"HINDI ka na bibisita?" Kuya ask in the other line. Tumawag ito pagka-alis nila Avriell, hindi na rin kasi bumalik yung dalawa hanggang naghapon. I sigh and watch my son play with Lyria's pet. "Bakit kasi bigla kang nawala kahapon?"
"Kuya... Is it true, that he works in dad's company without getting paid?" I ask. Narinig ko ang pagtikhim ni kuya sa kabilang linya.
"Yeah."
"S-seven years?"
"Seven years. Walang sweldo, his account where all his money is, are freezed. Hindi yon mau-unfreeze hanggang wala ang permiso nya at ang sign nya, that is, ang bumalik ka." Halos mapasinghap ako sa sinabi ni kuya. Baliw ba sya?! Pano kung nagpaiwan pala ako sa London?! Or worse! I choose to live in London for good!
"Pano... saan sya kumukuha ng pang-araw araw?" Tanong ko.
"Well, I heard na tumutuloy sya sa bahay ng uncle nya. Si tito Renzo." Sagot ni kuya. "Ano? Bibisita ka ba ulit?" He ask. I bit my lip.
"I'll try tomorrow." Mahinang sambit ko.
"Anong oras? His doctor said na pwede na syang lumabas bukas. Bakit ba hindi ka bumisita ngayon?"
"I-i don't know yet. S-sila Avriell kasi pumunta dito kaya hindi ako nakapunta dyan." Tanging naisagot ko.
"Ganon ba? How's Lixian?"
"He's playing with Daisy." I said, referring to Lyria's pet. "Nasaan ka kuya?"
"Sa labas ng room ni Xiever, why? Do you wanna talk to him?" Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"N-no! I-i mean... I-i was just asking." I heard kuya Phoenix chuckle.
AFTER the call, I try to contact Laurence. Pero gaya ng mga nakaraang araw ay wala akong nakuha. I sigh and near my son.
"Mommy!" Masayang tawag nito sa akin habang yakap-yakap ang aso. I smile. "Mommy, i-walk po natin si Daisy." Kinuha ko ang towel na nakapatong sa ibabaw ng table at pinunasan ang pawis nito.
"Pinagpapawisan ka na nga, nag-aaya ka pang ilakad ang pet ng tita mo." Sambit ko. Ngumuso naman ang anak ko.
"Bawal na po?" Inosenteng tanong nya. I chuckle and pinched his cheek. "Aw! Mommy! Hurt po!" Daing nito kaya natawa ako lalo.
"Hindi naman sa bawal, anak, pero pwede bang bukas na natin ilakad si Daisy? Magga-gabi na oh, tsaka pauwi na yon si tita Ly mo, gusto mo bang umiyak si tita mo kakahanap sa pet nya kapag dumating syang wala si Daisy?" Paliwanag ko. Umiling ito.
"I don't want to see tita Ly crying po, you too." Anito kaya napangiti ako.
"Halika nga dito." Saad ko at hinila ito palapit sa akin saka niyakap. "I love you, Lix..."
"Mommy?"
"Lixian, anak. Mahal na mahal ka ni mommy. You and your sister make me fight in every day of my life. Kayo ang dahilan kaya hindi ako sumusuko na lumaban sa buhay." I whisper. I felt my tears rolling down from my eyes. He tried to free from my hug but I tighten up my hug.
"M-mommy... Ano pong sinasabi mo?" I chuckle softly and dried my tears before letting him go.
"Sorry, anak ha? Mommy being dramatic again." I jokingly said. He smile and cupped my right cheek.
"I love you too, mommy." Agad akong napangiti ng sabihin iyon ng anak ko. He also kissed my temple. The part where his daddy always kissed me. I swallow the lump in my throat. I force a smile.
"D-do... Do you want to meet your daddy? Hm?" I ask. I saw how his eyes widened.
***
MY SON'S happiness is the only thing that I want. Magdamag ko itong pinag-isipan. Alam kong magtataka sya kung sino si Lixian sa buhay nya at naiintindihan ko iyon dahil wala syang maalala. Kaya kahit hindi alam kung anong kalalabasan, I will take the risk.
Right after my work is done, I immediately went to the hospital. Ang sabi ko kay Lixian ay kakausapin ko muna ang dad nya bago ko sila pagkitain na dalawa. I want them to be prepared.
Nakangiti akong naglalakad papunta sa kwarto ni Xiever. Agad kong binuksan ang pinto pero nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ang mga taong naka-puting damit na inaayos at nililinis ang buong silid.
"A-anong ginagawa nyo?"
"Ma'am, mali ho yata kayo ng napasukan na room. Under cleaning pa po ito." Giit ng isa.
"Ahm... N-nasan na po yung... yung naka-admit dito?" Tanong ko.
"Discharge na po sya, ma'am. Kaninang tanghali lang po." I gulp. Nakalabas na sya? Fuck!
"S-salamat po!" Ani ko at nagmamadaling umalis doon. I dialed my brother's number na agad nya namang sinagot.
"Hello? Pan, where are you? Ti-next kita kanina na nakalabas na ng hospital si Xiever." Bungad nito.
"N-nasa bahay nya ba sya, k-kuya? U-umuwi ba sya sa bahay nya? N-nasaan sya?" Sunod-sunod kong tanong habang nagaabang ng taxi. Kung umuwi sya sa bahay nya, alam ko naman kung nasaan yon. Pwede ko syang puntahan.
"I'm sorry, Pan."
"W-what?"
"He... He will leave this country for good." Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa narinig na sinabi ni kuya. Umiling-iling ako at napasuklay sa sariling buhok.
"N-no! W-why he w-would do that?! Stop messing with me, kuya! Shut up!" I shouted. "Tell me where the hell he is! Please kuya... K-kakausapin ko sya eh... I-ipapakilala ko pa sya kay Lixian..." Ramdam ko ang panghihina ng aking tuhod dahil sa labis na nararamdaman. Hanggang sa dahan-dahan na nga akong napaupo sa gilid ng kalsada habang pinapakinggan ang sinasabi ni kuya.
May mga lumapit na rin sa akin para tanungin kung ayos lang ba ako, o kung anong nangyari bakit ako nakasalampak sa daan. Meron pang inaalayan akong tumayo at sila na rin ang kumausap kay kuya na kunin daw ako dito sa tapat ng hospital.
Bakit ba ganito? Kung kailan ako handa nang harapin sya at malugod na ipakilala sa kanya ang anak namin saka naman nangyaring umalis sya ng bansa. Nananadya ba ang panahon o karma ko to sa paninisi ko sa kanya sa pagkawala ng isa pa naming anak?
YOU ARE READING
Subject; LOVE
RomansaSir Xiever Lix Ramirez. The cold hearted person. He's a man of his own word. He's a teacher. A teacher who don't know the exact meaning of word LOVE, dahil sa dalawang taong pinagkatiwalaan nya ngunit niloko sya ng mga ito, kaya ito nilamon ng kagus...
