Chapter 65

8K 226 13
                                    

Allan's POV

Nasa harap ako ngayon ng pinto sa kwarto ni ganda at hindi ko alam kung paano ako papasok dahil alam kong makakatikim ako ng malupit lupit na batok sa kanya gawa kagabe. Well alam na sa kanila na kami na gawa ng ate nya nahuli kaming magkasama sa mall at ayun bigla akong pinapunta sa bahay nila noon dinner daw. Tss naalala ko kung gaano ako kinabahan ng makilala ko ang parents nya lalo na ang mga kapatid nya.

"Panget?"

Aish anong gagawin ko? Palagi nalang kami nagaaway baka mamaya magsawa sakin si Claire ko. Ayoko pa namang nagagalit sya.

"Uyy"

Iniisip ko palang na magbebreak agad kame nalulungkot na ako. Aish totoo to! Tinamaan ako kay Claire ewan ko ba pero sobra akong nahulog sa kanya sana nga kami na hang-

*toink*

"Aray" napahawak ako sa balikat ko. Nanlaki ang mata ko at napakamot sa batok ng makita ko syang nakapamewang sa harap ko habang nakataas ang kanang kilay. She's using that look again damn!

"Kanina pa kita tinatawag para kang timang! Bakit ka ba tulala? Siguro iniisip mo babae mo noh?" Sabe nya.

"Oo iniisip ko babae ko" sabe ko sabay ngiti.

"Aba talagang sinusubukan mo pasyensya kong unggoy ka!" Sabe nya nakita kong hahampasin na naman nya ako kaya pinigilan ko sya. Hawak ko ang magkabilang braso nya sabay tingin sa kanya ng seryoso.

"Enough" seryoso kong sabe. Umawang ang bibig nya kaya binitawan ko sya.

"Sige kung galit ka pa din sakin hindi muna ako magpaparamdam sayo hahayaan ko munang magpalamig ka ng ulo. Just text me if napatawad mo na ako and by the way ikaw lang ang babae ko wala ng iba kaya sana maniwala ka. Nag bago na ako matagal na!" Pagkatapos non tumalikod na ako sabay alis.

"A-allan!" Rinig kong tawag nya pero hindi ko na sya nilingon.

Claire's POV

"A-allan!" Tawag ko pero hindi nya ako nilingon. Ughhhh bwuiset agang aga naman oh!

"Tsk ang amazona kasi" napalingon ako at nakita ko si ate. Napasimangot naman ako sa kanya.

"Agang aga binulyawan mo ayan tuloy nagtampo ikaw kasi eh. Alam mo ang swerte mo kase ganyan ang boyfriend mo sayo kahit napaka amazona mo. Mahal na mahal ka pa din don't take him for granted sissy ikaw din" sabe nya sabay ngiti sakin. Tinamaan naman ako sa sinabe nya.

"Tsaka muka namang wala syang iba eh kaya maniwala ka. Alam mo bang pumunta sya dito kagabe para kausapin ka kaso tulog kana kaya sabe ko bumalik nalang sya. At isa pa nakausap ko sya I like him for you sis kaya suyuin mo na" whaaat? Pumunta sya dito kagabe? Ugh bigla akong naguilty.

"Tsk okay, fine!" Sabe ko.

"Haha you look good together" napangiti naman ako ng palihim sa sinabe ni ate. Pumasok ako ng kwarto ko para mag ayos ng sarile pupuntahan ko si unggoy.

Travis's POV

"Hey" sabe ko kay Allan. Oh bakit parang badtrip ang isang to? Hmm let me guess magkaaway pa din sila.

"Dude let's drink my treat!" Sabe nya.

"Tss are you insane? Agang aga magiinom" sabe ko sabay iling.

"Nakakainis naman kase!" Sabe nya.

"Suyuin mo na ng hindi ka ganyan!" Sabe ko.

"Pinuntahan ko na nga eh tapos sasabihin iniisip ko babae ko! Putcha dude muka lang akong babaero pero loyal ako! Feeling ko wala syang tiwala sakin" Sabe nya sabay upo sa sofa dito sa sala namin.

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon