Chapter 10

13.1K 403 13
                                    

Xander's Pov*

   Nasa parking lot ako ngayon kakadating ko lang dito sa school.

"Good Morning!"Naka ngiting bati sa akin nitong babae.

"Stay away from me" I coldly said. Kumuha ako ng sigarilyo sa bulsa ko tapos sinindihan ko yon.

"Agang aga sigarilyo agad ang hawak mo!" Napatingin ako sa nagsalita.

"Trip lang. Travis, nakita mo na ba dito sa school si Zea?" Tanong ko sa kanya.

"Sino yon?" Tanong nya pabalik.

"Ughh...I mean si nerd!!" Inis kong sabe.

"Tsss...hindi pa. Baka absent pa din" Sabe nya.

"Zea okay kana ba talaga? Baka mamaya bigla ka namang magkasaket. Magsabe ka lang sa amin pag may nararamdaman kang hindi maganda!" Nang marinig ko ang pangalan na Zea. Tinignan ko agad yung nagsalita at tama ako sila na nga. Pero nagkasakit sya? Kaya siguro absent sya ng dalawang araw.

"Hi Zea" nagulat ako ng biglang lumitaw si Shaun sa harapan nung apat.

"He-hello Sha-shaun.." Nauutal nyang bati kay Shaun. Damn it close sila? Tsaka bakit parang namumula yung pisnge ni Zea? May gusto ba sya kay Shaun? Aish! Pakialam ko ba. Pero baket nakakaramdam ako ng inis?

Nagkikipag usap sya sa babaeng yan? Anong trip nito ni Shaun at naisipan nyang lumapit kay nerd?

"Shaun!" Hindi nako nakatiis at lumapit na ako sa kanila.

"Sige aalis na kame" Sabe ni Zea ng makita ako. Hinawakan naman sya sa braso ni Shaun kaya napatigil sya.

"Teka lang..." Nanliit ang mata ko sa ginawa nya. Ano ba talagang meron sa kanilang dalawa?

"Aalis na kame. Bitawan mo na sya" Malamig na sabe ni Paula.

"S-sige" Pagkabitaw ni Shaun kay Zea agad naman silang umalis. Tinapik ko ang braso ng kaibigan kong tulala.

"Hoy" Sabe ko. Tinignan nya ako habang naka kunot ang noo nya.

"Kahit kailan panira ka talaga" Umiling pa sya habang naka ngisi. Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Bakit? Anong ginawa ko?" Tanong ko.

"Wala! Aish nakakainis naman" Ginulo nya ang kanyang buhok. Anong problema ng isang to? Parang baliw tsk.

"May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ko.

"Ha? Kanino?" Tanong nya pabalik.

"Kay nerd" Sabe ko. Bigla naman syang tumawa kaya nainis ako.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko.

"Ahahahahaha you..." Tinuro nya ako habang tawa pa din ng tawa. Nakahawak na sya sa kanyang tiyan. Mag lock sana ang gilagid ng isang to ng matigil.

"Xander!" Nilingon ko si Travis. Naka sandal sya sa kanyang Mazda na kulay pula habang pinakita sa akin ang phone nya.

"Dude wala akong gusto sa kanya. Oh please don't make me laugh again hahaha" Sabe ni Shaun.

"Ewan ko sayo" Lumapit ako kay Travis na busy sa kanyang phone.

"What is it?" Tanong ko at tinignan ang screen ng kanyang phone.

"May message akong natanggap mula kay Ouel. May naghahamon daw ng laban mamaya" Seryoso nyang sabe.

"Anong oras?" Tanong ni Shaun.

"As usual twelve midnight. Ano sasabak ba tayo?" Kung sasabak ako mamayang madaling araw for sure hindi ako makakapasok bukas. Pero damn miss ko ng magbanat ng buto!

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon