Seventy-six: Rhyddik

4.6K 188 29
                                        

Natahimik ang dalawa ng muling lumapit si Rhiwallon kasama ang maliit na pulang dragon.

Napakunot noo si Brynna habang nakatingin sa batang dragon, tumingin kay Tempest saka nagtanong. "Tee, ang pag-kakaalam ko, ang mga weredragon ay nagbabagong anyo sa edad na sampung taon. Pero paano ang mga batang ipinanganak sa anyong dragon?"

Parehong napangiti sina Rhiwallon at Tempest. Si Rhiwallon na mismo ang sumagot. "Ang totoo milady, nakadepende sa kakayahan ng isang bata ang pagpalit ng anyo. May mga batang ipinanganak na tao, na nakapagpalit ng anyo ng mas maaga, pero karamihan ay bago mag sampung taon ay nakapagpalit na anyo, mapaanyong dragon man o anyong tao."

"Aw, ganun pala yon. Eh Rhiwa, may naisip ka na ba na pangalan ng baby mo?" Sabay niyuko ni Brynna ang batang dragon ay inilapit ang kamay sa nguso niyon. Sininghot-singhot iyon ng batang dragon sabay buga ng apoy. Nagulat si Brynna ng biglang may lumabas na apoy sa bibig ng batang dragon.

Nanghihilakbot naman si Rhiwallon sa inasal nga anak. Agad na sinuway nito, pero huli na dahil nabugahan na ng apoy ang buong kamay ni Brynna.

Nagulat pa si Rhiwallon ng marinibg ang tawanan nina Brynna at Tempest.

"Ha ha ha! Hindi ka niya gusto Bree! Akala niya siguro pagkain ang kamay mo!" Tukso ni Tempest.

Hindi naman apektado si Brynna. Niyuko nito ang batang dragon sabay tumingin sa mga mata niyon. Nagulat pa si Rhiwallon ng tumahimik ang batang dragon na para bang nakikipag-usap ito kay Brynna. Maya-maya lang ay malaya ng hawakan ni Brynna ang ulo ng batang dragon na ikiniskis pa lalo ang ulo sa kamay ni Brynna. Naging amaamo ito.

"Ang cute! Rhiwa, anong ipapangalan mo sa anak mo?" Naalalang itanong ni Tempest.

Mukhang noon lang din naalala ni Rhiwallon ang bagay na iyon. Saglit na nag-isip ito. Lumipas ang ilang saglit pero walang maisip si Rhiwa, kaya nagbigay ng suhestiyon ang dalawa.

"Aha! Alam ko na! RedScale!" May pagmamalaking sabi ni Bree.

"Pufft! Sobrang pangkaraniwan Bree, saka di mo ba naisip na sa daming pulang dragon ay may mga pangalan ng ganun sa Khu-Gwaki."

"Oo nga no? Ba't di ko naisip yon." Muking nag-isip.

Ang totoo, may naisip nang pangalan si Rhiwallon, pero bilang pasasalamat sa dalawang dalaga na naging tagapagligtas nilang mag-ina kaya hinayaan niyang ibigay sa dalawa ang karapatang magbigay ng pangalan sa anak. Isa pa, isang karangalan para kay Rhiwallon na ang Khosanen ng Khu-Gwaki ang magbigay ng pangalan sa anak.

Lumapit si Tempest sa maliit na dragon. Yumuko ito hanggang magsalubong ang tingin sa batang dragon.

Bahagyang umungol ang maliit na dragon. Sabay hakbang paatras, pero mukhang hindi naman natakot. Hinayaan ni Tempest ang batang dragon at nanatili sa kinaroroonan. Pagkaraan ng ilang saglit dahan-dahang lumapit ang batang dragon, huminto ito sa harapan ni Tempest saka yumuko.

Hinaplos ni Tempest ang ulo ng batang dragon sabay sabi, "gusto mo bang bigyan kita ng pangalan?"

Nag-angat ng ulo ang batang dragon at malamlam ang matang nakatingin kay Tempest, na para bang naintindihan nito ang sinabi ni Tempest.

"Simula sa araw na ito, ang pangalan mo ay Rhyddik." Nakangiting sabi ni Tempest.

Hindi alam ni Rhiwallon kung guni-guni niya lang pero ng sabihin ni Khosani Tempest ang magiging pangalan ng anak ay nakaramdam siya ng kilabot sa katawan. Iyon bang pakiramdam na nagbigay ng bagong batas ang kaharian ng Khu-Gwaki na kailangang sundin ng lahat ng kinasasakupan nito. At hindi lang iyon, may naramdaman si Rhiwallon na ang simpleng paghawak ng Khosani sa ulo ng anak ay may kung anong kapangyarihang napaloob doon.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon