Xander's POV
Nagdadrive ako ngayon papuntang school damn miss na miss ko na si Charry. Pagkapark ko ng kotse bumaba agad ako at naglakad papuntang room or should I say para hanapin ang girlfriend ko. Habang naglalakad sa hallway napatigil ako bigla sa nakita ko. Si Charry may kasamang lalake? O namamalikmata lang ako? Agad na kumuyom ang kamao ko. Peste at sino sya para bigyan ng bulaklak ang girlfriend ko? Nakatalikod na sila parehas sakin at naglakad na. Pilit kong kinakalma ang sarile ko habang sinusundan sila. Tss hinatid nya pa talaga sa room ha?
"Sige salamat ulit sa bulaklak ah" sabe ni Charry.
"Walang anuman basta ikaw haha!" Sabe nung lalake. Gusto ko ng manuntok ngayon din! Gusto ko ng basagin ang muka ng hudas na to! Hindi ko namalayan na nasa likuran na pala nila ako.
"So how are you love?" Cold kong sabe. Natigilan sya at dahan dahang lumingon sakin. Gulat na gulat sya ng makita nya ako.
"Xa-xander?" Pagkasabe nya non agad namang lumingon ang lalake kaya agad ko din syang kwinelyuhan.
"How dare you to flirt with my girl! Do you wanna d-" napatigil ako at tinitigan ang lalakeng hawak hawak ko.
"K-kyle?" What?!
"James" sabe nya. Marahas kong binitawan ang kwelyo nya.
"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Zea. Hindi ko sya sinagot at tumalikod nalang tsaka umalis. Pero bago ako makalayo narinig ko ang sinabe ni Kyle.
"Yeah James is my cousin"
Zea's POV
"Yeah James is my cousin" ano daw? James is his what? Unti unting nagsink in sa utak ko ang sinabe nya.
"Pi-pinsan mo sya?" Ehhh?!
"Yep from mother's side" Oh gosh!
"Bakit hindi mo sinabe?" Tanong ko.
"Eh hindi ka naman nagtatanong sakin" sabe nya. Ay tungaw!
"Ah eh sya sige na pumasok kana sa klase mo" sabe ko.
"Teka boyfriend mo ba sya?" Tanong nya.
"Ah eh oo" napayuko ako.
"Ayy mahirap pala pag niligawan pa kita. Mukang wala akong laban kay kuya. Oh well kahit mag bestfriend nalang tayo okay na ako don" sabe nya sabay ngiti kaya napangiti na din ako.
"Mabuti pa ngang magkaibigan tayo Kyle tsaka baka magulpi ka pa ni Xander kahit pinsan ka nya" sabe ko sabay tawa.
"Oo nga eh ang sakit pa man din manuntok non" sabe nya sabay kamot sa ulo nya.
"Sya sige na Kyle baka malate ka sa klase mo" sabe ko.
"Sige bye" sabe nya at umalis na.
Pumasok na ako sa room. Bwuisit na Xander yon sya pa may ganang umalis ni hindi man lang ako kinamusta! Bahala sya sa buhay nya hindi ko sya papansinin manigas sya.
Lunch time na at wala akong balak sumama sa tambayan nila bahala sila basta ako sa canteen ako kakain. Nauna na akong umalis at pumunta agad sa canteen para bumili ng pagkain ko buti nalang kakaunti pa ang estudyante kaya mabilis lang ako nakaorder. Umupo ako sa pinaka gilid ng canteen para walang istorbo. Nagumpisa na akong kumain at natigil ako ng biglang may maramdaman ako sa harap ko pag angat ko ng tingin si Kyle ulit.
"Uyy upo ka" sabe ko. Umupo sya sa harap ko at nilapag ang tray na may laman na pagkain nya.
"Bakit magisa ka lang asan si kuya James?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...