

"Kung mag sasabi ka ng thank you pwede yung sincere? Napaka sarcastic kase!" Sabe ni Xander sabay irap. Nagpigil naman ako ng tawa ng makita kong susugurin sya ni Paula pero agad ko itong inawat.

"Hoy ikaw baka nakakalimutan mong badtrip ako sayo! Buti nga nagthank you pa!" Singhal ni Paula. Natawa nalang kame ni Claire habang si Kylie pinapanood lang ang pagaalburoto ni Paula. Habang nagbabangayan yung dalawa napahawak naman ako sa ulo ko kaya umupo ako sa kama. Kumikirot ito at sobrang sakit.

"A-aray!" Nakahawak lang ako sa ulo ko.

"Zea" Nasa harap ko si Xander at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon