Chapter 32

10.4K 334 22
                                    

Xander's Pov*

Nasa klase ako ngayon at naghihintay ng text mula sa ospital kung nasaan si Zea. Hindi pa din sya nagigising. Habang nasa kalagitnaan ng klase nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa at tinignan.

Paula:

   She's awake...

"Mr. Lee cellphones are not allo-" Hindi na nakatapos ng sasabihin si Mr. Hamilton dahil nagmadali akong tumakbo palabas ng room. Damn it! bakit parang na-excite ako ng mabasa ko ang text ni Paula?

"Xander wait up!" Kahit hindi ako lumingon alam kong sila Shaun ang humahabol sa akin. Nang makarating ako sa parking lot binuksan ko ang pinto ng kotse ko at pumasok sa loob.

"Damn! Wh-where are you going?" Hingal na hingal yung tatlo na nakadungaw sa windshield ng kotse ko.

"She's awake!" Sabe ko.

"We're coming with you" Sabe ni Shaun. Tumango ako kaya pumasok na sila sa loob katabi ko si Shaun sa shotgun seat habang yung dalawa nasa likod. Dali dali akong nagmaneho papuntang ospital at ng makarating kami doon tumakbo ako at hindi na sumakay ng elevator. Sa hagdan ako dumaan.

Hingal na hingal akong pumasok sa loob ng kwarto ni Zea at naabutan ko silang nagtatawanan pero napatigil sya ng makita nya ako.

"Xa-xander?" Halatang nagulat pa sya ng makita ako.

Zea's POV

Nagtatawanan kami nila Paula pero bigla akong napatigil ng makita ko sya.

"Xa-xander?" Bakit sya nandito? Ngumiti sya sa akin at lumapit. Napatingin ako sa likuran at nakita ko din doon at tatlo nyang kaibigan na hingal na hingal. Teka bakit parang pagod na pagod sila? Tumakbo ba sila? Pawis na pawis.

"Good morning sleeping nerd!" Sabe nya. Automatic naman akong napasimangot sa sinabe nya at inirapan sya.

"Just kidding. How are you?" Tanong nya at umupo sa tabi ko. Oo sa tabi ko talaga dito sa kama.

"Tse! Bakit ka ba nandito? Mangb-bwuisit ka na naman?" Inis ko ding tanong. Tumawa lang sya pero mahina lang. Bakit ang husky ng tawa nya? Baket?

"Masama bang dalawin ang babaeng nililigawan ko?" Tanong nya at hinaplos ang buhok ko. Nagsitayuan naman ang balahibo ko sa ginawa nya.

"E-ewan ko!" Hindi ako makatingin sa kanya. Eh? Bakit ganito nararamdaman ko? Parang parang may ano...ughh nevermind!

"Why are you blushing? Don't tell me kinikilig ka?" Nahampas ko naman sya ng unan na hawak ko.

"Walang hiya ka talaga Lee! Ang kapal mo!" Sigaw ko tapos pinaghahampas ko sya ng unan.

"Aray! Hoy! Ano ba? Inaano kita! Tama na!" Sabe nya at iniiwasan yung panghahampas ko.

"Sira ulo ka talaga! Jerk! Bwuisit ka!" Patuloy lang ako sa paghampas sa kanya.

"Zea! Tama na! Aray! Masakit! Pag ako nahulog makakatikim ka sakin!" Sabe nya.

"Sana nga mahulog ka! Bwuisit ka Xander!" Sigaw ko.

"Ehem! Ang daming langgam oh!" Napatigil ako at napatingin kila Paula na ngayon ay nakangisi.

"Sus nangangamoy isda!" Sabe ni Claire. Habang nagtatawanan sila ako naman tinignan ko ng masama si Xander pero ang luko nginitian lang ako.

"Teka diba Xander ikaw lang ang tinext ko? Bakit kasama mo tong mga to?" Tanong ni Paula.

"Tanungin mo sila. Sumunod lang sakin yang mga yan!" Sagot ni Xander.

"Hey you hungry?" Tanong ni Xander sakin.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon