Eighty-eight: Black Fire

4.5K 125 55
                                    


Ikinuyon ni Andracus ang kanyang dalawang kamay sabay suntok sa hangin.

Booooom!

Ang mukhang ordinaryong suntok na ito ng tumama sa kapangyarihang apoy ni Tara ay nakakabingi sa lakas ang tunog. Ang mga nakapalibot kay Tara na mga sundalo ni Andracus ay nabingi sa lakas ng tunog. Kung hindi dahil sa kapangyarihang taglay ay malamang na dumugo ang tainga ng mga ito. Hindi lang dahil sa nakakabinging tunog kundi sa kasamang lakas ng kapangyarihan sa hangin.

Malakas ang loob ni Master Andracus na kung hindi man ikakamatay ng babae ang kanyang malakas na suntok ay malamang na lubhang sugatan ito. Isa siya sa apat na heneral kaya malaki ang tiwala niya sa kanyang kapangyarihan. Hindi makakapantay ang isang mage sa kanyang lakas, kahit isa pa itong elemental mage.

"Kagat ng langgam..." ang nang uuyam na boses na iyon ay pumasok sa tainga ni Master Andracus.

"Huh?!!" gulat ni Master Andracus.

"Andracus, isa sa mga Master Mongrels...hindi ko akalain na ganito ka kahina." Uyam ni Tara sabay patay sa apoy sa kanyang kapaligiran. Kasabay din niyon ang pagbagsak ng mga tauhan ni Master Andracus sa lupa, lahat ay wala ng buhay. Dahil isang elemental mage si Tara kaya kaya may kapangyarihan din siya sa hangin. Kaya din niyang gawin ang ginawa noon ni Tempest. Ang alisin ang hangin sa paligid. At ano ang mangyayari kung mawalang ng hangin ang paligid? Wala ring mabubuhay. At isa lang ito sa mga bagay na kayang gawin ni Tara.

Ang malakas na suntok ni Master Andracus na may kasamang kapangyarihan nito sa hagnin at apoy ay nagmistulang mahina pa sa kagat ng langgam ng tumama sa kalaban.

"Tama nga ang hinala ko. Ang mga Master Mongrels ni Vagnar Angol, ang HighKing ng Hagalone." May panghahamak na sabi ni Tara.

"Ha! Ha! Ha! Magaling!" tawa ni Master Andracus, "akala ko, walang kahit isang nilalang sa Tuskan ang nakakilala sa aking kamahalan, o naalala ko, hindi ka pala taga Tuskan, kundi tubong Quoria. Magaling. Ngayong alam mo kung sino ako at ang mahal na pinuno, hindi ko maaring iwanan kang buhay." Puno ng kumpyansang sabi ni Master Andracus. Pagkasabi ay bigla itong nawala sa kinatatayuan. Naging alerto si Tara, gaano man kahina para sa kanya ang kalaban, hindi niya pwedeng mamaliitin ito, pagkatapos ng lahat, isa ito sa mga heneral ni Vagnar Angol. Si Vagnar Angol ay isang napakamakapangyarihang HighKing. Kahit siya ay hindi siya sigurado kung kaya niyang talunin ito kung makakatunggali niya ito.

Biglang naramdaman ni Tara ang paggalaw ng hangin sa kanyang likuran. Agad na ikinumpas ni Tara ang kanyang kamay. Sa kanyang likuran ay tumaas ang lupa na nagsilbing pader at doon tumama ang kamay ni Master Andracus na may mahahabang kuko. Kasing talas ng kuko ng isang tigre. Natibag ang lupang pader at naging pulbo, makikita doon kung gaano kalakas si Master Andracus. Kung tumama ito kay Tara, baka sabog-sabog din ang katawan niya.

"Pinapatutunayan mo ang mga naririnig ko sa iyo Andracus. Mula sa pagmamanipula mo kay haring Fergun ng Tuskan. Sa unti-unti mong pagsira sa lupain ng Tuskan. Ang pag-ubos ng sa kapangyarihan ng lugar para lang magawa mo ang iyang eksperimento. Dahil sa eksperimento mo ay wala kang kayang hindi gawin, wala kang pinipili. Kahit ang sarili mo ay hindi mo pinaligtas." Sabay sulyap sa kamay ni Andracus na nagmukhang kamay ng tigre. Mahahalatang pati sarili ay piangeeksperimentuhan nito. "Para saan ang lahat ng ito Andracus?" matalim ang matang tanong ni Tara, walang makikitang takot sa mukha nito gayong gahibla nalang at muntik na itong mamatay.

"Hahaha! Hmp! Ang langgam na katulad mo ay walang karapatang magtanong niyan." Mayabang na sabi ni Master Andracus, halatang hindi pa rin nito iniisip na kapantay nito si Tara. "Hahaha!"

Hindi na muling nagsalita si Tara. Kahit ano pa ang sabihin niya ay walang silbi ang lahat. Maliit ang tingin sa kanya ng kalaban, kung hindi pwede sa salita, sa gawa niya papatunayan dito.

Tinawag ni Tara ang kanyang kapangyarihan sa apoy at lupa. Ikinumpas ang kamay.

Ummm...

Tanging mahinang tunog ang maririnig sa paligid. Mabilis pa sa kidlat ang dila ng apoy na lumipad patungo sa kinakatayuan ni Master Andracus. Nasa kalagitnaan ng pagtawa si Master Andracus na ng makitang papalapit ang ilang daang dila ng apoy sa kinaroroonan ay mas lalong tumawa pa ito. Ngunit ng may ilang dipa na lang ang layo ng dila ng apoy ay namilog ang mga mata nito dahila ng apoy na kulay pula ay nagbago ang kulay. Naging kulang itim ang mga dila ng apoy. "Apoy na itim!" nanginig si Master Andracus. Ganun pa man mabilis ang kilos nitong tinawag ang sariling kapangyarihan sa tubig bilang panangga sa itim na apoy.

Ang bola ng tubig na parang buhawing umiikot sa paligid ni Master Andracus ay pabilis ng pabilis at pilit na pinipigilan ang pagpalapit ng dila ng apoy. Ang katawan ni Master Andracus ay biglang nagbago din. Tumangkad ito at lumaki ang katawan na may makakapal na kaliskis ng dragon. Namumula ang mga mata nito na gamit ang buong lakas na pinipigilan ang mga dila ng apoy na parang barinang pilit na tumutusok sa loob ng bolang tubig. Sa ganong sandali din ay may malakas na pagsabog na narinig sa paligid. Maliban sa dila ng apoy ay may makinis na kulay itim napakalaking bakal na pilit pinasok ang bolang tubig.

Hiss...hiss...mabilis na inuubos ng itim na apoy ang tubig, habang walang tigil din sa pagtusok ang malalaki at matutulis na kulay itim na bakal.

Boom!

Sa wakas ay hindi nakaya ng bolang tubig ang pinaghalong kapangyarihan sa apoy at lupa ni Tara.

Humihingal si Master Andracus na sa ngayon ay nagmukha ng taong kulay berdeng dragon.

"Inaamin kong minamaliit kita, isang magkakamali—

Tsug! Tsug! Tsug! Tsug! Tsug!

Hindi pa man natapos ni Master Andracus ang sasabihin ay nanlalaki ang mga mata nito na hindi man lang nalaman kung paano itong namatay.

"Hmp! Isa lang nag pagkakamali na ginawa mo Andracus...ang umapak sa kontinenteng ito. Isa pa, hindi ako tubong Quoria...isa akong tubong Elveden." Walang emosyon sabi ni Tara sabay talikod.

Sa pagtalikod nito ay tinupok ng itim ng apoy ang buong katawan ni Master Andracus na nagmukhang barbequing dragon. Nakatasok sa katawan nito ang itim na bakal habang tinutupok ng itim na apoy.

Sa huli ay nanaig pa rin ang kayabangan ni Master Andracus. Imbes na gumawa uli ng paraan para sanggain ang apoy at bakal ay hindi nito ginawa. Akala nito ay sapat na ang lakas ng katawan nito na sanggain ang kapangyarihan ni Tara. At higit sa lahat ay buong akala nito ay titigil si Tara pagkatapos pumutok ang bolang tubig nito na siyang panangga nito. Ngunit nagkakamali ito, dahil si Tara ay ni hindi interesado sa kanyang sasabihin. Dito na rin nanggaling na walang karapatang magtanong ang langgam na kagaya ni Tara. Sinusunod lang naman ni Tara ang kagustuhan nito.

Hindi nito alam kung gaano kalakas ang itim na apoy ni Tara, kahit abo ay walang natitira sa bawat tamaan ng itim na apoy.

Pasensiya.

May the wind brings you great tidings!

-xiantana-

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon