Nakakabinging katahimikan.
Ang lugar ay puno ng sugatang katawan ng mga alagad ni Andracus, kahit isa sa kanila ay walang humihinga. Tao, mage o hybrid ay walang pinipili, lahat ay malamig na bangkay na ngayon. Ang lupa ay tahimik na sinipsip ang dugong dumanak.
It was a bloodbath.
Ang mabining hangin ay dumadapo sa mukha at katawan ni Tarieth. Ang maamong mukha ni Tarieth ay walang kahit anong bakas na emosyon. Ang kulay itim na mga mata nito na may halong madilim na kulay ube ay malamig na pinagmasdan ang resulta sa labanan nila ni Master Andracus at sampu na mga alagad nito. Matagal na nanatili si Tarieth sa kinatatayuan.
Kung may makakakita lang ngayon ni Tarieth ay aakalain na isa itong diyosa ng kamatayan.
Sa napakahabang panahon, ngayon lang muling napanatag si Tarieth.
Kung ibang tao siguro ay masisindak o magsisisi sa kanyang nagawa, ngunit iba siya. Wala siyang kahit katiting na nararamdamang pagsisisi habang pinagmasdan ang bangkay ng mga kalaban, kahit na ang katutuhanang mga kamay niya mismo ang kumitil sa buhay ng mga ito. Dahil ang lahat ng dugong dumanak ngayon, ang mga buhay na kinitil niya ay alay niya lahat sa kaibigan niyang si Fu.
Matagal na panahon na rin ang lumipas ngunit malinaw pa rin sa kanya ang araw kung kailan ipinapangako niyang ipaghihiganti niya ang kaibigan, at ngayon, ngayon ay ang katuparan ng pangakong iyon. Ang saksi sa katuparan ng kanyang pangako ay ang mga halaman at hayop na kahit tapos na ang labanan ay nagtatago pa rin at puno ng takot.
"Fu, sa wakas ay naipaghiganti din kita. Pasensya na at natagalan." Tumutulo ang luha sa mga mata ni Tarieth, masaya siya at nabigyan niya ng hustisya ang kaibigan, pero nahipaghiganti man niya, ang katotohanang hindi na maibabalik ang buhay na nawala ay parang patalim na sumusugat sa puso ni Tareith.
Mahabang sandali muna ang lumipas saka gumalaw si Tara. Pinagmasdan ni Tara ang palagid, nagmamasid. Pagkaraan ay may sumilay na sarkastikong ngiti sa mga labi ni Tara. "Andracus salamat, kung hindi dahil sa ginawa mo ay hindi ako magkaka sigurado kung sino ang tao sa likuran mo."
Hi guys, after deliberating for a while, I have decided to end Tarieth here. See you at book Seregon!
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...