Chapter 19

11.2K 370 13
                                    

Xander's POV

Ang sakit ng ulo ko. Hangover. Bumangon ako sa kama at tinignan ang alarm clock. Napahawak ako sa panga ko na masakit dahil may pasa ako. Muntik pa ako kagabe buti nalang dumating yung mga bouncer. Napahawak ako sa kaliwang braso ko na may gauze.

Flashback...

"Aba kung sinuswerte nga naman. Nandito ka pala, Villanueva" Napatingin ako sa gilid at nakita ko yung anim na lalake.

"Hey Mark. How's your face?" Naka ngising tanong ni Allan at tumayo. Lasing na sya. Kahit maingay dito sa loob dinig ko pa din ang ingay ng dalawa.

"Mayabang ka pa din tulad ng dati!" Biglang sinuntok ng isa si Allan kaya napatayo kami.

"What the fuck is your problem?" Tanong ko. Tinulungan nila Shaun si Allan na makatayo.

"Wag kang makialam dito" Tinuro ako ng isa.

"Gago ka" Nakita kong sinuntok ni Allan yung sumuntok sa kanya kaya napaatras ito.

"Mas gago ka" Nagkagulo dito sa table namin dahil sa dalawa.

"Hoy Allan. Tumigil kana" Awat namin. Nagsusuntukan yung dalawa at nakita kong makikisali yung lima pang lalake kaya nakisali na din ako.

"Fuck!" Sigaw ng isa ng masuntok ko sya. Nakisali na din si Shaun at Travis. Maraming sumigaw at tumili dahil sa nangyayare dito.

Nasuntok ako ng isa kaya gumanti ako. Ang hirap pabagsakin ng isang to malakas din eh. Nakita kong naglabas sya ng balisong kaya napalayo ako.

"Ngayon mo ilabas ang tapang mo" Sabe nya.

"Xander" Dinig kong tawag nila Shaun pero sumenyas lang ako na wag silang lalapit.

"Hoy Carl bitawan mo yan!" Sigaw ni Allan.

Narinig ko ang halakhak nitong Carl sabay sugod sa akin. Naramdaman ko ang hapdi sa braso ko. Fuck shit!

"Xander!" Lalapit sana sila Shaun pero umiling ako.

"Ano Lee! Lumaban ka" Sigaw nitong Carl. Nakita ko ang dugong umaagos sa braso ko.

"Lumaban ka ng patas" Sabe ko. Ngumisi sya sabay sugod ulit sa akin. Umiwas ako at hinablot ang braso nya tsaka pinilipit iyon.

"Ahhh" Sigaw nya. Wala akong pake kung nabali ko ang braso nya. Tsaka lang dumating ang mga bouncer kaya nabadtrip ako.

Lumapit sa akin sila Travis at tinignan ang braso kong dumudugo pa din. Napapikit ako ng hawakan nila yon.

"Malamim ang sugat mo. Mukang kailangang tahiin" Sabe ni Travis.

"Tara sa ospital. Baka maubusan ka ng dugo" Sabe ni Allan.

"Okay lang ako" Sabay sabay silang nagmura dahil sa sinabe ko.

End of Flashback...

Buti nalang hindi ako masyadong nag inom kagabe. Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa head board ng kama ko tsaka pumikit.

"Kuya?" Minulat ko ang isa kong mata at sinilip ang pinto ng kwarto ko.

"Hey little brat" Sabe ko. Pumasok sya sa kwarto ko at tumalon sa kama ko.

"Ano ba? Mamaya masaktan ka pa sa ginagawa mo" Sabe ko.

"Sorry po. Are you sick?" Hinipo nya ang noo ko kaya napahagikhik ako.

"Nope. May hangover lang ako" Sabe ko.

"Kuya what happened!?" Nagpanic naman sya ng makita ang gauze sa braso ko. Aish dumugo pala.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon