Chapter 36

11.4K 350 11
                                    

Zea's Pov*

Two weeks ang lumipas ng lumabas ako ng ospital at sa loob ng dalawang linggo palagi akong nasa ospital para bisitahin ang fake baby ko which is MAGGIE! Nung una gustong gusto nyang sumama sakin kaya iyak sya ng iyak that time.

"Okay class. Bukas kailangan maayos nyo na yung naka a sign na booth sa inyo okay? And by the way yung listahan ng mga players Grace asan na?" Tanong ni Mrs. Ollie yung adviser namin. And by the way intrams na namin sa Wednesday kaya kailangan naming magprepare para sa sportsfest.

"Ma'am hindi pa po namin alam kung anong booth ang napunta samin!" Sabe ni Kevin.

"Belle ano bang booth ang naka assigned sa inyo?" Tanong ni Ma'am. Tumayo si Belle ang president namin at pumuntang unahan.

"Okay guys ang napunta satin ay Marriage booth so ganit-" hindi sya nakatapos ng maghiyawan ang mga kaklase ko. May natuwa at may nagrereklamo.

"Yun oh!"

"Ano ba yan marriage booth ang corny!"

"Woohoo shet excited ako hahahaha!"

"Corny naman!"

"Quiet!" Sigaw ng adviser namin kaya natahimik ang lahat.

"Continue!" Sabe ni Ma'am.

"So as I was saying marriage booth nga. So kailangan ko ng katulong sa pagaayos ng booth natin and ng pondo para sa mga kailangan sa booth!" Sabe ni Belle.

"May plano na ba kayo para sa booth?" Tanong ni Ma'am.

"Meron na po. Kaso hindi ko po alam kung dito po sa room o sa labas po itatayo yung booth" sabe ulit nya.

"Edi sa labas nalang para maganda!" Suggest ng bruha este ni Hannah at tumayo pa.

"Mainit don!" Sabe naman ni Kristoffer.

"So? Edi magpayong ka!" Sabe naman ni Hannah at tinignan ng masama si Toffer.

"Edi ikaw gumawa nung booth magisa sa labas tapos dito nalang kame sa room atleast dito may aircon pa eh sa labas mainit na nga ang gabok pa!" Sabe naman ni Allan.

"Oo nga!"

"Yeah!"

"Tama! Go ka dun sa labas!"

"Like duh! Ayokong mangitim!"

Kanya kanya sila ng sinasabe. Aww poor Hannah napagtulungan ng mga kaklase namin. Inis syang umupo sa upuan nya at nagcrossed arms pa hahaha take that!

"Hey why are you smiling? You're creeping me out!" Sabe ng katabi ko which is Xander.

"Pake mo ba!" Inirapan ko sya at nakinig nalang ulit narinig ko pa syang nag 'tss'.

"Okay mukang dito nalang sa room gagawin yung booth Ma'am! So dun naman tayo sa mga gagamitin na pang design ng booth!" Sabe ni Ms. President.

"Zea" tawag ng adviser namin kaya napatayo ako.

"Po?" Tanong ko.

"Treasurer ka diba" sabe nya.

"Opo" sabe ko. Oo nga pala ako nga pala ang tagakolekta ng mga pera tuwing may activity sa school kaasar lang eh.

"Ikaw ang maningil ng pambili ng mga gagamitin para sa booth tapos para walang gulo ikaw na din ang bumili para sa mga kailangan" sabe ni Ma'am.

"What!" Sigaw ko kaya napatingin silang lahat sa akin.

"May problema ba?" Tanong ni Ma'am.

"So-sorry po Ma'am. Wala po nagulat lang!" Napakamot ako sa batok ko. Ano ba yan! Nakakatamad pa naman mamili! Tapos ako lang magisa!

Four Nerds turns into BeautiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon