Zea's POV
After nung nangyare kanina sa bahay hindi na ako nagsalita. Naiinis ako kay Xander lalo na kay ate. Pinagtabuyan ba naman ako kasama tong gwapong demonyo sarap nilang pag untugin eh. Nandito kame sa mall ngayon and guess what pinagtitinginan lang naman tong kasama ko ng mga babae.
"May gusto ka bang bilhin?" Tanong nya. Umiling ako ayoko syang kausapin bad trip pa din ako. Tumigil sya at hinila ako bigla. masakit yon!
"Masakit!" Tipid pero seryoso kong sabe kaya napabitaw naman sya agad.
"S-sorry!" He said then looked away. Naglakad na ulit kaming dalawa pero wala ng nagsalita sa amin. Nagulat naman ako ng bigla nyang hawakan yung kamay ko. Magkaholding hands na kame ngayon. Ano bang laro ang nilalaro naming dalawa? Hindi ko sya maintindihan.
"Bakit ang tahimik mo?" Tanong nya. Naglalakad kame ang peg namin HHWW (holding hands while walking).
"Masama bang tumahimik nalang?" sabe ko. Tinignan nya naman ako kaya nagiwas ako ng tingin.
"Hindi naman" Sabe nya.
"Yung totoo ano ba talagang gusto mo? Wala akong panahong makipaglaro sayo, Xander!" Sabe ko.
"You want to know the truth?" He asked me.
"Yes!" Sabe ko.
"I want you to be my girl. And I'm not playing games, Zea. You should put that into your mind!" Seryoso nyang sabe. Tinignan ko nalang sya hindi ko alam pero bigla kong hinigpitan yung kapit sa kamay nya kaya napangiti sya. Sige kung gusto mong makipaglaro sa akin game ako! Let's play a game called Love.
"Bakit nga pala hindi kana nagsusuot ng salamin?" Tanong nya.
"Pake mo" sabe ko. Tinignan nya ako at hindi ko alam kung bakit ako natakot. Kase naman he gave me a 'I'm-dead-serious' look.
"Hehe joke lang eto naman hindi mabiro. Medyo okay na kase yung mata ko kaya hindi na kailangan!" Sabe ko. Shemay pinagpapawisan ako kahit nasa loob kame ng mall. Hinila nya ako sa isang shop na may mga salamin sa mata at contact lense.
"I want you to change your ugly eye glass!" He said.
"Adik ka ba? Nasira yung salamin ko nung inaway ako nila Hannah!" Sabe ko.
"Okay!" Sabe nya. Tumingin tingin sya dun sa mga salamin na naka display ako naman umupo lang.
"Hey pacheck up mo mata mo" sabe nya.
"Saan?" Tanong ko.
"Dun sa loob" tinuro nya pa.
"Sure ka?" Tanong ko. Tumango sya sabay ngiti. Dahil gusto nya wala akong magawa. Chineck nung doctor yung mata ko at pinasilip ako dun sa machine. After three minutes lumabas na ako at nakita ko si Xander na nakikipagusap sa isang babae.
"Xander" kinulbit ko pa sya.
"Okay na?" Tanong nya. Tumango ako at tsaka ngumiti.
"Anong grado ng mata mo?" Tanong nya.
"One hundred" sagot ko.
"Do you wear contact lenses?" Umiling ako. Never! Ayoko masakit sa mata!
"Then try this!" Inabot nya sa akin yung lalagyanan ng contact lense at nakita kong may plain na lense sa loob.
"Xander hindi ako nagsusuot ng ganito" Sabe ko.
"Oh sorry!" Sabe nya at kinuha yung contact sa kamay ko.
"Salamin nalang gusto mo?" Tanong nya.
"Wag na. Okay na naman yung paningin ko hindi na ganun kalabo" sabe ko. Ngumiti naman sya sabay harap dun sa babaeng kausap nya.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...