Third Person's POV
Habang nagaagawan ng baril si Xander at Hannah hindi naman mapakali ang mga tao sa paligid. Hindi naman napansin ni Zea na tumatakbo palapit sa kanya si Maggie.
"Damn you!" Sigaw ni Hannah at nakalabit nya ang trigger ng baril kaya umalingawngaw ang tunog nito. Hindi nila alam kung saan tumama ang bala nito. Biglang sumigaw si Shaun at don lang nila napansin na si Maggie ang natamaan ng bala.
"Maggie!" Parang nagslow mo ang lahat sa paligid ng sumigaw si Shaun. Dahan dahang napalingon si Zea sa likod nya at kitang kita nya kung paano bumagsak si Maggie at kitang kita ang dugo sa damit nito.
"Maggie!" Sigaw ni Zea at tumakbo palapit kay Maggie. Sa kabila naman ng lahat ng iyon naagaw ni Hannah ang baril kay Xander at mabilis na inasinta si Zea at kinalabit ang trigger.
bang...
"Say goodbye, Villarel!" Sabe ni Hannah. Inasinta naman ni Travis ang hita ni Hannah at tsaka binaril napasigaw naman ang dalaga sa sakit na naramdaman nya at napaupo. Kinuha ni Xander ang baril at ibinato iyon sa malayo.
"Nice shot dude!" Sabe ni Allan.
Habang tumatakbo si Zea napatigil sya habang nanlalaki ang mata. Unti unti syang bumagsak ng padapa kaya naman tumakbo palapit si Xander sa kanya at nasalo sya agad nito.
Xander's POV
Bago pa bumagsak si Charry agad ko syang nasalo. Naka upo ako sa damuhan habang naka higa naman si Zea.
"Please don't close your eyes!" Sabe ko.
"S-si Ma-maggie!" Umiiyak sya ngayon hindi ko alam kung dahil ba kay Maggie o dahil sa balang tumama sa likod nya.
"Please hold on!" Sabe ko.
"S-save h-her!" Pagkatapos nyang sabihin yon pumikit na sya. Fuck no! No no no! Not my babies! Please no!
"Fuck! Don't you dare Zea Charry! Don't you dare!" Sigaw ko at pilit syang pinapamulat. Please god no! Not her! Not them!
Agad ko namang binuhat si Charry at tinulungan ako ng mga pulis. Buhat buhat ni Shaun si Maggie. Si Hannah naman ay nahuli na ng mga pulis.
"Princess!" Sigaw ni kuya Renz at Tito ng makita nila si Charry. Agad silang inasikaso ng mga nurse team na nasa ambulansya. Tanging tunog ng sirena ang naririnig ko sa paligid naka tingin ako sa damit at kamay kong puro dugo nya. Lumapit ako kay Maggie na ngayon ay wala pa ring malay.
Sinugod na sila sa ospital kaya naman sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na din kasunod ng ambulansya kung saan nakasakay ang dalawa
"Where's my daughter?" Nakita ko si Tita Leila kasama nya sila ate Laurie at Paula. Si tito ang kumausap sa kanya. Naka upo lang ako dito sa bench at tulala.
Paula's POV
Tulala si Xander habang naka upo. Nandito silang lahat tahimik at mga naka tulala. Nasa loob daw ng operating room si Maggie at Zea dahil nabaril ang dalawa. Pumunta naman ako sa adoration room dito sa ospital. Lumuhod ako at taimtim na nagdasal.
"Lord god! Please wag nyo pong papabayaan si Zea at Maggie. Iligtas nyo po sila sa kapahamakan wag nyo pong hahayaan na may mangyare sa kanilang masama. Madami pong nagmamahal sa kanila kaya please po wag nyo po silang papabayaan! Masyado pa pong bata si Maggie para mangayare sa kanya ang ganito at si Zea naman po madami pa po syang pangarap sa buhay. Kung may nagawa man po syang mga kasalanan please patawarin nyo na po sya." Nang matapos ako nag sign of the cross ako at minulat ang mata ko. Nagulat ako dahil nasa tabi ko si Shaun.
BINABASA MO ANG
Four Nerds turns into Beauties
Teen FictionNerd! Ugly Nerd!! Stupid Nerd!!! Iba't ibang tawag sa apat na magkakaibigan. Pero ng maayusan, lahat sila kinainggitan. I dedicate this story to those people who was called 'NERD' before. Coz' I want you to know that beauty only attracts the eyes, b...