Chapter 71

6.4K 220 18
                                    

Third Person's POV

Nagring ang phone ni Zea kaya kinuha nya yon at tinignan kung sino ang natawag sa kanya. Unknown number ito kaya kumunot ang noo nya pero agad nya itong sinagot dahil baka ito yung tumawag sa kanya nung isang araw. At hindi sya nagkamali dahil sya nga ang tumawag.

[Hi there Villarel]

Naginit ang ulo ni Zea kaya hindi nya napigilan na murahin ang kausap nya.

"Damn you bitch! Pakawalan mo ang anak ko wag mo syang idamay! Kung ako lang ang pakay mo sige pupuntahan kita ngayon din! Wag mo lang idadamay si Maggie" nagcrack ang boses nya kaya tumawa ang kausap nito. Mag isa lang ngayon si Zea sa ospital dahil may pinuntahan lang ang Mom at Dad nya habang papunta palang sila Paula para bantayan sya.

[Aww poor Zea. Begging me to let go of her precious daughter. Don't worry she's alright. Hindi ko naman sya sasaktan dahil kahit papaano may awa ako sa bata. Besides ikaw lang naman talaga ang gusto kong saktan eh. Hahahaha] Nakahinga naman ng maluwag si Zea kahit papaano sa sinabe ng kausap nya.

"Kaya nga pupuntahan kita ngayon din! Basta pakawalan mo lang ang anak ko wag mo na syang idamay pa. May sakit sya...please let her go" Pinipigilan nyang umiyak.

[Okay then I will text you the address but you have to go alone! Kapag may kasama kang iba papatayin ko ang anak mo kahit labag sa loob ko!] Natakot naman si Zea sa sinabe ng babaeng kausap nya.

"Ako lang magisa wala akong kasama! Just please don't hurt my daughter I will do everything...just let her go!"

[You will do everything?]

"Yes! Everything!"

Napangisi ang dalaga sa narinig nya.

[Okay then]

Pinatay ng babae ang tawag kaya nataranta si Zea. Mabilis syang kumilos at tinanggal ang nakakabit na dextrose sa kamay nya tiniis nya ang sakit at mabilis na nagpalit ng damit. Hawak hawak nya ang phone nya at nilagay iyon sa bulsa ng pantalon. Nagsuot sya ng jacket na itim dahil gabi na din at malamig na ang simoy ng hangin. Mabilis syang lumabas ng kwarto at tumakbo papuntang elevator naka taklob ang hood sa ulo nya at nakasuot din sya ng face mask kaya hindi kita ang muka nya. Saktong pag bukas ng elevator sila Paula ang sakay nito kaya mabilis syang napatungo. Hindi naman sya napansin ng dalawa kaya mabilis syang pumasok sa elevator at pinindot ang button para sa ground floor. Nakarecieve sya ng text mula sa babae at nakalagay doon sa message kung saan sya pupunta.

"Wait for me baby. Mommy is coming to get you" sabe nya.

Paula's POV

Paglabas namin ng elevator may naka salubong kami na naka itim na jacket bigla syang tumungo kaya hindi ko nakita ang muka nya. Hmm why do I care anyway? Naglakad kami papunta sa kwarto ni Zea. Hays hanggang ngayon hindi pa din sya magaling. Pagkapihit ko ng pinto nakita kong wala sya sa kama.

"Asan na yon?" Tanong ko. Napansin ko ang dextrose at ngayon ko lang narealize na naka kalat ang hospital gown sa sahig at ang dextrose ay parang tinanggal. Shit! Binuksan ko ang pinto ng CR at walang tao.

"Shit! Kylie si Zea nawawala!" Sabe ko. Napatayo naman si Kylie at lumapit sa akin.

"What?!" Sabe nya ang kumunot ang noo. Agad kong dinial ang number ni tita at sinagot nya naman agad ito.

[Oh Paula may problema ba? Si Charry?]

"Tita si Zea wala po dito"

[What?! Papaano?]

"Hindi ko po alam pero mukang tumakas po sya!"

[Oh my gosh...] Narinig ko ang pagtawag ni tita sa asawa nya at ang paguusap nila.

[Papunta na kame]

"Sige po tita ingat po kayo" binaba ko na ang tawag. Shit pasaway talaga yon kahit kailan! Paano sya ngayon hahanapin? Ughhhhh. Dinial ko ang number ni Shaun matapos ng ilang ring sinagot nya ito.

[Hello?]

"Shaun! Help us si Zea nawawala"

[Are you sure? How come? Diba naka confine sya?]

"Oo. Tumakas sya!"

[Okay sige. Tatawagan ko lang sila Xander tapos pupunta na kami jan]

"Okay...sige bye." Napalingon ako kay Kylie naka poker face lang sya mukang may iniisip.

Sabay na dumating sila tita pati na din sila Shaun.

"Tita" sabe ko.

"I'm right! I shouldn't leave her alone here. I knew this will happen!" Sabe nya.

"Hey calm down" sabe ni tito.

"Paano kung pati sya mapaghamak? God damn it!" Pinapakalma ni tito si tita. Lumapit sa akin si Shaun at nagtanong ng ilang bagay. Asan na ba sya? Nakakainis!

"Track her phone that's the only way to find her" sabe ni Kylie. Napalingon kami sa kanya at mabilis na kinuha ni tita ang phone nya at may pinindot doon.
"I know where she is let's go!" Sabe nya at mabilis kaming kumilos. Nagpunta kami sa police station at kinakausap nila tita ang mga pulis.

Zea's POV

Nandito na ako sa tapat ng bahay na tinext nung tumawag sa akin. Malaki at malawak ang buong paligid pati puro bukas ang ilaw sa loob ng malaking bahay na ito. Bumukas ang gate kaya pumasok ako doon mansion pala ito.
Habang naglalakad papasok nakita ko si Maggie sa may bintana at kinakatok ang salamin kaya napatakbo agad ako papasok ng mansion. May humila bigla sa braso ko at paglingon ko dalawang maskuladong lalaki na may tattoo sa braso at may baril din  sa gilid ng kanilang bewang.

"Kanina ka pa hinahantay ni young lady. Hala sige sumama ka sa amin!" Sabe nung isa at kinaladkad nila ako pataas. Help me lord!

******************
A/n: Di ko na keri sasabog utak ko sa ending neto promise madaming revelation ang magaganap! Kaya keep on reading guys malapit na konti nalang matatapos na ang storyang ito kaya naman nais kong sabihin na suportahan nyo din ang isa ko pang storya na MAKING THE BAD GIRL'S GOOD. Malupit yan mga basagulera ang mga babae kaya read nyo yon guys at ipagkalat na din. Vote and comment lang thank you.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon