Habang nagbabasa sa rituwal si Firen ay biglang umilaw ang pentagram symbol sa sahig. Naalala niyo bigla ang nangyari noong Selection ni Brynna at Tarieth.
Nagulat si Firen ng bigla nalang itong tumilapon sa dingding na bato saka bumagsak sa sahig. May mga naririnig siyang sumigaw! Napangiwi si Firen ng akma itong tatayo, sobrang sakit ng likod niya. Sa sobrang sakit ay nasisiguro niyang may bali sa mga buto niya. Hindi alintana ang sakit at pilit pa rin nitong tumayo at paika-ikang lumapit sa kaninang kinatatayuan ng apat na mga bata. Ngunit wala na doon ang apat. Wala itong makita na kahit konting palatandaan na makapagsasabi kung nasaan ang mga ito. Tumingala si Firen, wala rin sa itaas. Nagpalingalinga ito, pero ang mga mukhang nakikita niya ay sumasalamin din sa nararamdaman niya.
"They're gone...oh gods!" Bulalas ni Firen na para bang hindi ito mapaniwala sa nangyari hanggang sa marinig mismo sa sariling bibig ang katutuhanan.
"Anong ibig mong sabihin Firen?" Pilit na nagpakahinahon na tanong ni Brennon.
Hindi sumagot si Firen, hinahanap ang librong hawak kanina. Nakita ito ni Firen na nasa sahig di kalayuan sa binagsakan niya kanina. Malalaki ang mga hakbang na nilapitan ito at pinulot. Nagmamadaling binuksan ang libro at may hinahanap na pahina. Binasa nito ang bawat pahina. Hinayaan ng mga naroroon si Firen at kahit isa sa mga ito ay walang nagtatanong. Nang muli itong nagtaas ng tingin ay mas lalong nabahala ang mga nakatingin dito. Napapikit si Firen ng mapagtanto ang lahat. "I-I am so sorry," isa-isa nitong tininganan ang mga naroroon. Mga mukhang ouno ng takot.
"I don't know what happened. I probably made a mistake. Or worse I probably send them to another realm. Hindi ko alam." Parang tumanda ng ilang taong sabi ni Firen.
"Don't say that!" May galit na sabi ni Lyla. "There must be a way!" Ayaw maniwalang nawala ang anak.
"Do you know what realm High Lord?" Tanong ni Master Wanda.
Tanging iling lang ang naging sagot ni Firen.
"Papa, last time, diba nagkwuento si Tempest na ibang realm? Baka naroon sila." Sabat ni Dellani na mahigpit ang kapit sa asawa.
"Realm of Twilight."wala sa loob na sambit ni Prema.
"Oo, mama. Diba nagkwuento si Tempest na napanaginipan niya ang realm na iyon?"
"Lani," mahinahong sabi ni Prema dito. "Ang mundo ng takipsilim ay hindi mundo ng---oh! Firen! Hanapin natin si Karess!" Nagmamadaling sabi ni Prema pero pinigilan ito ni Brennon.
"Saglit Master! Hindi namin naintindihan ang mga pinag-uusapan ninyo."
"Later Bren. Hahanapin ko muna si Princess Karessiyana!" Pakiusap ni Prema sa Duke.
"Hindi na kailangan ViticiPrema,"sabat ng isang matinis na boses gamit ang salita ng mga elfo. Nagulat ang lahat na naroroon. Maliban kina Firen at Prema ay wala ng iba pang nakakaalam tungkol kay Karess.
"Karess!" Nakahinga ng maluwag na bulalas ni Prema. Ipinakilala ni Prema si Karess. Namangha ang lahat ng malaman na isa itong sphinx.
"Naramdaman ko ViticiPrema ang malakas na kapangyarihan kaya ako nagpunta dito." Anito sabay lapit kay Firen.
"Hawak mo ang libro na matagal ko ng hinahanap High Lord."
"Anong ibig mong sabihin Karess?" Nagugulungang tanong ni Firen.
Humarap muna si Karess sa hari at reyna saka bahagyang iniyuko ang ulo bilang paggalang bago sumagot. "This is a matter of secrecy," pagbibigay alam nito sa mga naroroon gamit pa rin ang lenguahe ng mga elfo.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
