Trigger Warning; Mention of death, blood and accident.
ILANG ARAW na ang nakalipas simula nung ihatid ako ni Xiever. I never talked to him again kahit na magkasalubong kami sa loob ng building.
I sigh as I stare at the picture frame of the ultrasound of my pregnancy. Two fetus, my twins. Nakakalungkot na isa lang ang makakasama ko sa kanila. Inabot ko iyon at hinaplos. Naisipan kong ilagay ito dito noong isang araw para palagi ko silang nakikita dahil nasa London ang puntod nya. Wala man lang silang picture na magkasama, tanging ito lang.
'I missed you, my little Pharra...'
Naalala ko pa na sobrang excited si kuya sa pagbili ng mga gamit nila kahit hindi pa namin alam ang gender ng kambal. Akala mo sya yung ama.
I licked my lower lip and wipe the tears in my cheek. Agad kong inayos ang sarili ko ng bumukas ang pinto.
"Ahm... Ms. Pan? Meeting nyo na po sa President ng Crev Crop., they are waiting at your meeting place." Anunsyo ni Rico. Tumango ako.
"I'll be there." I said and put the frame back at my table.
"I'll drive you there, Ms. Pan." Nakangiting saad ni Rico. Ngumiti ako bago tumango.
NAKARATING kami sa isang five star restaurant at sinalubong kami ng isang crew. In-assist kami nito papunta sa third floor ng restaurant at nakita agad namin ang President ng Crev Crop., which is my ninong Renzo. May kasama itong isa babae, his secretary, I think?
"Ninong." I said. Ninong Renzo smiled at us and gestures us to sit in front of him.
"Let's talk about the partnership between our companies." Pormal na sabi ni ninong.
"I-is there a problem, ninong?" I asked. Bahagya itong tumawa.
"No, there's none, inaanak. Gusto lang nyang mas patatagin ang partnership ng dalawang kompanya." Aniya na nagpakunot ng noo ko.
"N-nya? Who? Ninong, diba ikaw—"
"I'm not hija, I'm just the acting CEO of the Crev Crop." Putol sa akin ni ninong.
"Where's the real CEO then?" I ask.
"Well, that guy. I think he's still punishing himself, until now." Kibit balikat na sagot ni ninong. I only nod and we start talking about business.
Crev Crop. or Creviero Corporation is an manufacturing company, they manufacture school supplies. Habang ang kompanya ni dad, VS com. or Villiase Service Company was the one that delivers their products all over the nation.
***
MATIWASAY na natapos ang usapan namin. Malapit na kami sa kompanya ng mamataan namin si Xiever sa kabilang bahagi ng kalsada. Naka-simpleng white t-shirt ito na yumayakap sa katawan nya at pants. He gesture to stop the car. Tumingin sa akin si Rico na tila nagtatanong kung gagawin nya ba.
I shook my head pero parang disesido ito at humarang pa sa dadaanan ng kotse. Napahilamos ako at inis na bumaba. Bumaba din si Rico.
"Ano ba?! Are you planning to kill yourself?!" I shouted at him.
"Let's talk." He seriously said. Tumingin sya kay Rico at tumango at parang sinasabi na iwan muna kami. Ganon din ang ginawa ko. Nagtatanong ang mata ni Rico na kung aalis ba talaga sya. I only nod. Nang makaalis ay agad ko itong hinarap.
"What do you want?" Seryoso kong tanong.
"I want to explain." I chuckle.
"Diba sinabi ko na sayo? You don't have to explain it, kasi alam ko na. And if you're thinking that I came back here to be with you again, sorry to say that you're wrong." Matigas kong sagot. Pagod ang matang tumingin ito sa akin.
"Kahit ayaw mo, just let me explain my side. Please? Listen to me. Kahit makinig ka na lang... kahit wag mo na akong bigyan ng pangalawang pagkakataon. Pakinggan mo na lang ako. Please, Pan. I regret everything I have done." Umiwas ako ng tingin ng makita ang pagsusumamo sa mga mata nito. I clenched my fist.
"Ngayon pa? Ngayong pang ilang taon na ang nakalipas? Ngayon mo pa naisipang magpaliwanag? Nagpapatawa ka ba? Kasi oo! Natatawa ako! Tangina! Maraming... m-marami kang pagkakataon na sabihin yon sakin! Kung kailan ako nawala sayo saka ka nagsisi... Saka mo naisip lahat! Kung sinabi mo sakin ng mas maaga, baka sakaling... napatawad pa kita." Mahabang giit ko. Agad kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa aking mata. "P-pinag-lauran mo ako eh... a-ako naman si tanga, sinabi mo lang na gusto mo ako naniwala naman agad. Hindi ko nga alam kung g-gusto mo nga talaga ako noon." Nakita kong dumaan ang sakit sa mata nito sa sinabi ko.
"A-alam mo ba yung sakit na naramdaman ko nung nalaman kong ginamit mo lang ako laban kay kuya para sa walang kwentang putanginang rason? M-maghiganti... sa kanya? May kasalanan ba talaga si kuya? Inalam mo man lang ba yung totoo? Hindi diba?! Kasi kinain ka ng galit mo! Pinakinggan mo lang yung isa at hindi nakinig sa kabila! Unfair ka!" Sigaw ko habang dinuduro ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa labis na nararamdaman. He tried to reach for my hand but I step backward.
"I'm sorry... P-please... Let me correct my mistakes. I'm sorry... I'm sorry, baby." He said, almost kneel in front of me. I dried my tears and took a deep breath before looking at him flatly.
"Wag mo nang subukan." Malamig kong sabi at akmang lalagpasan na ito ng magsalita ito na nagpatigil sa akin.
"H-how about our child?" He said. My lips parted. Tila niyanig ang buong mundo ko sa sinabi nya. "W-we have twins, d-diba? I-i saw them... kanina. J-june 3, 2016. You're carrying our twins for four months in that ultrasound. K-kamusta sila? A-are they looking for me? T-tell them that I'm sorry if I'm not besides them in the passed years." Sa isang iglap, isa lang ang naramdaman ko sa mga oras na ito. Galit. Lalo na nang maalala ko ang nangyari sa isa sa mga kambal.
"Wala ka nang anak!" Sigaw ko dito. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Your child died because of you! You are the reason why your child died! Ikaw ang dahilan! Ikaw... ang sakit na dinulot mo sa akin kaya nawala ang anak mo! Putangina!" Hindi ko kinaya ng bumalik sa alaala ko ang nangyari. Basang-basa na ang pisngi ko dahil sa hindi matigil na pag-tulo ng aking luha.
"P-Pan..." Subukan nyang lapitan ako pero isang sampal ang nakuha nya sa akin.
"A-ang kapal ng muka mong humarap sakin na parang ayos lang ang lahat ngayon samantalang hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa mga nakalipas na taon!" Sigaw ko. "The memory of losing my child still hunts me every night!"
"I'm s-sorry..." I gritted my teeth.
"Y-you want me to forgive you right? Bakit hindi ka na lang mamatay baka mapatawad pa kita!" Sigaw ko at tuloy-tuloy na tumawid ng kalsada. I am so mad, I am so mad at him, I am so mad to my self!
'I'm sorry, Lixian, I know you want to meet your father but I'm still hurting. Hindi ko pa kayang harapin sya. Bumabalik lahat.'
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa main door ng building ay nakarinig na ako ng malakas na kalabog ng sasakyan, kasabay non ang tilian at sigawan ng mga tao. I got freezed, lalo na ng marinig ko ang mga sinabi ng ibang empleyado na nakatingin sa labas at tumatakbo.
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
"Gago! Si Ramirez yon!"
"Tulungan nyo!"
"Jusko! Ang daming dugo!"
"Bilisan nyo!"
Dahan-dahan akong umikot paharap sa labas ng building at ganon na lang ang pagbuhos ng aking luha ng makita ang isang lalaking nakahandusay sa kalsada, may dugo sa kalsada sa may ulo nito. Mas lalo akong hindi nakagalaw ng makilala ito.
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomanceSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...
