Subject;85

1 0 0
                                        

TWO Days. Two days akong palaging bumibisita at inaasikaso si Xiever. Doon ko rin nakita ulit ang iba nyang kaibigan.

Nakokonsensya ako. Kung sana hindi ako nagpakain sa galit ko, baka wala sya sa hospital ngayon, nakaratay.

Dalawang araw na ring hindi kami nagkikita ni Laurence. I don't know what happened after he end the call. Ti-next ko pa sya kung nasaan sya pero hindi nya ako ni-reply-an. Kahit ibang text ko nitong mga nakaraang araw.

Napatitig ako sa picture frame sa ibabaw ng table ko. He saw it. Tama sya, four months na ang pagbubuntis ko sa ultrasound na'to.

"Ms. Pan? Tumawag si sir Phoenix, gising na daw po si Mr. Ramirez." Napatingin ako kay Rico ng magsalita ito.

"T-thank you." I said. Dali-dali akong naglakad palabas ng building at may kotse nang naghihintay doon. Si mang Nando.

"Sa hospital po." Saad ko pakasakay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Gising na sya. Pano ko sya haharapin? Excited ako na nahihiya. Ako ang dahilan kaya sya nasa hospital.

Lihim kong kinastigo ang sarili ko dahil sa mga sinabi ko sa kanya nung araw na yon. I was too occupied that I didn't notice that we already in front of the hospital. Agad akong bumaba at pinuntahan ang kwarto kung nasaan si Xiever nagpapagaling ng tuluyan.

Hingal ako ng makarating doon. Nakita ko pa sa salamin na bintana ang mga tao doon. Lahat sila nakatayo at pinapanood na asikasuhin ng doctor si Xiever. Nang makitang gising na nga ito at nakaupo sa hospital bed ay dali-dali kong tinulak ang pinto at pumasok sa loob. Lahat sila, napatingin sa akin.

"Pan." Si kuya ang unang tumawag sa akin.

"L-Lix..." I called him. Nakatingin lang ito sa akin. I gulp. Is he mad?

"Who are you?" Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinagot nito sa akin. Gulat din ang iba sa narinig.

"X-Xiever..." Tawag ng babaeng kamuka nya. Tumingin naman ito doon.

"Ate, who is she? Bakit kilala sya ni Nix?" Tanong nito sa kapatid nya pala. "Nix, do you know her?" Kuya stay silent.

"Doc? Anyare?" Takang tanong naman ni Zedrich. Nang balingan ko ito ay magulo ang buhok nito at parang pinabayaan na ang sarili. Bumalik ang tingin ko sa doctor.

"B-bakit hindi nya ako k-kilala?" I ask the doctor. Lahat kami ay napabaling sa doctor. The doctor look at Xiever first before he cleared his throat.

"I-it should be, bakit hindi ka nya malala?" Panimula ng doctor na kinatulos ko. "I-it can happen sometimes. S-selective amnesia. May parte sa alaala ng taong meron nito na nakalimutan nya dahil sa pagkakatama o pagkakabagok ng ulo nya." Paliwanag ng doctor. Ganon na lang ang pagkadismayang naramdaman ko sa nalaman. I look at Xiever who is talking with his sister. "Mr. Ramirez? C-can you tell us what you remember before you wake up?"

"A-anong naaalala mo, Xie?" Tanong ni Vin. Napaisip naman ito.

"Nung unang gig natin sa isang resto bar!" Masayang sambit nito. Lahat ay nagkatinginan.

"That's... F-fourteen years ago." Pabulong na usal ni Khael. Napasinghap naman si Zedrich.

"It means that he forgot the fourteen years until now of his memory."

"M-maaalala nya pa naman iyon, doc?" I ask. Umaasa.

"Oo naman. Hayaan lang natin sya ang makaalala non." Tila nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. Nagpaalam ang doctor kaya naiwan kami sa kwarto nito.

