Zea's Pov*
Friday ngayon kaya wala kaming pasok. Monday to Thursday lang ang schedule namin dahil rest day namin ang Friday. Nasa dining room ako ngayonbat nakain ng paborito kong pancake na may chocolate syrup. Grabe ang sarap!
"Huy dahan dahan naman sa pag kain" Saway ni kuya Renz.
"Favorite ko kaya to kuya kaya wag kang makialam" Sabe ko.
"Alam ko. Hindi naman kita pinag babawalan na kumain ang sinasabe ko lang sayo ay mag hinay hinay ka kase baka mabilaukan ka" Sabe nya.
"Tama ang kuya mo" Sabat ni Mom. Nagpout ako at binagalan ang pag kain.
"Good morning" Natigilan ako sa pagsubo ng kutsara dahil sa boses na yon.
"Dad!" Sabe ni ate. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang gwapo kong Daddy na nakangiti.
"Good morning, Dad!" Masaya kong bati. Lumapit sya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Kamusta na ang prinsesa ko?" Tanong nya.
"I'm fine. Naka uwi kana po pala hindi ka man lang po nagsabe" Nagtatampo kong sabe. Tumawa naman sya sabay halik kay ate Laurie at Mom.
"Kanina lang ako naka uwi. Tulog ka kaya ayokong istorbohin ang pagpapahinga mo" Sabe nya at umupo na.
"Ohh okay" Sabe ko.
"Kamusta ang kumpanya, Lau?" Tanong ni Dad.
"Kahapon po napag usapan sa meeting ang launching ng products sa Cagayan De Oro at Bicol. Nagpadala na po ako ng empleyado na magp-present ng produkto kaya wala na ponh problema" Sagot ni ate.
"Nai-check mo ba ng ayos yung mga produkto? Baka naman mamaya may makarating na namang reklamo" Casual na nag uusap ang dalawa tungkol sa trabaho. Yung company kasi namin eh puro cosmetic and hygienic products at si ate Laurie ang namamahala. Samantalang si kuya Renz naman ang namamahala sa isa pa naming company na puro Hotels, Condominiums and Restaurants dito sa Pinas.
"Renz, nakausap mo na ba si Mr. Shiro tungkol dun sa design ng magiging condo ng anak nya?" Puro trabaho ang usapan kaya naman out of place ako ngayon. Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa usapan nila.
"Yes. Naibigay ko na kay Architect Retuya yung design last week" Sabe ni kuya. Bigla namang pumasok sa isip ko yung nangyare kahapon. Si Hannah pala yung bumato sa akin at balita ko suspended ang bruha for one week. She deserves it but ako naman ay napagalitan ni Mom kahapon gawa nga ng nangyare.
Flashback...
Nagising ako at napahawak sa aking ulo na medyo masakit pa din. Inikot ko ang aking tingin sa paligid at dun ko lang napansin na nasa clinic pala ako.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tinignan ko yung nurse.
"Medyo masakit lang po ang ulo ko pero sa tingin ko kaya ko naman po" Sagot ko.
"Inumin mo nalang to pero kumain ka muna ha. Pag hindi nawala yung sakit ng ulo mo siguro magpacheck up ka. Hindi naman kasi ako sure kung gaano kalakas ang pagtama sayo ng bola" Sabe nya at binigyan ako ng gamot.
"Okay lang po. Thank you po" Sabe ko sabay tayo. Hinanap ko naman ang salamin ko pero wala dito. Hala asan na yon?
"Eto pala yung gamit mo. Sabe ng mga kaibigan mo mauuna na silang umuwi" Sabe nya.
"Teka anong oras na po ba?" Tanong ko.
"Almost six" Nanlaki ang mata ko.
"Ha!?" Kumaripas ako ng takbo papuntang parking lot. Shit don't tell me three hours akong naka tulog sa clinic. Wala na akong nakikitang estudyante kundi yung mga varsity players na nagt-training sa field. Medyo madilim na din.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...