Chapter 9

11.7K 366 10
                                    

Zea's Pov*

Ugh ang sama ng pakiramdam ko feeling ko pasan ko ang mundo. Nagpaulan kasi ako kahapon kaya siguro ganito.

*toktok*

May kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok" Sabe ko. Hanggang ngayon nakahiga pa din ako sa kama.

"Oh bat hindi ka pa nakaayos?" Tanong ni Mom.

"Ang sama po kase ng pakiramdam ko" Sabe ko at umupo sa kama sabay sandal ng ulo ko sa headboard. Lumapit naman sya sa akin tapos hinipo nya yung noo ko.

"Ang taas ng lagnat mo!" bigla naman syang nagpanic."Teka lang tatawagin ko si Manang at ipapahanda ko ang kotse!" Tatawagin ko pa sana sya kaso ang bilis nyang tumakbo palabas. Pumikit ako saglit at huminga ng malalim.

~

Minulat ko ang mata ko at laking gulat ko ng malaman kong nasa ospital na ako.

"Gising kana pala hija" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Manang.

"Si Mom po?" tanong ko sa kanya.

"Nasa company nyo may aasikasuhin lang daw sya saglit tapos babalik din daw sya agad" sagot ni Manang. Napatingin ako sa wallclock tinignan ko kung anong oras na at ten na pala ng umaga ibig sabihin nakatulog ulit ako kanina.

"Gutom kana ba?" tanong ni Manang.

"Opo eh" sabe ko.

"Eto pancake oh malamig na yan kanina pa yan" inabot sa akin ni Manang yung plato na may pancake.Kinain ko naman agad yon dahil gutom na rin ako.

Mayamaya pa eh biglang may kumatok sa pinto at pumasok yung tatlo.

"Zea okay kana ba?" tanong sa akin ni Paula.

"Oo okay lang ako. Teka diba may pasok ngayon bakit hindi pa kayo napasok?" tanong ko dun sa tatlo. Nagkatinginan naman sila tapos sabay sabay nagpout.

"Eh wala ka kaya hindi na rin kame pumasok" Sabay sabay nilang sabe.

"Remember pag wala ang isa wala na ang lahat" sabe ni Claire sabay kuha ng apple dun sa table at umupo sa sofa.

"Luh! Baka isipin nung mga teacher naten nagusap usap tayong apat!" sabe ko dun sa tatlo.

"Hey don't worry pinagpaalam na kame ni tita Leila" sabe ni Paula.

"Hayss may magagawa ba ako! isa lang ako tatlo kayo!" sabe ko. ngumiti naman silang tatlo.

At yon buong maghapon nag ingay yung tatlo sa kwarto ko dito sa ospital.

Xander's Pov*

"James wait up!" nilingon ko naman si Shaun na hapong hapo kakahabol sa akin.

"What? Don't call me James" sabe ko.

"Okay ano po bang gusto nyong itawag ko sa inyo mahal na prinsipe?" at nag bow down pa ang luko.

*toink*

"Aray ko naman!" sigaw nya. binatukan ko ang loko.

"Hindi ka ba tatahimik?" tanong ko.

"Oo na tatahimik na. Ang sungit mo na naman" sabe nya at akmang aalis na.

"Saglit lang Shaun!" pigil ko. lumingon naman sya.

"Baket namiss mo agad ako?" tanong nya habang naka ngiti.

"Gago ang bakla mo. Gusto mong masuntok?" sabe ko.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon