Chapter 6

14.4K 424 14
                                    

Zea's Pov*

"Good evening ladies and gentlemen" Nasa stage si Dad para sa speech nya. Kanina pa ako naka upo dito sa table namin kaya naman bored na bored ako.

"Hey okay ka lang?" Tanong ni ate Laurie. Umiling ako sa kanya.

"Why do I have to be here? I'm not part of this program anyway. Nakita mo ba si Bryan? Gusto ko ng umuwi ate" Sabe ko. Nakita ko ang paninigas nya sa tanong ko. Nang makabawi sya sa ekpresyon nakita ko ang ilang nyang ngiti.

"Tsk hayaan mo na. Alam mo namang hindi papayag si Mom na mag isa ka sa bahay tsaka isa pa baka makita mo dito yung future boyfriend mo haha. Yung mga kaibigan ni Dad na business men din kasama yung mga anak nila kaya tumayo ka jan at maglibot dito sa hotel! Tsaka hindi ko pa nakikita si Br-bryan simula ng dumating ako dito baka nasa tabi tabi lang sya na-nag lilibot" Pansin ko ang pagiging uneasy nya pag si Bryan ang pinag uusapan. Hmm ayokong mag conclude pero parang may something eh.

"Okay. Pero ate wala akong plano na maghanap ng boyfriend ngayon. But you're right, I should roam around the whole hotel. Gosh napaka boring dito" Tumayo ako at hinawakan ang laylayan ng long gown na suot ko.

"Atta girl..." Napailing nalang ako sa kanya. Umalis ako doon sa event room at naglakad lakad. Kulay maroon ang long gown ko na heart shaped ang itaas kaya naman kita ang cleavage ko. May slit din sya kaya kita ang aking binti. Hindi naman sobrang laki ang dibdib ko kumbaga tama lang ang laki nya kaya hindi masasabing flat chested ako. Kita din ang shape ng katawan ko kaya medyo hindi ako komportable. Napadaan ako sa may garden ng hotel at namangha ako sa aking nakita.

"Wow" May malaking fountain sa gitna tapos puro rosas ang tanim sa paligid at may mga christmas lights sa puno kaya mas lalong gumanda ang paligid. Naglakad ako paikot sa fountain at natuwa ako lalo dahil may maliliit na isda.

"Hi miss" Napalingon ako sa aking likod. Parehas kaming napasinghap.

"You/ikaw?" Sabay naming sabe. Nakita ko ang pag ngisi nya.

"Pati ba naman dito ikaw pa din ang makikita ko. Ang malas ko naman" Sabe nya. Naka pamulsa sya kaya naman ang cool ng dating nya para sa akin.

"Hoy ang kapal naman ng muka mo! Feeling mi naman ang gwapo mo" Sabe ko sabay irap. Well gwapo naman talaga sya kaso mas lalo syang naging gwapo dahil sa all black nyang suit jusko! Tumaas ang kilay nya sa akin.

"Tss whatever nerd" Sabe nya at tinalikuran ako. Bwuisit na Xander!  Pinag masdan ko syang maglakad pero nagtaka ako ng tumigil sya at nilingon ako. Nag iwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Are you gonna stay here or you'll come with me inside?" Gulat naman akong napatingin sa kanya. Naka taas pa din ang medyo makapal nyang kilay sa akin habang palapit sya sa pwesto ko.

"Huy teka!" Sabe ko ng bigla nya akong hilahin.

"Don't drool over me" Sabe nya habang patuloy pa din sa pag hila sa akin. Peste baka madapa ako nito! Naka heels pa man din ako. Narinig ko ang pag sunod sunod na kulog. Tsk mukang uulan pa.

"Hoy teka...naka he-AHHHHHH" Napatili ako ng matalapid ako. Ramdam ko ang pag bagsak namin pareho. Nasa ibabaw nya ako at naka yakap sya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa tapos biglang bumaba ang tingin nya sa dibdib ko.

"Shit!" Mura nya. Agad akong tumayo at inayos ang damit ko.

"Nerd kana nga! Lampa ka pa" Sabe nya ng makatayo din. Masama ko syang tinignan at tinuro.

"Hindi naman ako madadapa kung hindi mo ako hinihila! At pwede ba tigilan mo ang pag tawag mo sa akin ng nerd!" Hinagod nya ang kanyang buhok sabay kagat sa kanyang labi. Holy crap! Ang gwapo nya sa part na yon. But still nakakainis pa din sya. Biglang kumulog ng malakas kaya napasigaw ako sa gulat.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon