Xander's POV
Ilang araw na ang lumipas ng makauwi kami at hindi ko pa nabibisita ang dalawa. Pag naaalala ko yung ginawa ni Shaun kay Charry nagiinit ang ulo ko kaya nagpalamig muna ako at hindi pinupuntahan ang dalawa.
Knock knock...
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at hinintay kung sino ang nasa labas. Pagkabukas nito pumasok si ate Irish ngumiti sya sa akin at lumapit pagkasara nya ng pinto.
"May bisita ka" kumunot ang noo ko sa sinabe nya.
"Nasa living room sila at hinahantay ka" sabe nya. Umupo ako sa kama at tinignan sya.
"Sinong bisita ko?" Tanong ko.
"Bumaba ka nalang para malaman mo" Mas lalong lumawak ang ngiti nya sa labi kaya nagtaka ako. Sa tuwing may bisita ako laging naka simangot yan lalo na pag sila Allan pero ngayon kung makangiti akala mo nanalo sa lotto.
"Tss kung sino man sila paalisin mo na!" Seryoso kong sabe.
"Okay sabe mo eh!" Pagkalabas nya humiga ako sa kama at pinikit ang mata ko.
Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman kung sino ang nagpadala ng death note na yon. Kung kailangan kong bumalik sa Mafia World gagawin ko para kay Charry ayokong madamay sya. At kailangan ko pang kausapin si Shaun hindi pa kame tapos dahil hanggat nasa isip ko yung ginawa nya kay Charry hindi sya makakatakas sakin. Naisip ko din si Maggie pwede syang madamay sa gulo fuck! Ayokong madamay ang anak ko! OO ANAK KO! Hindi ko man sya totoong anak mahalaga pa din sya sa akin sa AMIN. At hindi ko mapapatawad ang sarile ko kapag may nangyaring masama sa dala--Naramdaman kong lumubog ang kama ko at napamulat ako ng may humaplos sa pisnge ko.
Parehas kaming nagulat pero bigla syang ngumiti at niyakap ako. Nakadagan sya sa dibdib ko habang yakap yakap ako. Damn namiss ko sya. Yayakapin ko palang sya ng bigla syang kumalas at hinampas ako sa dibdib. Napaubo naman ako sa ginawa nya kaya umupo ako sa kama habang nakahawak sa dibdib ko na hinampas nya.
"Tama ba ang sinabe ng ate mo? Pinapaalis mo kame?!" Singhal nya at naka crossed arms pa habang magkasalubong ang kilay. Nang makahinga nako ng ayos hinarap ko sya.
"What the hell C-" hindi ako natapos ng pagsasalita ng magsalita ulit sya.
"Nag effort kaming puntahan ka tapos papauwiin mo lang kame. How dare you!" Pinaghahampas nya ako kaya umiwas ako sa bawat atake nya.
"Ouch! Aray tama na!" Sabe ko. Patuloy lang sya sa panghahampas ako naman iniilagan ko yon.
"Napaka mo talaga!" Halatang inis na inis sya sa akin.
"Aray!"
"Tama na!"
"Ch--AHH MASAKIT!"
"UGHHHH! ARAY" Palakas ng palakas ang hampas nya sa akin kaya naman hinuli ko ang kamay nya at dinikit ang labi ko sa labi nya. Natigilan sya saglit after non humiwalay ako sa labi nya.
"Explain! Now!" She said. Natawa naman ako sa kanya dahil ang cute nya magalit.
"Okay. Listen... Sorry si Ate kase hindi sinabe sakin na ikaw pala yung bisita ko" niyakap ko sya pero tinulak nya ako.
"Uso naman magtanong" sabe nya.
"Nagtanong ako pero hindi nya sinabe" Sabe ko habang hinihimas ang braso ko. Amazona talaga to kahit kailan.
"Ewan ko sayo!" Sabe nya sabay tayo at akmang aalis ng hawakan ko sya sa kamay. Napatigil sya at nakataas ang isang kilay ng hinarap ako.
"What?" Inis na tanong nito. Imbis na sagutin ko sya hinila ko ito kaya naman nakadagan na sya sa akin ngayon.
"Whats wrong with yo-" siniil ko ang labi nya ng halik kaya naman hindi na sya nakapagsalita. Napapikit sya sa ginawa ko. Namiss ko ang babaeng ito.
"I'm sorry love" sabe ko at tinignan sya sa mata.
"Ano na naman ba kasing pumasok jan sa utak mo at hindi mo sinasagot ang tawag at text ko sayo? Alam mo bang nakakai-" hinalikan ko sya ulit. Tsk ang ingay ingay! Gumalaw na din ang labi nya mas nilaliman ko ang halik ko sa kanya.
"Mmm..." Fuck! Parang nabuhayan ang dugo ko ng marinig ko ang munting ungol nya. Shit!
"Oh my gosh!" Napatigil kame ng makarinig ng irit. Nakita kong naka tayo si ate Irish sa pinto ng kwarto at tinakluban nya ang mata ni Maggie. Agad na napatayo si Charry at inayos ang sarile nya. Haha pulang pula na naman sya.
"Sorry! Hindi ko alam na err...sige tuloy nyo lang!" Sabe ni ate at binuhat si Maggie sabay alis sa kwarto ko. Nagkatinginan kame ni Charry at sabay kaming tumawa.
"Come here!" Sabe ko. Agad naman syang lumapit sa akin at niyakap ko sya ng mahigpit sabay halik sa noo nya.
"Nakakahiya sa ate mo" sabe nya habang sinisiksik ang muka nya sa dibdib ko.
"Wala yon love. OA lang talaga si ate" sabe ko.
"Ihhh basta nakakahiya!" Sabe nya.
"Haha. Wait for me okay? Maliligo lang ako" sabe ko sabay pisil sa ilong nya.
"Ouch!" She said.
"Haha cute mo! Lakad na baka mamaya hindi ako makapagpigil halikan ulit kita!" Sabe ko sa kanya. Hinampas naman nya ako sa braso.
"Napaka mo talaga! Lakad na maligo kana ang baho mo!" Sabe nya. Ngumiti ako sa kanya yung nakakalokong ngiti nakita kong napalunok sya.
"Sinong mabaho?" Tanong ko.
"Ikaw!" Sagot nya pero hindi makatingin sa akin.
"Ganon ba? Halika dito!" Kiniliti ko sya.
"Kyiaaaah wag!!! Ughh bwuisit hahahaha wag hahahaha!" Tili nya. Tumigil ako at hiniga sya sa kama at hinawakan ko ang magkabilang pulsuhan nya. Hingal na hingal sya.
"Sino ulit mabaho?" Tanong ko. Tumawa sya bago sagutin ang tanong ko.
"Ikaw hahaha" nilapit ko ang muka ko sa muka nya. Pinaamoy ko sa kanya ang kili kili ko.
"Eewww! Kyiaaahh!" Tili nya.
"Hindi na! Mabango ka pala! Ang bangooo mooooo!" Sabe nya at umiiwas sakin.
Zea's POV
Napaka sira ulo neto! Ipaamoy ba naman sakin ang kili kili nya! Hindi naman mabaho actually super bango nga eh. Nagjojoke lang ako.
"Lakad na maligo kana!" Sabe ko.
"Samahan mo ako" nanlaki ang mata ko. Kinuha ko yung unan at hinampas sa kanya.
"Joke lang! Sige na baba kana hintayin mo nalang ako" sabe nya. Bago sya pumasok ng banyo humirit pa sya ng isang halik sa noo ko. Sweet naman! Hihihi. Bumaba na ako at hinintay sya.
*****************************
A/n: Hi Nerdies! Anong masasabe nyo sa maharot na couple na si Zea at Xander? Kingna WALANG FOREVER! Hahaha hindi ako bitter wala po talagang poreber kase..........VOTE AND COMMENT NALANG GUYS HAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...