Taroque City, Tuskan
Bear Moon, WatersdayHindi pa sumikat ang araw ay maingay na ang bawat kalye na nadadaanan ni Bau o Bauhinia. Sa edad na trese anyos ay mulat na siya sa mundo. Lumaki siya sa oretse ng Tuskan. Ang oretse ay ang tahanan ng mga taong Dukha, kriminal at mga walang pag asa sa buhay---noon. Ngayon ay halo-halo na at mas lalong lumala. Habang pahirap ng pahirap ang kabuhayan sa Tuskan, lumaki ng lumaki ang populasyon ng oretse.
May mayayaman ngayon na Dukha na rin. Walang pakialam ang hari sa kanyang mga nasasakupan. Palala ng palala ang buhay sa Tuskan.
Lahat ng ito ay nagsimula pagkatapos ng First War.
Noon madaling minahin ang ginto pero simula ng isinumpa ng Empress ang Tuskan ay totoong kahit isang pilak ay wala ng nahuhukay.
Ang Tuskan ay nasa timog kanlurang bahagi ng Quoria. Noong nadiskubre na may ginto ang lupain ng Tuskan ay walang habas na nagmimina ang mga tao sa utos na rin ng hari. Na ikinasisira ng mga kagubatan, lupain at pati na rin ang mga ilog. At dahil wala ng pagkukunan ng pagkain at tirahan ang mga ligaw na hayop, pati ang mga ito ay nawala na rin.
Kaya naman pagkatapos isumpa ng Emperatris ang Tuskan. Nawala lahat ang pinagkukunan ng yaman ng mga tao. Doon nagsisimula ang paghihirap ng kanilang lugar. Pero kung ang mayayaman ay naghihirap, paano pa kaya ang mga kagaya niya Dukha na simula't-sapol pa lang?
Pero kahit sobrang naghihirap ang Tuskan ay kinakaya pa rin ng mga tao. Hanggang sa nagbigay ng tulong ang hari ng Tierra Baldias. The WasteLand king. Doon nagsimula ang lagim.
Nang maisip iyon ni Bau ay binilisan niya lalo ang paglalakad. Kailangang maabutan niya ang nakakatandang kapatid bago ito pumasok sa trabaho. Nakapagtrabaho ang kanyang kerina(ate) Jasmine sa bakery sa oretse ang Pan Bakery.
Ang kanilang bahay ay nasa pinakaloob ng oretse sa mismong patay na ilog. Noon ay nasa tabing ilog lang sila. Pero dahil sa dumami ng dumami ang tao, padumi ng pa dumi rin ang ilog hanggang sa ang tubig ay hindi na nakadaloy. At dahil na rin sa kagagawan ng tao kaya naging marumi ito. Ang amoy ng ilog ay lumala ng lumala. Hanggang kahit ang ibang mga Dukha ay nilisan ang lugar. Pero silang magkakapatid ay nanatili doon. Tuwing umuulan ay tumaas ang tubig ng ilog at pumapasok iyon sa kanilang bahay.
At dahil mahal ang kahoy kaya imbes na kahoy ay bato ang ginawa nilang apakan. Pag tumaas ang tubig ilog ay minsan hindi sila nakakatulog. Hindi lang dahil sa sobrang sangsang ng amoy, dahil na rin sa wala silang mahigaan. Ang pera pirasong kawayan na siyang nagsilbing higaan nilang magkakapatid ay inaabot ng tubig ilog.
Pero kahit ganun pa man ay mas pinili nila na manatili sa kanilang barong-barong dahil kung sa ibang lugar sila matulog baka mapahamak pa silang magkakapatid. Kahit papaano doon may mga kapitbahay na kung palalarin sila ay maaring tutulong.
Hindi rin kasi pwedeng pagkatiwalaan ang kanilang mga kapitbahay. Kayaga nila ay ginagawa din ng mga ito ang lahat ng paraan para mabuhay sa oretse.
Huminto si Bau sa labas ng kanilang pinagtagpi tagping tirahan. Maingat ang mga hakbang na lumapit sa bahay. Isang maling hakbang at sa maruming tubig siya pupulutin.
"Kerina!" Tawag ni Bau. Ngunit walang sumasagot sa tawag niya. Tahimik ang loob ng kanilang tahanan. Pagpasok niya ay nakatiklop na ang pinaghihigaan ng kanyang ate. Ibig sabihin ay nakaalis na ito sa trabaho. Mabilis ang kilos na inilagay ni Bau ang iilang damit nilang magkakapatid. Isinama na rin niya ang ibang mahahalagang bagay na maari pa nilang mapakinabangan. Inilagay niya lahat iyon sa kumot niya at itinali. Bitbit ang kumot na naglalaman ng kanilang gamit nilisan ni Bau ang barong-barong.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasiLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...