Paula's Pov*
"Zea ano nga ulit yung pangalan nung kaibigan ni Xander?" Tanong ni Claire.
"Sino dun?" Tanong pabalik ni Zea.
"Yung napagalitan ni Mrs. Mabilangan" Sabe nya. Nagtaka naman ako bigla.
"Ah si Allan ba? Bakit?" Sabe ni Zea.
"Kase diba sabe ko may dinner kame nila Mama kagabe. Nagulat ako kase sya pala yung sinasabe ni Mama na gwapong anak nung kaibigan ni Papa" Sabe ni Claire.
"Oh tapos?" Taning ko. Nag pout sya sabat irap.
"Muntik na kaming mag away kagabe. Paano ba naman ang lakas ng loob mang asar buti nga nakapag pigil ako kundi baka nasapok ko ang isang yon" Sabe nya.
"Dapat sinapok mo" Sabe naman ni Kylie.
"Nako hindi ko nga nagawa. Bigla syang umalis tapos hindi na bumalik kaya naging okay para sa akin yung dinner" Napailing nalang kame.
"Ang tahimik mo ata ngayon" Puna sa akin ni Kylie.
"Wow nahiya naman yung katahimikan ko sayo" Sabe ko.
"Natural naman kay Kylie ang pagiging tahimik ah" Sabe ni Claire.
"Alam ko" Natawa ako. Kanina pa kame dito sa canteen naka tambay. Wala kasi yung teacher namin kaya lumabas muna kami ng room.
Paula Tyler at your service! Joke haha. Hindi ko alam kung paano ako magpapakilala sa inyo pero sisimulan ko sa aking sarile. Unang una hindi ako nerd okay? I don't get it purkit ba naka salamin pangit agad? Bakit si Harry Potter? Gwapo sya. Tapos yung ibang artista naka salamin din! Napaka judgemental kasi ng mga tao ngayon. Kahit maliit na bagay ginagawang big deal. Bakit kaya hindi nalang sila manahimik? Kung makapag salita akala mo alam na yung storya ng buhay mo.
To be honest hindi naman talaga malabo ang mata ko. Nahihirapan lang ako makakita pag malayo yung binabasa kaya nagsuot ako ng salamin. Mahilig ako sa arts lalo na sa painting but I also love flowers. May flower shop si ate Pauleen minsan katulong nya ako doon para mapadali yung ginagawa nya sa paga-arrange ng bouquet o kung ano pa man.
"Uh wait lang ha. Punta lang ako sa CR" Paalam ko. Tumango lang sila sa akin.
"Sama ako" Sabe ni Zea. Habang nag lalakad kame bigla siyang nagtanong.
"Wala ka bang crush dito sa school?" Naka tingin sya sa kung saan. Bakit naman nya natanong? Pero may crush nga ba ako?
"Wala naman" Siguro dati meron pero mabilis din naman akong mag sawa sa isang tao lalo na kung hindi ko gusto ang ugali. Natahimik na ulit sya kaya nagtaka ako lalo.
"Bakit mo natanong?" I have this feeling na may gusto syang sabihin perp hindi nya masabe.
"W-wala naman" Tinignan ko sya.
"I know you. Come on tell me. Anong rason? Bakit mo ako tinanong?" Hindi sya makatingin sa akin.
"Ahaha wala nga. Kalimutan mo na yung tanong ko" She awkwardly laughed. What's wrong with her?
Zea's Pov*
Nasa canteen pa din kami at nagbabasa lang ako ng libro ng Ang boyfriend kong Artista. Sa sobrang hilig ko sa wattpad halos mapuno ko na yung napaka laking bookshelf ko sa kwarto siguro lagpas isang daan na yung libro ko sa bahay. Second year ata ako nung mag umpisa aking mag collect ng libro ko kaya naman ang dami na talaga.
Splash...
Biglang may tumapon na tubig sa uniform ko kaya nagulat ako at napatingin sa gilid. Sila na naman? Ugh nabasa yung libro ko! Kailan ba ako titigilan ng babaeng ito?
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...