Nagising si Tarieth dahil sa lakas ng ingay. Parang may sumabog sa kung saan.May lindol ba? naalimpungutang tanong nito sa sarili. Hindi na bago dito na matulog sa damuhan ngunit ang ipinagtaka nito kung bakit siya nakataob na nahiga. Itinukod nito ang dalawang kamay sa damuhan para makatayo.
Ano ang ginagawa niya dito? Tanong nito habang pinagmasdan ang kapaligiran. Nakita niya na malapit lang siya sa hangganan. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanya, napatingin ito sa mga kamay at braso. Nandoon pa rin ang mga marka, ibig sabihin totoo ang nagyari at hindi isang panaginip lang.
Nagsimulang maglakad palayo sa hangganan si Tarieth ng biglang narinig niya na parang may sumabog. Naging alerto si Tarieth at pinakiramdamanang paligid. Nang wala itong makitang kakaiba humanap ito ng mataas na puno na pwedeng akyatin. Nasa mataas na bahagi ng bundok pa siya kaya nasisigurado siya na makikita niya kung ano nangyayari sa babang bahagi ng lupain.
Umakyat ito sa malaking puno at tumingin sa paligid. Napansin ni Tarieth na may usok sa di kalayuan. Natuwa si Tarieth at mabilis na bumama sa puno. Ibig sabihin may mga nakatira doon. Nagmamadaling bumaba ito sa bundok. Habang papalapit sa destinasyon ay mas dumami ang ingay na naririnig ni Tarieth, kinabahan man ay patuloy ito sa paglalakad. Pero ng may marinig ito na sigaw ay napahinto ito.
Nasa bukana na palabas ng kagubatan si Tarieth, sa harapan nito ay malaking lupain na may mangilan-ngilang puno. Kitang kita ni Tarieth ang nagyayari sa babang bahagi ng lupain. Umakyat uli ito sa puno, para tiyaking mabuti kung ano ang nagyayari. Marami itong nakikitang taong tumatakbo paakyat ng bundok karamihan sa mga ito ay mga babae na may dala-dalang bata. Napansin ni Tarieth ang isang babae na tumakbo kasama ang maraming bata. Naghawak kamay at bakas sa mukha ng mga ito ang takot. Napatingala si Tarieth, mayroon isang parang bola ng apoy ang lumipad at tumama ito sa mga kabahayan. Kasabay niyon ang nakakaringding sigaw, agad natupok ang kabahayan na tinamaanng ng bolang apoy.
Bawat taong tamaan ng apoy ay nasusunog ang mga ito ng buhay. Natulala si Tarieth, hindi nakayanan ng murang edad nito ang nakikita.
Hinanap ng mga mata ni Tarieth kung saan nanggaling ang bolang apoy. Nanggaling iyon sa isang lalaking naka roba na itim. Naramdaman ni Tarieth ang lakas ng kapangyarihan ng naka itim na roba. Natigilan si Tarieth, "paanong ang isang mage ang gumagawa niyon?" Muli na namang itinaas ng nasabing mage ang kamay at itinutok sa mga taong nagtakbuhan, nakatuon ang mga mata nito sa isang babae na tumatakbo, may kargang sanggol ito sa isang kamay at hila sa isang kamay ang isang batang lalaki. Napahumindik si Tarieth ng mapagtanto ang planong gagawin nito.
Itinaas ng mage ang dalawang kamay nito, bigla ang paglabas ng bolang apoy, nakangising ihahagis nito patungo sa mag ina – "Noooo!" ang malakas na sigaw ni Tarieth sabay talon nito pababa ng puno. Inilapat nito ang dalawang palad sa lupa... "please....please... " pakiusap ni Tarieth. Bilang sagot gumalaw ang lupa. Nakita ni Tarieth ang pagtama ng bolang apoy sa puno na biglang tumubo sa likuran ng mag-ina habang patuloy ang mga ito sa pagtakbo. Natigilan ang mga taong naroroon. Patuloy pa rin ang paglaki ng mga puno at mas lalo pa itong dumami.
Natigilan ang mage pero agad itong nakahuma at nagpakawala ng apoy na tumama sa puno. Hindi na ito nag-iisa ngayon, sinabayan ito ng apat pa na pawang nakasuot ng itim na roba. Sabay-sabay na pinatamaan ng mga ito ang mga puno. Hindi na nakatiis si Tarieth, lakad takbo ang ginawa niya. The five mages are so intent on what they are doing at hindi napansin ng mga ito ang paggalaw ng mga ugat sa punong na tumubo sa likuran ng mga ito. Agad na nilingkis ang mga ito na parang ahas, maya-maya pa ay naka angat na ang mga ito sa lupa at binalot ng ugat ang buong katawan ng mga ito na tanging ulo lang ang nakalabas. Nahaharangan sa daanan ni Tarieth ang mga puno pero hindi siya huminto sa pagtakbo, ilang metro ang layo mula sa mga puno ay itinaas ni Tarieth ang kaliwang kamay ay umaktong parang may hinawi. Ang puno na nakaharang sa dadaanan nito ay nahati sa gitna at nagbigay ng konting espasyo para madaanan. Nang makadaan ay muling itinaas ni Tarieth ang kamay in a sweeping gesture. Automatiko namang sumara ang dinaanan niya kanina.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasíaLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...