Zea's POV
"Maggie!" Agad akong lumapit sa anak ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinakilan sa noo.
"How are you? Did they hurt you? Are you alright?" Sunod sunod kong tanong.
"M-mommy I'm o-okay now" sagot nya sabay yakap sakin. Napapikit ako ng mariin at niyakap ko lang sya. Thank you lord at hindi mo pinabayaan ang anak ko.
"Oops my bad!" Napalingon ako sa likod at nakita ko ang isang babaeng naka black dress. Kumunot ang noo ko at tinago sa likod ko si Maggie.
"Sino ka?" Tanong ko.
"I'm Sabrina" sagot nya sabay ngiti sa akin. Aba at ang lakas pa ng loob na ngumiti sakin ng babaeng to! Lumapit sya sakin kaya kinarga ko si Maggie.
"Wag kang lalapit please lang!" Sabe ko.
"Look I'm here to help you" Sabe nya. Help?
"I know you're confused but please kung anong gagawin ko sumangayon ka lang okay? Parehas tayong mapapahamak sa kanya" Sabe nya sabay buntong hininga. Kumalma naman ang loob ko sa sinabe nya.
"She's crazy. Takot lang talaga ako sa kaya nyang gawin kaya naman hindi ko magaw-"
"There you are!" Naputol ang sasabihin ni Sabrina ng may marinig kaming boses. Nagulat ako ng bigla akong tinuro ni Sabrina at sinigawan.
"Ikaw napakalandi mong babae ka! Dapat sayo pinapatay!" Sabe ni Sabrina. Tinignan nya ako na para bang sinasabe nyang sakyan ko sya.
"A-anong malandi?Hindi ako malandi!" Sabe ko. Naka half mask yung babaeng pumasok kaya hindi ko makita ng ayos ang muka nya. Mahaba ang kanyang buhok at maputi. Siguro sya yung tinutukoy nung guard na kumuha kay Maggie sa park. Naka suot sya ng pulang dress.
"Oh hindi ka pala malandi. Kaya pala boyfriend mo si James!" Sabe nya sabay irap. Teka parang kilala ko ang boses nya. Unti unti nyang tinanggal ang mask sa muka nya at sobrang nanlaki ang mata ko ng makita ko na sya ng tuluyan.
"Ha-hannah" ngumisi sya at tinapunan nya ako ng masamang tingin.
"Para ka namang nakakita ng multo, Villarel" sabe nya sabay lapit kay Sabrina.
"So Sab, ayan na sa harap mo ang babaeng kinaiinisan mo ng husto. Go ahead hurt her!" Nakatingin lang sa akin si Sabrina at nakita ko sa mata nya ang takot at lungkot. Hindi sya umiimik at nakatingin lang sya sa akin.
"Gusto mo bang ako ang mauna sa kanya? Wag mong hintayin na ako ang manakit jan dahil alam mong hindi ko na makokontrol ang sarile ko pag lumapat na ang kamay ko sa katawan nya. You know that I can easily kill her with my bear hand" sabe ni Hannah. I can't believe it! Ganito ba talaga sya kagalit sa akin.
"Sige okay lang na saktan mo ako pero pwede bang ilabas nyo ang anak ko? Ayokong makakita sya ng ganitong pangyayare masyado pang bata si Maggie" sabe ko.
"Mom-mommy" yumakap sa binti ko si Maggie yumuko ako para tignan sya tsaka ako ngumiti.
"Trevor!!!" Sigaw ni Hannah. Maya maya may lalaking pumasok at base sa itsura nya kasing tanda lang sya nila Xander.
"Kunin mo ang batang yan at ilabas mo dito! Wag na wag mong hahayaan na makalabas yan ng kwarto dahil malilintikan ka sakin!" Sabe nya. Agad na lumapit sa amin ang lalake at tinignan nya ako.
"Baby sama ka muna sa kanya. Dito lang muna si Mommy ha? Mag uusap lang kami kukunin kita sa kanya mamaya okay?" Sabe ko. Umiling si Maggie.
"No...ayaw" sabe nya at mas hinigpitan pa ang kapit sa binti ko. Umupo ako para mapantayan ko sya.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...