Chapter 15

11.7K 423 17
                                    

Paula's Pov*

Tulala ako habang naglalakad papunta sa room. Masyado akong preoccupied sa mga nangyare kahapon.

*beep beep*

Napatalon naman ako sa gulat dahil sa pesteng bumusina. Pag tingin ko sa likod nakita ko yung sira ulong driver na naka dungaw.

"Ano ba?Tumabe ka nga!" Sigaw nya. Imbis na umalis sa harap nya hinampas ko yung hood ng kotse nya.

"Hoy! Tigilan mo yan. Alis!" Sigaw nya. Hinampas at sinipa ko lang yung kotse nya. At kumuha ako ng ballpen sa bag at tinutok yon sa hood ng kotse nya.

"Don't you dare!" Bumaba sya sa kotse at hinawakan ang kamay ko.

"Subukan mo! Babalian kita ng braso" Banta nya.

"Really? What if I kick your little friend right now?" Tanong ko. Umismid lang sya at umirap. Antipatiko!

"Alam mo hindi naman ako napatol sa babae pero kung pipilitin mo ako gagawin ko talaga" Tinulak nya ako. Naramdaman ko naman ang matigas na bagay sa likod ko kaya agad akong napalingon.

"Is that a right way to treat a lady?" Seryosong tanong nya sa lalaking tumulak sa akin. Hindi pala bagay kundi tao. At gwapo.

"S-shaun" Napaatras yung lalake. Hindi ako makagalaw dahil hawak ni Shaun ang magkabilang balikat ko dahil sinusuportahan nya ako.

"Magsorry ka" Sabe nya. Nakita ko naman ang takot at pagkataranta nitong lalake.

"S-sorry" Sabe ng lalake.

"It's not sincere" Sabe ni Shaun.

"Hey what's happening here?" Biglang dumating si Allan at Travis. May binulong si Shaun kay Allan kaya napangiti ito.

"Sure dude haha. Be right back" Umalis si Allan.

"Anong nangy-yare dito?" Tanong ni Travis.

"Hi-hindi ko si-sinasadya. Gagasgasan nya kase ang k-kotse ko" Ang tapang pa nya kanina tapos ngayon parang pusang takot.

"Dude eto na oh" Bumalik ulit si Allan at nakita kong binigay nya kay Shaun ang steel baseball bat.

"Really? Eh paano kung sabihin ko sayong hindi lang gasgas ang aabutin ng kotse mo ngayon?" Naka ngising tanong ni Shaun at kinuha ang steel bat.

"Sorry na! Please wag yung kotse ko. Kakabili ko lang nito please wag" Pagm-makaawa nya.

"It's too late for that" Sabe ni Shaun sabay hampas sa kotse ng kawawang lalake.

"Nooo!" Sigaw nito at napasabunot sa buhok nya. Wasak ang hood at nag alarm ang kotse ni kuya. Suddenly I feel bad for him. Mukang bago nga lang yung kotse nya.

"Don't you dare to push a lady again next time or else muka mo na ang hahampasin ko" Seryosong sabe ni Shaun.

"Ouch!" Humalakhak si Allan. Naawa talaga ako sa lalake. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayare sa kotse nya at isa pa nagb-biro lang naman ako kanina. Hindi ko naman talaga gagasgasan ang kotse nya pero si Shaun winasak.

"Let's go" Hinila nya ako palayo doon sa lalake.

"Bitawan mo ako" Sabe ko at tumigil. Humarap sya sa akin habang naka kunot ang noo.

"Ganyan ka ba magthank you sa nagligtas sayo?" Tanong nya. Umirap ako sa kanya.

"No. Kusa mo akong tinulungan even if I don't really need your help" Sabe ko.

"You don't need my help? Hmm sa tingin mo ano kayang nagawa nya sayo kung hindi ako dumating? Siguro napahamak kana" Sabe nya. Napatingin ako sa dalawang kaibigan nya na nanonood sa amin.

"I can defend myself" Sabe ko.

"Tss whatever. May klase pa tayo kaya wag ka na ngang maarte" Hinila nya ulit ako kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Kylie's Pov*

Ang boring ng klase hays. May mga nagdadaldalan sa harap ko tapos may naghaharutan.

"Good morning" Napatingin ako sa unahan at nakita kong nakatayo doon si Ms. Lee. Tumayo kami at nag bigay galang pagkatapos ay umupo ulit.

"I just want to know if you are already prepared for the upcoming acquaintance party this Friday" Sabe nya.

"If you have questions you can ask me now. And by the way ipapamigay na mamaya ang invitations" Sabe nya ulit. Oo nga pala. Wala pa akong damit na isusuot para sa akwe.

"Uhm Ms. Lee ano po ba ang theme ng party?" Tanong ni Kevin.

"Oh masquerade party" Sagot ni Ms. Lee.

"So kailangan po naming mag provide ng mask?" Tanong naman ni Camille.

"Yes" Sagot ni Ms. Lee.

"Masquerade party. So gown ang isusuot namin? And suit naman sa boys?" Tanong naman ni Hannah.

"Of course kaya nga Masquerade ang theme ng party,Hannah" May ilang nagpigil ng tawa. Miske ako medyo natawa. Napahiya sya sa part na yon.

"Okay" Sabe nya. May mga nagtanong pa ulit kaya naman natuwa ako dahil naabala ni Ms. Lee yung lesson namin. Pinaglalaruan ko lang yung ballpen ko hanggang sa mahulog ito. Kukunin ko na sana kaso may nauna ng dumampot. Nilapag ni Travis ang ballpen ko sa aking desk.

"Thanks" Sabe ko.

"Welcome" This is our first convo. Well for me nag usap na kami sa lagay na ito. May kalahating oras pa ang teacher namin kaya naman nag drawing nalang ako ng anime.

Travis Pov*

Sumulyap ako sa kanya at nakita kong nagd-drawing sya ng anime sa kanyang notebook. Ganan ba sya ka bored ngayon? This girl is mysterious. She's not talkative and full of emotion. She's just like me. Cold.

"Ano ba kasing problema mo sa kanya ha?" Nagtatalo si Xander at Shaun ngayon dito sa leisure. Buti nalang lunch break na kaya kailangan kong pagmasdan ang babaeng yon.

"Wala kang pake! Pwede ba wag mo akong pakielaman sa mga ginagawa ko!" Sabe ni Xander. Psh bahala kayo jan! Lumabas ako sa silid na yon at iniwan yung tatlo.

"Where are you right now mysterious girl?" Bulong ko at naglakad lakad. Baka naman nasa canteen sya ngayon at kumakain kasama yung mga kaibigan nya. Hmmm baka nga nandun sila ngayon.

"Hi Travis!" May mga naka kasalubong akong ilang kakilala. Binabati din ako ng mga babaeng nadadaanan ko. Nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa.

Von:

Hey couz! Night out daw mamaya sa Garfs. Game ka?

Pagkabasa ko sa text ni Von agad akong nagreply.

Me:

Game.

Pagliko ko may nabangga ako kaya naman muntik ko ng mabitawan ang phone ko.

"Shit" Mahina kong sabe. Muntik na!

"Sorry" Nagkatinginan kaming dalawa.

"It's okay" Sabe ko. Mukang hindi na ako mahihirapan na maghanap dahil nasa harap ko na sya ngayon.

But why am I looking for this girl anyway? Ano bang nangyare sa akin? Suddenly I want to see her and have a little chitchat. Aalis na sana sya pero hinawakan ko sya sa braso kaya napatigil sya.

"Where's your friends?" Tanong ko. Malamig ang titig nya sa akin. Hindi nya ako sinasagot at inalis nya lang ang kamay ko sa braso nya.

"Don't talk to me. I don't like you. Stay away from me" Pagkatapos nyang sabihin yon iniwan nya na ako. Napaawang ang bibig ko sa narinig. Wala pang nakakapag sabe sa akin ng ganon kundi sya pa lang. And I'm amazed by that I don't know why but I'm gonna stalk her from now on because I want to know everything about that mysty.

***************************
A/n: Hi guys I hope you like this chap! Thumbs up naman jan oh '👍' anyway 'mysty' because...hayaan nyo na si Travis. Vote and comment nalang kayo 😂

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon