Takipsilim....ay ang oras kung saan ang liwanag ay nagbigay daan sa dilim...
Pagsapit ng dilim ay lumabas si Rai sa kanyang pinagtataguan at naglakad palapit kung saan nakalibing ang sampung pinatay. Ngayon lang narealized ni Rai kung bakit malusog ang pananim sa lugar na iyon. Dahil kakaiba pala ang ginagamit na pataba ng lupa.
Parang piniga ang puso ni Rai ng maalala ang dinanas ng sampung tao. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang magdusa ang napakaraming tao. "I'm so sorry...hindi ko kayo naipagtanggol." Umiiyak na sabi ni Rai habang dahan-dahang lumuhod sa lupa. Dumukwang ito at ibinaon ang kamay sa malambot pang lupa. "Pero ipinapangako kong magbabayad ang mga gumagawa sa inyo nito. Malapit na ang paniningil. At magbabayad ang dapat na magbayad!"
Ipinikit ni Rai ang mga mata at nagsalita sa malakas na boses na maririnig sa buong lugar. It was the only warning the people in Lagoon. "Ang apoy ay liliyab at tutupukin ang lahat ng madadaiti dito. Ang hangin ay tatangayin ang lahat ng madadaanan nito. Ang tubig ay lulunurin ang lahat ng aagusan nito. Ang lupa ay ibabaon ang lahat ng nakaapak dito. Maramdaman ninyo ngayon ang umpisa ng paniningil ng mga elemento at ng inang mundo!" Verdict was given to the people of Lagoon, the elements rise up to answer.
Pagbukas ng nakapikit na mata ni Rai ay nasaksihan nito ang pagtugon ng apat na elemento sa kanya.
Nakita ni Rai ang pag-alsa ng lupa na para bang isa itong alon. Isa lang ang patutunguhan nito. Ang mismong bayan kung saan naninirahan ang mga tauhan ng hari. Biglang lumakas ang hangin na hindi makikita sa dilim ng gabi ngunit sa bawat madadaanan ay maramdaman ang hagupit nito. Namumuo ang apat na malalaking buhawing unti-unting nagwasak sa mga bahay na dinadaanan. Ang tubig ay nakapagtatakang unti-unting tumaas sa ibang parte ng lugar gayong walang maaring pangalingan nito. Ang tanging lugar na hindi sinakop ng tubig ay ang lugar kung saan nananalasa ang nagliliyab na apoy sa mga kabahayan at tao. Ang mga taong nakatakbo sa labas ng bahay ay hindi rin nakaligtas, dahil bigla nalang iyong nilamon ng lupa. Dahil din sa malakas na lindol kaya hindi makatakbo ang mga tao.
The cry of the people begging for mercy was heard by deaf ears. The elements cannot hear them. The only ears that can hear them was by a lone young woman who choose not to listen. But it doesn't meant that their death doesn't itched in her very soul.
Parang mga batang nakawala ang apat na elemento. Hanggang sa nagpasya ang inang mundo na tapusin ang lahat. Ibinuka nito ang bibig at nilamon ang buong lugar, maliban sa isang parte, ang bahay kung saan naninirahan ang mga trabahador.
Parang may kamay ang hanging tinuyo ang basang pisngi ni Rai. Na para bang sinasabing hindi siya dapat umiyak. Napatayo si Rai ng may isang batang lalaking tumatakbo palapit sa kanyang kinaroroonan. Malakas na umiiyak ito ay may tinatawag. Napahinto ito ng makita siya.
Naintindihan ni Rai ang sinasabi ng batang lalaki. Tinatawag nito ang ama. Ang mga trabahador na nakita niya kanina ay sumunod din sa bata. Iilan sa mga ito ay umiiyak din.
Itinaas ni Rai ang kamay. Napaatras ang mga naroroon ng makitang unti-unting bumuka ang lupa sa harapan ni Rai. May napahiyaw ng makilala ang tumambad na mga patay na katawan ng mga kasamahan. Kanya-kanyang lapit ang mga ito at yakap sa mga katawan. Marahil ay mga pamilya ng mga ito. At ang batang lalaki kanina ay yakap-yakap ang patay na katawan ng ama nito.
Nagsisikip ang dibdib na tumalikod si Rai. Hahayaan niya ang mga itong mamaalam ng mga minamahal. Kahit iyon man lang ay maibigay niya..
"My lady...
Napahinto si Rai sa paglalakad at muling humarap sa grupo.
"M-maraming salamat." Umiiyak na sabi ng isang babae at lumuhod. Sumunod naman ang iba hanggang sa lahat ay lumuhod at kanya-kanyang pasalamat din. Hinawan ni Rai ang mga balikat ng pinakaunang babaeng nadaanan at pinatayo ito.
