Chapter 13

11.2K 401 5
                                    

Zea's Pov*

Monday na naman hays. Meron pa ako ngayon kaya medyo masama ang pakiramdam ko. Naka tungo lang ako dito sa desk habang naririndi sa ingay ng mga kaklase kong nandito sa loob ng room namin.

"Grabe ang lamig" Dinig kong sabe ni Paula. Katabi ko kase sya.

Malakas ang ulan sa labas tapos naka bukas pa ang air conditioner kaya naman sobrang lamig.Wala pa akong dalang jacket at hindi sapat ang suot kong uniform tapos naka skirt pa ako kaya nalalamigan din ang binti ko.

*blag*

Napaangat ang tingin ko dahil may lumagabag. Natahimik ang lahat habang naka tingin sa pinto ng room. Nakita ko si Xander na galit na galit kulang nalang may lumabas na usok sa ilong nya.

"Lumabas kayong lahat!" Sigaw nya. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Ano na naman kayang problema ng isang to? Parang may PMS sya ah.

"I SAID GET OUT!" Sigaw nya. Agad na lumabas ang lahat pati ako tumayo din at tamad na naglakad papunta sa pintuan.

"Where do you think you're going?" Nagulat ako ng bigla nya akong hinila.

"Outside. Diba yun ang sinabe mo" Walang gana kong sabe.

"You're.not.going.anywhere!" Madiin nyang sinabe. Umirap ako sabay tanggal sa kamay nyang nasa braso ko.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko.

"Ikaw ang problema ko!" Sabe nya. Kaming dalawa nalang ang nandito sa loob.

"Wala akong ginagawa sayo! Bakit ba ako nalang lagi ang nakikita mo?" Tinulak ko sya pero hindi man lang sya napaatras kahit konti. Sumasakit ang ulo ko lalo na ang puson ko. Bigla nya akong isinandal sa pader at nilapit nya ang kanyang muka sa aking tenga.

"I don't like you" Bulong nya. Tumindig ang balahibo ko sa batok dahil sa ginawa nya.

"Well I don't give a damn if you don't like me! I don't like you either" Sabe ko. Natahimik sya at hindi nakapag salita. Nagkatitigan pa kaming dalawa hanggang sa may nagsalita.

"What is going on here?" Sabay kaming napalingon. Sila Hannah pala ang dumating.

"Are you trying to kiss him!?" Lumapit sya sa amin at hinila nya palayo si Xander. Dumating pa ang baliw.

"Are you stupid? Why on earth did you think that I will kiss this jerk?" Kalmado pa ako ngayon. Wag lang talaga nya susubukan na mag simula ng away because this time I will definitely fight back. She's crossing my line.

"She called me stupid, Xander!" Nagpacute pa sya. Bagay talaga silang dalawa.

"Then prove her wrong sweetheart. I gotta go now. Have fun" Sabe ni Xander. Nang makaalis sya kaming mga babae nalang ang nandito. Ang sarap dukutin ng mata ni Hannah masyadong nanlilisik eh.

"He is mine! Stay away from him! Stay away from us! You fucking ugly bitch" Sigaw nya sabay hila sa buhok ko.

"Ahh aray!" Sigaw ko. Sabunot at sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

"Sumusobra kana!" Hinila ko din ang buhok nya. Hindi ako magpapatalo sa isang baliw na katulad nya.

"You bitch!" Sabe nya.

"If there's a bitch, it's not me because it was you!" Sabe ko. Binitawan nya ako kaya napabitaw din ako.

"I'm gonna kill you!" Sigaw nya sabay sugod sa akin kaya natumba ako at humampas ang likod ko sa sahig. Hindi agad ako naka palag dahil iniinda ko pa ang sakit ng likod ko. Sampal at sabunot ulit ang ginawa nya sa akin. Sinasangga ko lang ang atake nya dahil nasa ibabaw ko sya. Nakisali din sa pananakit yung mga kaibigan nya. May kumalmot pa sa akin kaya hindi ko na napigilang umiyak.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon