NAKATITIG lang ako sa labas. Gusto kong gumalaw. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya pero hindi ko maihakbang ang aking mga paa.
"Ma'am!" Sigaw ng kung sino. I flinch when he hold me. "Ayos ka lang, ma'am?" Tanong nito.
Hinawi ko ang kamay nya at nagmamadaling tumakbo papunta sa labas. When I reach him, agad akong lumuhod at nanginginig ang kamay na hinawakan ang pisngi nya. Basa ang buhok nito. His white shirt tainted by the blood.
"L-Lix..." I called him. My voice were shaking. He tried to open his eyes.
"Pan... I'm sorry for everything, hm? I'm sorry for... being an asshole to you. O-our child, h-hindi naman magagalit ang anak natin sa akin, d-diba?" Hirap sa pagsasalita nyang sabi. "If... If I meet our child... I will tell that you missed them... D-don't worry, hm? I will take care of them."
"Wag ka nang magsalita!" Umiiyak kong sabi. Tumingin ako sa mga taong nakatingin din sa amin. "Ano ba?! Call a fucking ambulance!"
"Ma'am, parating na po." Sagot ng isa.
"L-Lix, hold still. Please? Hear them? Parating na daw ang tulong. Hmm? Hold on..." Ani ko pero nakapikit lang ito. "Ano ba! Lix! Please, hold on. Please, baby! Mas lalong hindi kita mapapatawad kapag namatay ka!" I sob.
"D-don't cry..." He whispered. Mas lalo akong umiyak ng tuluyan itong nawalan ng malay. Saktong dumating ang ambulansya. Inasikaso nila ito. Sumama ako sa loob ng ambulansya at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.
Until we reach the hospital, hindi ko binitawan ang walang malay nitong kamay, kung hindi lang nila ako pinigilan ng papasok na ito sa emergency room.
I brushed my hair. Fuck!
***
HINDI ako mapakali habang hinihintay na lumabas ang doctor sa loob ng ER. Wala ring tigil ang luha ko. Panay ang dasal ko na sana ay walang masamang mangyari sa kanya.
"Pan!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si kuya.
"K-kuya..." Mabilis itong naglalakad palapit sa akin. He hugged me when he reached me.
"Fuck! What happened?" Nagaalalang tanong nya. "Rico called me nasa hospital ka raw." Humiwalay ako sa yakap.
"S-si... Xiever..." Nakayukong bulong ko. "N-nabangga sya kanina..." Napaiyak na naman ako. "K-kasalanan ko... s-sinisi ko sya sa pagkamatay ni Pharra..."
"Shh... Hindi mo kasalanan. Walang may kasalanan. It's an accident." Pinakalma ako ni kuya hanggang sa bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang doctor. Agad kaming lumapit nito.
"H-how is he, doc?" I ask.
"The patient is stable, nagamot na rin ang mga natamo nyang sugat. Mamaya ililipat na sya sa isang private room para sa tuluyang magpagaling." Saad ng doctor sa amin. Dahil sa sinabi nito ay dali-dali akong pumasok sa ER. Nakita ko itong nakahiga sa hospital bed, walang malay at maraming naka-kabit sa kanya. May benda ang ulo. Tanging tunog lang ng isang makina na nagsasabing may pulso pa ito ang gumagawa ng ingay sa buong kwarto.
I hold his hand while sobbing.
"I-i'm sorry... Why did you do that, hm? A-alam mong mali yung sinabi ko pero bakit mo naman ginawa pa rin? You made me worried so much. I'm sorry." I said and kissed his knuckle.
PAGKALIPAS lang ng kalahating oras ay nagbigay na ng signal ang doctor na pwede na daw syang ilipat sa recovery room.
"Pan, umuwi ka muna. Lyria told me na panay na ang iyak ni Lixian, he's looking for you." Utos ni kuya sa akin. Mula ng mailipat si Xiever sa private room ay hindi ako umalis sa tabi nito, hindi ko na rin namalayan ang oras. I'm scared, baka kapag nalingat ako... baka tuluyan na syang mawala sa akin.
"S-si Xiever kuya..."
"He'll be fine. I'm here, ako ang magbabantay sa kanya." Dahan-dahan akong tumango bago nagpaalam na uuwi na muna.
Taxi ang sinakyan ko pauwi ng bahay. Sinalubong ako ni Lixian na mugto ang mga mata.
"Mommy!" He immediately cling on me.
"Gabi na anak, why are you still awake, hm?" Tanong ko.
"Kasi you're not home pa po." Nakangusong sagot nito. I smile and ruffle his soft hair.
"Tulog ka na." Sabi ko at hinawakan ito sa maliit nyang kamay at hinila papunta sa kwarto. I made him lay on the bed. I kissed his forehead. "Good night, little guy." I whisper before heading to the bathroom.
Naligo ako at ginawa ang night routine ko. When I'm done, lumabas ako ng banyo at nakita kong tulog na si Lixian. Malamang na kanina pa sya nagpipigil ng antok para hintayin ako. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa dinning area. Naabutan ko doon si Lyria.
"Hey." She greet.
"Hey, too."
"Tired?"
"More than that."
"I heard what happened. You okay?" She ask.
"Hindi naman ako yung nasa hospital." Sagot ko sa kanya. Bahagya itong tumawa at inabutan ako ng whiskey na nasa baso.
"Hinihintay ka rin ni Laurence kanina... he's holding bouquet of flowers, purmado pa. Mukang gustong-gusto ka nya ah?" Nakangiting saad ni Lyria. "But when he heard what happened, nandito kasi si kuya kanina... kinumusta ka nya ng tumawag si kuya nung nakarating sa hospital, then after that... Nagpaalam na sya na aalis na lang daw sya." I purse my lips. Nakalimutan ko. May usapan pala kami na lalabas kami kanina.
"I forgot... I was occupied earlier." Bulong ko. Lyria tapped my shoulder.
"That's fine. Maiintindihan nya naman siguro yon? I'll explain to him na lang kapag nagkita kami." Nakangiting sambit ni Lyria.
After our talk nagpaalam na kami sa isa't isa na pupunta na sa kanya-kanya naming silid. I went to my room and stare at my son. I caress his hair. I smile and pinched his nose. Kuhang-kuha nya ang ilong sa ama nya.
Biglang nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko iyon at tinginan kung sino ang tumawag.
Laurence is calling. . .
"Laurence..." I said after answering the call.
"P-Pan..." My brows knitted when I heard the noise in the background.
"Laurence? Where are you?"
"Hm? I can't hear you, Pan." Sagot nito. "By the way, kamusta? Ayos na ba... sya?"
"I'm sorry... I forgot our date, I was occupied, nataranta ako." Nakayukong bulong ko.
"Hush! Ayos lang! What did I say last time, hm?" He asked. Sandaling natahimik ang kabilang linya. "Good job, Love... You're starting the first step." Parang may sumakal sa akin sa sinabi nya. Sasagutin ko sana sya ng mamatay ang tawag.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...
