Thirty-four: Patience

3.8K 191 24
                                    

"Everybody's going to be dead one day, just give them time."

Unknown

Kahit malamig sa labas ay muling pinagpawisan si Tara, hindi lang ang likod kundi ang buong katawan. Hindi naman siya ganun ka tanga. Bago siya nagsimula sa gawain ay inihanda niya muna ang muscles para hindi masyadong manakit ang katawan niya. But no warm ups could prepare her body for this task, unless of course araw-araw niya itong gawain.

Walang tigil si Tara sa paghataw. Her body lost in the rhythm of the axe hitting wood.  Split, stack.  Split, stack.

Dahil hindi na bumalik sa loob si Tara kaya lumabas si Sir Bas para malaman kung ano ang dahilan nito kung bakit ang tagal bumalik.

Sa tagal na panahon ng pagiging sundalo ni Sir Bas, few things scared him, as well as surprise him.  He is a battle hardened warrior after all.  But seeing this tiny creature holding an axe na mas malaki pa sa mga dalawang baso nito combined together, amazed and partly scared him.   Marami na itong nakitang mga mandirigma na nakakailang hataw palang ay sumusuko na.  Lalapitan sana nito si Tara pero may nahagip ang kanyang mga mata.  He stopped dead in his tracks at hinayaan ang batang si Tara.

Standing a good distance away was ViticiPrema, leaning on the armory wall.  Hands crisscrossed below her breast.  Habang naglalakad patungo sa armory ay nahagip ng kanyang matalas na pandinig ang malakas na tunog na may hinahataw.  Dahil umuusok ang kusina kaya alam niyang hindi si Sir Bas ang nagsisibak ng kahoy. 

A week ago ay palagi nalang umuulan ng nyibe hanggang sa umabot ito hanggang umabot ng tatlong pulgada ang kapal snow mula sa lupa. Ngayong linggo lang na ito huminto kaya naman abala ang lahat sa mga gawain. As expected ubos ang panggatong. Kahit sinong sundalo ay pwedeng hingan ng tulong ni Sir Bas. Pero nagulat si Prema kung bakit si Tara ang gumagawa niyon. Masyadong intent ang bata sa ginagawa kaya hindi nito napansin na may nanonood na dito.

Nakita ni Prema ang batang si Tara na nagpunta sa likod kaya sinundan niya ito at pinagmasdan, kaya nasaksihan niya ang palapit sana ni Sir Bas pero huminto ito ng makita siya. May mangilan-ngilan na ring mga tauhan niya ang umuwi from scouting outside the wall. It's almost 3 o'clock. During winter time ay maagang bumabalot ang dilim. At four the huge gate will close and locked.

Mahinang nagtawanan pa ang mga sundalo, marahil nakilala ng mga ito si Tarieth. Ang batang naligo sa harina, marahil akala ng mga ito ay hindi tatagal ang maliit na bata, pero ng lumipas ang ilang minuto na patuloy pa rin sa pagsisibak ng kahoy si Tarieth ay tumigil ang mga ito sa kakatawa. And amazement started to show in their faces. Prema can't help but wonder what kind of training the girl went through to have such strength. Prema had seen boys and girls as young as six years old on training, saw them took down a giant of a man, kaya hindi na bago sa kanya ang nakikitang lakas ng batang si Tarieth. Ang tanging nagpapabilib kay Prema ay ang katutuhanang gagawin ng bata ang lahat na ginagawa ng pangkaraniwang sundalo gayong isa itong dugong bughaw, gaano man kahirap and without a single word of protest.

Hindi na magtataka si Prema kung hindi ito titigil hangga't hindi natatapos na sibakin ang kahoy na naroroon. There is no doubt about it.

Habang papadikim ang kalangitan, kapansin-pansin nagiging more visible ang bahagyang pagkakaroon ng glow sa mga braso ni Tara.  And Prema feared soon hindi lang siya ang makakapansin niyon. 

Umalis sa pagkakasandal sa dingding si Prema, pero binigyan niya ng signal si Sir Bas bago umalis.  Kanya-kanya din ng alis ang mga nanunood. 

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon