Zea's POV
Wednesday ngayon at malapit na ang party. Isang araw nalang ang preparation ko para sa araw na iyon. Bukas ako titingin ng damit at mask para sa party pero sa totoo lang ayokong pumunta.
"Zea may partner kana ba para sa Friday?" Tanong ni Oliver sa akin.
"Partner? Teka kailangan ba yon?" Tanong ko pabalik kaya natawa sya. Buti nalang hindi ko katabi ang gwapong halimaw.
"Oo naman. Nag announce si Belle ah" Sabe nya.
"Ha? Kailan? Hindi ko alam eh" Sabe ko. Sino naman ang gagawin kong partner? Eh halos kalahati ng lalake dito sa room hindi matino.
"Nye edi wala ka pang partner? Gusto mo tayong dalawa nalang? Tutal wala naman akong mahanap eh" Alok nya. Nagpout ako sabay isip kung papayag ba ako sa alok nya. Pero ayoko talagang pumunta sa party.
"Ehem" Sabay kaming napatingala ni Oliver. At nakita ko ang gwapong halimaw na nakatayo sa harap namin at masamang naka tingin.
"Move" Sabe nya.
"H-ha?" Tanong ni Oliver.
"Are you deaf? I said move!" Galit na sabe ni Xander. Agad namang umalis si Oliver sa tabi ko. Nagtaka pa ako ng umupo sya sa upuan ni Obey.
"Dun ang upuan mo diba? Bakit ka nandito?" Masungit kong tanong.
"Wala kang pake" Sagot nya.
"Uh Xander jan ako. Baka pagalitan ako ni Ms. Baldo" Sabe ni Obey.
"Dun ka umupo sa upuan ko. Si Hannah ang kausapin mo tutal parehas naman kayong madaldal" Malamig nyang sabe. Napakamot naman sa ulo si Obey habang hindi pa din umaalis.
"What are you waiting for? Do you want me to kick your ass" Walang nagawa si Oliver kundi ang umalis at umupo sa upuan ni Xander. Narinig ko pa ang pag rereklamo ni Hannah ng umupo sa tabi nya ang kaklase namin.
"The next time I saw you talking to other guys in this room I will fucking kiss you" Mahina pero ma-awtoridad nyang sinabe habang matalim na naka titig sa akin.
"Don't tell me what to do or not to do! I'm not even your friend so don't act as if your my boyfriend jerk. Wala kang karapatan" Mahina ang pagkakasabe ko pero sapat na para marinig nya.
"I own this school whether you like it or not you will follow me. And that's an order sweetheart" Narinig ko pa din yon kahit binulong nya. Sweetheart my foot!
"Well you only own the school. But you don't own me...sweetheart" Ginaya ko sya sabay ngumiti ng pang asar. Nag iwas sya ng tingin at hindi na umimik pa. That's how you do it Zea! Good girl.
Travis POV
Sinusundan ko lang sya kanina pa. Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa isip ko at ginagawa ko ito. Kumunot ang noo ko ng bigla syang mawala sa paningin ko. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pwesto nya kanina.
"Where are you Mysty?" Bulong ko habang lumilingon sa paligid.
"Who are you?" Naramdaman ko ang matulis na bagay sa aking tagiliran kaya napatigil ako. Ngumisi ako at mabilis na tumalikod. Sa isang iglap nahawakan ko ang leeg at braso nya pero agad akong napabitaw ng makita ko kung sino sya."I'm sorry" Sabe ko. Malamig ang tingin nya sa akin habang tinakpan ang kanyang kutsilyong dala dala. Ballpen yon na nagiging kutsilyo. May ganon pala? Cool.
"Are you following me?" Malamig nyang tanong. Hindi ako sumagot at tinignan sya ng diretso sa mata. I can't even see her emotion in her eyes. She is really mysterious. So me. Tumalikod ako at naglakad na palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...