"Paki-usap tumayo kayo." Ang sabi ni Rai gamit ang lenguwahe ng Tuskan. "Wala kayong dapat ipagpasalamat. Ginawa ko lang ang aking tungkulin. Ngayong nasaksihan ninyo ang galit ng mga elemento sana hinihiling kung pakaingatan ninyo at arugain ang lupain."
"My lady, makakaasa kayo. Ipinapangako namin at ng mga magiging anak namin na hindi na mauulit ang ginawa ng mga ninuno namin!"
"Maraming salamat. Siyam na araw mula ngayon ay muling maramdaman ng Tuskan ang galit ng mga elemento. Nakiki-usap ako na sana manatili kayo sa lugar na ito hanggang muling lumiwanag ang kalangitan at walang maglalakbay. Paglipas ng siyam na araw ay may taong pupunta dito galing sa Saltain upang bigyan kayo ng mga binhing maari ninyong itanim. Marami kayong mga hayop, pagkasyahin ninyo sa loob ng siyam na araw para may makain kayo."
Isa-isang tumango ang mga naroroon at muling magpasalamat.
"Hanggang sa muli nating pagkikita." Paalam ni Rai at saka umalis. Sa di kalayuan ay nakita ni Rai ang kanyang kabayong naghihintay sa kanya.
Muling naglakbay si Rai hangang sa makarating siya sa Lake Gamot. Ang Lake Gamot ay ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Tuskan noon. Ngayon ay ito nalang ang "nag-iisang" pinagkukunan ng tubig. Kung wala ang lawa na ito ay siguradong wala ng taong buhay sa Tuskan ngayon dahil walang nabubuhay na tao o organismo kung walang tubig.
Naninibago si Rai sa nakita. Sa ilang araw na kanyang paglalakbay ay ito lang ang lugar na may nakikita siyang malalaking puno ng kahoy, may berdeng kapaligiran. Malaki ang lawa at malinis ang tubig. At gaya sa Lagoon ay tahimik ang kapaligiran. Pero hindi nakaligtas sa kanyang pansin ang mga sundalong Tuskan na nag roronda sa gilid ng lawa.
Nakapagtatakang may lawa pang natitira sa Tuskan. Tahimik na pinagmasdan ni Rai ang lawa mula sa malayo. Maya-maya ay nasagot ang kanyang katanungan. Ang tubig ay galing sa pinakamalaking lawa ng buong kontinente. Ang sagradong lawa ng Elvedom.
Patuloy si Rai sa pagpasok sa mismong lungsod ng Lake Gamot. Dito ay marangya ang pamumuhay. Malalaki ang mga bahay at sementado ang daan. Napahinto si Rai ng biglang palibutan siya ng mga nakasakay ng kabayong sundalo ng Tuskan. Suot ng mga ito ang kulay dilaw na uniporme na may insignia na cobra.
Kinalma ni Rai ang kanyang kabayo ng maramdamang natakot ito. Nakinig naman ito sa kanya at ngayon ay matapang na nakatayo at hindi gumagalaw kahit na napalibutan sila at paliit ng paliit ang distansiyang nakapagitan sa kanila at ng mga sundalo.
"Sino at ano ang kailangan nila sa Lake Gamot?" Tanong ng isa sa mga sundalo.
"Isang manlalakbay." Sagot ni Rai na hindi tinanggal ang hood sa ulo sabay hagis ng isang malaking kulay pulang bagay sa paanan ng sundalo. Bumaba ang sundalo mula sa sinasakyang kabayo at pinulot ang batong itinapon ni Rai. Ang bato ay kasing laki ng kamao nito. Kumikinang ang bato ng tamaan ng sikat ng araw. Napasinghap ang mga sundalo.
"Kailangan ko lang ng konting tubig na maiinom at matuluyan ngayong gabi. Bukas ay maari na ninyo akong ihatid palabas ng inyong lugar." Saglit na nagkatinginan ang mga ito at pagkatapos ay may dalawang sundalong lumapit kay Rai para maghatid sa kanya sa isang bahay panuluyan.
Matataas ang magagandang gusali sa Lake Gamot. Kakaiba din ang hitsura ng mga tao doon. Ibang-iba sa mga lugar na nadaanan ni Rai na halos buto't balat nalang. Dito malulusog at magagara ang mga damit na suot ng mga tao. Saan man tumingin si Rai ay may mga sundalong nagbabantay. Mukhang dito nakatira ang ibang mayayaman na tao sa Tuskan.
Interesting....
•note•
Salamat sa paghihintay! Please don't forget to vote!
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasíaLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
