Himihingal na napahawak si Brynna sa katawan ng isang malaking puno. Sa kanyang harapan ay isang patag na lupain. Sa hindi kalayuan ay may mga sundalo. Bawat isa ay may hawak na sandalata. Tahimik ang buong paligid. Kahit ang mga ibon at mga alaga o ligaw na hayop ay tahimik. Walang maririnig kundi ang banayad na ihip ng hangin.
The eerie silence was broken by the warning cry of an eagle flying too low in the sky. It circled three times around the small kneeling figure, not caring about the soldiers that might hit it with an arrow.
Dahil sa tunog ng agila ay nag angat ng ulo ang pigura na nakaluhod. Habang ang dalawang kamay ay nakahawak pa rin sa nakabaon na espada. Kumikinang ang espada ng matamaan sa sinag ng araw. Walang bahid na kahit konting dugo na dumikit sa sandata.
Nakaharap kay Brynna ang nakaluhod na pigura. It was wearing a moss green cloak na ang hood ay nakatakip sa ulo. Tanging kalahating mukha lang lang ang nakikita niya. Kinabahan si Brynna, kahit na natatabunan pa ang kalahating mukha ay kilala niya ito.
Si Tarieth.
Gustong sumigaw ng babala si Brynna dahil napapalibutan ito ng mga sundalo. Pero bago pa niya magawa iyon ay dahan-dahang tumayo si Tarieth sa pagkakaluhod. Walang kahirap hirap na tinanggal nito ang espada sa pagkakabaon sa lupa.
Sa paos na boses ay nagsalita ito, "Umalis na kayo." Mahina ngunit may diin ang bawat salita nito. Ngunit walang kahit isa ang gumalaw sa mga nakapalibot dito.
"Sino ka?" Tanong ng mukhang pinuno ng mga sundalong Tuskan.
"Uulitin ko. Umalis na kayo."
"Kill her." Utos ng pinuno sa mga sundalo nito.
Sabay-sabay na sumugod ang mga sundalong Tuskan kay Tarieth. Hawak sa dalawang kamay ang malaking espada ay humanda ito sa mga paparating na sundalo.
Humanda din si Brynna. Naramdaman niya ang pagtugon ng lupa, halaman at mga punong kahoy sa kanyang pagtawag. Then she waited.
Napakurap si Brynna. Hindi maintindihan ang nangyari. Kanina lang ay tumatakbo ang mga sundalo palapit kay Tarieth. Pero ngayon ay nakahandusay na ang mga ito sa lupa. Lahat ay sugatan.
Ang kaibigan niya ay nasa gitna at ni hindi man lang natanggal ang hood na nakatakip sa ulo nito. Pero ang kaninang kumikinang na espada nito ay may bahid ng dugo na tumutulo sa lupa.
Drip. Drip. Drip.
Parang naririnig pa ni Brynna ang bawat tulo ng dugo sa lupa. Sumugod muli ang mga sundalong Tuskan. Sa pagkakataong ito ay hindi lang sampu kundi lahat ng nakapalibot sa kaibigan ay sabay na sumugod.
Tarieth move like a blur. Ang bilis, bilis ng kilos nito. Every swing of her blade is one wounded soldier. Bodies littered everywhere. Ang iba ay kung hindi putol ang paa o kamay ay sugat sa iba't-ibang parte ng katawan.
Her friend move as fluid as water. Like poetry in motion. Ang espada na hawak nito ay parang karugtong ng mga kamay nito. Ni hindi ito nahihirapan gayon alam ni Brynna na sobrang bigat ng espada.
May mangilan-ngilan pa ring natira na mga kalaban ng biglang may lumipad na mga palaso na may apoy sa dulo na ang target ay si Tarieth. Gustong sumigaw ni Brynna para mag bigay ng babala sa kaibigan at dahil nakatuon ang buong atensiyon niya sa kaibigan ay hindi niya napansin ang paparating na malaking bolang apoy. Huli na ng makita ni Brynna ang bolang apoy dahil ilang dipa nalang ang layo niyon sa kanya.

BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...