Naibagsak ko sa sarili sa pang-isahang couch. I watched him talk to his friends. May paminsan-minsang tumitingin ito sa akin.

"You're Pan, right?" Napatingin ako sa nagsalita. It was Xiever's sister. She smiled at me. "Can we talk?" She ask. I nod. She gesture her hand to follow her. Lumabas kami sa silid at hinarap nya ako.

"Xiever's sister, Xavierra." Pakilala nito. I nod and accept her hand.

"P-Pan..." I whisper.

"Nice to finally meet you." Sabi nito kaya kunot ang noong tumingin ako sa kanya. Nakita nya siguro ang reaksyon ko dahil bahagya itong tumawa at pinaliwanag. "Every time kasi na uuwi yan sa bahay, palaging Pan ang bukang-bibig nya. Akala nga namin top student nya lang dahil yun talaga ang sinasabi nya. Yun pala, top din sa puso nya." Napaiwas ako sa huling sinabi nito.

"I-it was a lie... he used me..." Alam kong kapatid nya ang kausap ko pero hindi ko napigilan. "May gusto rin syang bumalik sa kanya kaya nya yon nagawa."

"Siguro." Diretsong sagot nito. Halos gusto kong bawiin ang sinabi ko. Tangina, hindi man lang sabihin na baka mali o magpa-humble man lang. "Yun siguro ang plano nya, nung una. But day by day, he slowly forget what his up to and start to feel and learn that crazy word LOVE."

"I-imposible..."

"Posible. Ikaw lang naman ang babaeng dinala nyan sa flower farm ni mommy. Kahit nagka-girlfriend sya nung una, ikaw ang unang babae na dinala nya sa bahay nya, unang babae na dinala nya sa private island nya, at unang babae na dinala nya nga sa flower farm ni mommy. Yung gallery ng phone nya, puro ikaw ang laman. Stolen shots or downloaded." Saad nito na kinapula ko. "Sige nga, tell me if it's still a lie? Nung malapit nang malugi ang kompanyang hawak nya, he asked for help to his friends, he changed its name and start again. Nakiusap pa sya kay uncle na maging acting CEO ng kompanya nya, his reason? He want to punish his self for hurting the girl that he loves by working on the company of the girl's dad as a janitor, ng walang sweldo." Nanlaki ang mata ko ng matanto ang sinabi nya. Si ninong Renzo! Sya yung tinutukoy ni ninong Renzo. Oh my God! Why are you doing this, Lix?

"And worse? He sacrificed his dream profession, so the school won't expelled you." Mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito. Napatingin ako dito na abala pa rin sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nya. He... sacrificed his dream profession for me? Ang kapal ng muka kong sumbatan sya sa ganong naisuko nya ang pangarap nya para sa akin.

Sinisi ko pa sya sa pagkawala ni Pharra na ang totoo ay ako naman ang may kasalanan. Kapabayaan ko iyon pero sinisi ko sa iba. I feel so ashamed. I suddenly felt guilty. I didn't let him explain his side. Guilt ate me.

SA SOBRANG hiyang naramdaman ko ay umalis ako ng hospital. Hindi na ako nagpaalam. Tama lang siguro yon na hindi nya ako maalala. Walang tigil ang luha ko habang nasa biyahe.

"Ma'am, okay ka lang po ba talaga?" Tanong ni mang Nando. Tumango ako.

"O-opo... s-sa bahay na lang po ni Rieya..." Sambit ko. Tumango ito at hinatid nga ako sa bahay ni Rieya. I call her na nasa labas ako ng bahay nila at wala pang tatlong minuto ay bumukas ang gate at bumungad sa akin ang nagaalalang muka ni Rieya.

"What happened?" Nagaalalang tanong nito.

"I-inom tayo?" Aya ko. Bumuntong hininga ito at hinila ako papasok ng bahay nila.

"Tell me what happened." Utos nito sa akin ng mai-upo nya ako sa couch. I start sobbing and tell her what happened.

Subject; LOVEWhere stories live. Discover now