Nine: Hope

4.3K 202 13
                                    

Nagising si Tarieth1 sa langitngit ng sahig na kahoy.  Hindi agad siya gumalaw. She listened.  Magaan lang ang apak ng mga paa ng kung sino man ang naglalakad sa pasilyo.  Nang maramdaman ni Tarieth na lumapas na ang mga yabag sa kanilang pintuan ay saka siya bumangon.

Mahimbing na natutulog pa rin si Brynna sa kanyang tabi.  Maingat na binuksan ni Tarieth ang isang bag na naglalaman ng mga padalang pagkain at prutas ng mama Lyla ni Brynna.  She took an apple.  She the put in her cloak.  Maaga pa kaya sigurado siyang malamig sa labas. Itinakip sa ulo ang hood ay lumabas na si Tarieth.

Sa baba ay may mangilan-ngilan na ring tao na kumakain.  Ang Somed Inn ay ang tanging Inn sa Saltain.  Malayo pa ang susunod na bayan pero wala halos tao ang loob nito.  It only shows kung gaano kahirap ang bayan o ang karatig bayan sa lugar na iyon.

Deretso si Tarieth sa labas.  Madilim at walang kahit isang nilalang sa na nakasalubong niya. Kahapon ay nadaanan nila ang palengke ng Saltain.  Hindi makapaniwala si Tarieth sa nakita.  Kung gaano ka sariwa at kadami ng mga gulay, prutas at iba pang mga paninda sa Mer ay ganun naman ka konti sa Saltain.  It will make you wonder how these people eat.

Lumagpas na si Tarieth sa mga kabahayan.  Bagaman mahirap ang mga pamayanan.  Wala namang tao ang natutulog sa labas.  Nang makarating si Tarieth sa isang malawak na lupain ay huminto siya sa paglalakad.

Kahit sinag lang ng buwan ang nagsilbing liwanag ay malinaw na nakikita ni Tarieth ang buong paligid.   Humigit kumulang isang ektaryang lupain ang nasa kanyang harapan.  Maliban sa mangilan-ngilang damo ay wala ng iba pang tumutubo doon.   Ang lupa ay bitak-bitak.  May napansin si Tarieth, sa di kalayuan ay may mga bagong bungkal na lupa.  She got curious so she went to inspect.

It seems like someone planned to make a garden, pero mukhang hindi successful ang attempt nito.  There are seeds, pero dahil sa kakulangan sa tubig ay hindi ito nabubuhay.  Parang piniga ang puso ni Tarieth.  These people doesn't have elemental powers.  Tanging sariling lakas at pagsisikap ng kung sino man ang nagbungkal ng lupa.  Hindi ba nito naisip na kahit magbungkal siya ng magbungkal ng lupa hindi pa rin mabubuhay dahil sobrang tigang ng lupa?  Nais magalit si Tarieth sa katangahan ng tao.  Pero naroon din ang paghanga. 

These people keep surprising me...Fine I'll help you.  But you will do the rest.  I'll give this land what it needs but...

Napatayo si Tarieth ng may narinig siyang yabag at napalingon.  May isang matandang naglalakad gamit ang tungkod.  The old man's back is bowed with old age.  "Anong ginagawa mo diyan hija?  Sino ka."

"Magandang umaga po.  Sa inyo po ba itong lupain?"  Magalang na tanong ni Tarieth.

"Oo hija.  Pero mukhang wala na talagang pag-asa ang lupaing ito.  Ang nakikita mong lupain ay minana ko pa sa aking mga magulang.  Ginawa ko na ang lahat hija.  Pati na rin ang aking mga magulang at mga magulang ng aking mga magulang pero hindi namin nagawang pagyamanin ang lupain. Totoo nga sigurong isinusumpa ang lupain ng buong Tuskan.  At sa kasamaang palad kasama kami doon."  Dahan-dahan itong tumalikod at umalis.  "Kung gusto mo.  Sayo na ang mga buto na iyan.  Mukhang dayo ka dito, baka mapapakinabangan mo yan sa iyong paroroonang lugar."  Dugtong pa ng matanda habang papalayo.

Napabuntonghininga si Tarieth.  Sobrang dami at tagal ng naghihirap ang mga tao dahil sa kagagawan ng isang walang pusong namumuno at dahil sa bugso ng damdamin.

Kahit hindi nagsalita ay alam ni Tarieth na nasa likuran niya ang kaibigan.

Huminto si Brynna isang dipa mula sa kinatatayuan ni Tarieth.  And waited.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon