Matapos makapag paalam ni HighLady Sola sa mag-asawang Lancaster ay umalis na ito para magpanginga. Kanina nagpahinga ang dalawa nilang anak na lalaki.
"Bren, sisilipin ko lang saglit ang mga bata. Mukhang di maganda ang pakiramdam ni Tara kanina, mauna ka na sa silid." Ang sabi ni Lyla sa asawa.
"Sige. Tawagin mo ako kung may kailangan ka okey." Sagot ni Brennon. Humalik si Lyla sa pisngi ng asawa bago umalis para puntahan ang anak. Naiwang mag-isa si Brennon na nakaupo sa mahabang sofa.
Binaybay ni Lyla ang pasilyo patungo sa silid ng anak at ang kaibigan nitong si Tara. Naisin man ni Lyla na bigyan ng tig-iisang silid ang dalawa ay hindi pumayag ang anak. Kontento na daw ang dalawa sa iisang silid na magkasama.
Pagdating sa pintuan sa silid ng anak ay kumatok si Lyla. Nang walang sumagot ay kumatok muli siya. Ngunit wala pa ring sumagot. Nagtaka si Lyla. Ang batang si Tarieth ay madaling magising sa konting ingay. Pero malakas na ang katok niya kaya imposibleng hindi ito narinig ng alin man sa dalawa. Biglang kinabahan si Lyla. Maingat na pinihit ang siradora. Ayaw naman niyang mabulabog ang dalawa. Baka sobrang napagod lang.
Tumambad kay Lyla ang katawan ng dalawang bata na nasa gitna ng silid nakahandusay sa sahig. Nangatal ang buong katawan ni Lyla at sumigaw. Mabilis na nilapitan ang dalawang bata.
Dinama ni Lyla ang dibdib ng anak. Nakahinga ito ng maluwag ng maramdamang humihinga ang anak. Hindi pa man siya nakalapit kay Tarieth ay humahangos na bumungad sa pintuan ang asawang si Brennon.
"Lyla? Anong nangyari?" Bungad na tanong nito. Biglang namutla si Brennon ng makita ang dalawang katawan sa harapan ng asawa. Ang kanyang anak na si Brynna at kaibigan nitong si Tarieth.
"They are fine Bren. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko sila magawang gisingin."
"My lord, my lady anong nangyari?" Habol ang hingang tanong ni HighLady Sola sa bungad ng pinto.
"HighLady, hindi ko alam. Natagpuan ko nalang silang dalawa na ganito." Umiiyak na sagot ni Lyla habang hawak pa rin ang dibdib ni Tarieth.
Lumapit si HighLady Sola at sa ekspertong mga kamay ay dinama ang iba't-ibang parte ng katawan ni Brynna at Tarieth.
Tahimik na naghihintay ang mag asawa na matapos ang MageHealer.
"They are both fine, weak but fine. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng dalawa pero naramdaman ko pa ang kapangyarihan sa buong silid. Tulungan ninyo akong buhatin ang dalawa para mailipat sula sa kanilang higaan. Dahil kung hindi baka mapulmonya ang dalawang ito sa lamig ng sahig.
Maagap naman na sumunod si Duke Brennon at binuhat ang anak. Lumapit naman si Bryan ang nakakatandang kapatid ni Brynna para buhatin si Tarieth na nagising din marahil sa sigaw ng ina.
"Anong nangyari HighMage?" Tanong ni Lyla. Na umupo sa gilid ng kama ng anak at hinawakan ang isang kamay ni Brynna. Puno ng pagalala ang mukha nito.
"Hindi ko alam My lady. But I felt Brynna was healing someone. Ang hindi ko alam ay kung sino."
"Lyla, it's alright. Ang importante walang masamang nangyari sa dalawa."
"Pero Bren---"
"Shusshh...magpahinga ka na. Ako muna ang magbabantay sa dalawang bata."
"No. Hindi pwede. I want to be here hanggang magising silang dalawa." Matigas na tanggi ni Lyla.
Tumango si Brennon at lumapit sa pintuan. May mangilan-ngilang mga kasambahay doon. Pagkatapos ipaalam sa nga ito na walang masamang nangyari ay pinabalik na niya ang mga ito para magpahinga. Pero nagpadala muna si Brennon ng mahigaan ng asawa sa silid ng anak.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
