Chapter 75

6.6K 211 30
                                    

Third Person's POV

Bang...

Umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid kaya naman napatigil ang dalaga sa ginagawa nya at tinignan ang kaibigan nya.

"What was that?" Tanong ni Hannah sa kaibigan nya. Nagkibit balikat lang ito at palihim na inirapan ang kaibigan nya na ngayon ay palingon lingon.

"Baka naglolokohan na naman yang mga tauhan mo. Mga baliw din kagaya mo" Bulong ng dalaga.

"Ha? May sinasabe ka?"sabe ng dalaga.

Nakarinig sila ng sunod sunod na putok ng baril kaya naman nataranta ang dalawa. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita nila si Trevor.

"May mga pulis!" Sabe nito sa dalawa.

"Fucking shit!" Sigaw ni Hannah at kinuha ang baril nya sa drawer. Lumabas sya ng kwartong iyon at pinuntahan si Zea. Wala pa din itong malay kaya pinagising nya ito kay Sabrina. Unti unting nagmulat ng mata si Zea at nakita nya ang muka ni Sabrina.

"Wake her up. Babalik ako!" Sabe ni Hannah at lumabas ng kwartong iyon.

"Zea wake up!" Munting ungol ang narinig ni Sabrina mula kay Zea at agad nya itong kinalagan.

"Come with me! Iaalis kita dito!" Sabe ni Sabrina at inalalayan si Zea palabas ng kwarto.

"S-si Ma-maggie" nanghihinang sambit ni Zea habang inaalalayan sya ni Sab.

"Don't worry ako ng bahala sa baby mo itatakas ko kayo pareho!" Sabe nito. Naglakad lang sila ng nag lakad hanggang sa napaluhod si Zea.

"Shit" sambit ni Sab. Pinilit namang tumayo ni Zea at nagsimula na ulit maglakad. Nanginginig ang mga binti nya at sobrang sakit ng katawan nya lalo na ng ulo nya.

"Mommy!" Napatigil silang dalawa at napalingon sa likod ng marinig nila ang munting tawag ng bata. Paglingon nila nakita ni Zea na hawak hawak ni Hannah si Maggie at may nakatutok na baril sa ulo nito.

"Where do you think you're going?" Tanong ng dalaga.

Zea's POV

"Where do you think you're going?" Tanong ni Hannah. Kitang kita ko ang takot ni Maggie. Kahit hirap na hirap ako ngayon at sobrang sakit ng katawan ko pinilit ko pa din na tumayo ng ayos.

"Le-leave her alone Hannah!" Sabe ko. Ngumisi naman sya.

"Why would I?!" Sabe nya sabay tutok sa akin ng baril at anytime pwede nya na akong barilin.

"Are you crazy Hannah? Stop this!" Sabe ni Sabrina at humarang sa harapan ko.

"Get out of the way, Sab!" Galit na sambit ni Hannah pero hindi umalis si Sab sa harap ko.

"Go ahead pull the trigger, Hannah! I dare you!" Sabe nya kaya natakot ako ng sobra dahil sa salitang binitawan nya. Kitang kita ko ang pagkagulat sa muka ni Hannah para bang hindi nya inexpect na sasabihin yon ni Sabrina sa kanya.

"Pati ba naman ikaw Sabrina? Pati ikaw ipagpapalit ako sa kanya? Akala ko ba bestfriend tayo pero bakit sya ang kinakampihan mo?!" Tumulo ang luha mula sa mata ni Hannah.

"Kase sobra kana! Pati inosente dinadamay mo! Hindi ba sinabe ko naman sayo na tigilan mo na to dahil wala ng patutunguhan! Ayaw sayo ni Xander at hinding hindi ka nya magugustuhan ilang beses ko ng pinamuka sayo pero binabalewala mo lahat ng sinasabe ko! Nakakasawa na Hannah! Palagi nalang akong naka sunod sa gusto mo! Ikaw na mismo nagsabe na bestfriend tayo pero parang alila mo ako! Ayoko na! Tama na ang pagpapahirap mo sakin!" Sabe ni Sabrina at umiiyak na din.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon