Gustong magsisi si Tara kung bakit pinilit pa niya na dumaan sa hangganan ng Brun at Tuskan gayong mayroong mas madali at ligtas na ruta patungong Quoria. Pero hindi niya pwedeng baliwalain ang nararamdaman. She felt a tug towards this place and she don't know why. Kaya ngayon ay nasa isang maliit na bayan sila ng Saltain.
Habang papalapit sila ay lumala ng lumala ang panghihina ng kaibigang si Brynna. Siya man ay nanghihina rin. Habang pinasmamasdan niya ang daang tinatahak ng kanilang karwahe ay naintindihan na niya.
Hapon na ng makarating sila. Ang Saltain ay maliit na bayan lang. May maliit na apothecary shop, smith, isang mumurahing Inn, di kalakihang bakery, bath house at sa pamilihan ay may mangilan-ngilang nagtitinda ng gulay, prutas, karne at iba pa. There was no merchant selling clothes or any finery na kalimitang makikita mo sa Brun. Dahil wala silang mapagpipilian kaya doon sila tumuloy sa Somed ang nag-iisang Inn sa bayan ng Saltain.
Napagpasyahan nila ni Brynna na kumuha lang nang dalawang silid. Isa sa kanila at isa sa driver. Pagkatapos kumain ng hapunan ay nagpaalam si Brynna na tingnan ang mga kabayo. Dahil mukhang okey naman ito kaya pumayag si Tara kahit hindi nagalaw ng kaibigan ang pagkain. Kahit siya man ay hindi kumain kahit gutom. Sa hitsura pa lang ng Inn ay wala na siyang tiwala sa pagkain pa kaya? Nang lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin bumaik si Brynna ay nag-alala na si Tara kaya hinanap niya ito.
Bago lumabas ay pinagpahinga na niya ang kasamang driver. Naabutan ni Tara si Brynna sa kwuadra may mga kasama ito.
Pinagsabihan niya si Brynna. Pero ngumiti lang ito at ipinakilala siya at ang sarili nito sa mga kausap. Napatingin si Tara sa dalawang estranghero. Matangkad ng konti ang babae sa kanya. Ang isang kasama naman nito ay kasing tangkad niya. Hindi agad mapagpasyahan ni Tara ang kulay ng balat ng dalawa dahil sa sobrang dungis ng mga ito pero mukhang malinis naman ang mga suot na damit.
Hindi sumagot alin man sa dalawa. Parehong nakabakas sa mga mukha nito ang takot. "Hindi n'yo ba ipakilala ang mga sarili ninyo?" Tanong ni Tara sa malumanay na boses. Ayaw niyang mas lalong matakot ang dalawa.
"Anong kailangan ninyo sa amin?" Tanong ng matangkad na babae. Iniharang pa nito ang katawan habang hawak ang kamay ng kasama. Marahil para hindi ito umalis sa likuran nito.
"Wala. Nagtatanong lang, kasi narinig ko kasi na kanina pa tumutunog ang mga tiyan ninyo pero bakit hindi kayo pumunta sa loob at kumain?" Sagot ni Brynna.
Hindi sumagot ang mga ito.
"Wala kaming pera." Halos bulong na sagot ng babaeng nasa likuran ngunit umabot iyon sa pandinig ni Tarieth at Brynna.
Napatango si Brynna. Pagkatapos ay walang paalam na umalis. Nanatili si Tarieth sa kanyang kinatatayuan.
"Kung wala kayong pera, anong ginagawa ninyo dito?"
"Kasama sila ni Mang Kaleb." Si Brynna na ang sumagot habang papalapit. Nasa likuran nito ay walang iba kundi si Mang Kaleb. May bitbit itong mga pagkain. Inilapag nito ang dala sa kaninang inuupuan ng dalawang babae.
"Wag kayong mag alala. Mga kakilala ko sila. Hala kumain na kayo. Lumalalim na ang gabi. Kailangan na rin ninyong magpahinga." Pagkatapos ay binalingan nito si Brynna. "Lady Brynna. Mas mabuti po na bumalik na kayo sa loob. Delikado po dito."
Parang gusto pang tumutol ni Brynna pero hinila na ito na Tarieth hanggang sa makapasok sila sa loob ng kanilang inuupahang silid. Maliit lang iyon, kasyang kasya lang ang isang pandalawahang kama. May isang maliit na bintana, dalawang upuan na yari sa kahoy at isang di kalakihang lamesa.
"Bree," umpisa ni Tarieth ng makaupo sa higaan ang kaibigan. "Pasensiya ka na ha. I didn't know na ganito madadatnan natin. On our way here, hindi ko alam why I felt the need to come in this place." Naglakad si Tarieth patungo sa maliit na bintana and opened it.
"Ang lupain?" May kasiguraduhang hula ni Brynna.
Tumango si Tarieth bilang pagsang ayon. Naramdaman niya ang pagpasok ng panggabing hangin na may kasamang init sa loob ng silid, making the curtain swayed. Maya-maya lang sigurado si Tarieth na lalamig na ang hangin.
"Ang lupa ay ang nagsilbing balat ng mundo. "Skin of the earth. There will come a time Bree that the land itself will stop calling because it was tired. This land has been calling for so long, so long....some probably heard but did not listen. Where are the earth mage Bree? The HealerMage. HealerMage is not just healers of humans and animals. They are EarthMage. It means they are the healers of the Earth."
Ang lakas ng tambol ng dibdib ni Brynna. Namutla siya sa narinig.
Napayuko si Brynna. It's true. She, most of all should know that. Ang isa sa pinaka importanteng responsibilidad niya ay kinalimutan niya. She was so intent on healing. Sa mga tao at hayop to the point na kinalimutan niya ang pinakaimportante sa lahat. Ito ba ang dahilan kaya ganito ang kanyang nararamdaman? She felt like someone or something was draining her power or unti-unting pagkawala ng kanyang kapangyarihan. Half of her power is earth power. But if the earth itself is dying, what power can it give her?
"We reap what we sow Bree. We reap what we sow." Halos pabulong lang iyon na sinabi ni Tarieth pero umalingawngaw iyon sa buong pagkatao ni Brynna.
Batid ni Brynna na hindi naman nagalit sa kanya ang kaibigan. It was just a rhetorical question. Pero dahil isa siyang EarthMage ay tumagos iyon sa pagkatao niya. So many have forgotten. Lalo na siya. At ang kaibigan niyang halos hindi bumibitiw ng salita at hindi nagpapakita ng nararamdaman hanggang sa akalain mong manhid, saw it all. Tarieth felt more deeply than anyone else. Sobrang attuned ito sa mundo at sa mga tao para hindi maramdaman ang mga paghihirap ng mga ito.
"Magpahinga na tao Tara. Bukas marami pa tayong gagawin." Aya ni Brynna.
Isinara nito ang bintana at pagkatapos hubarin ang kapote nito at ang nakasabit na dalawang malalaking warblade sa likod nito at maingat na inilapag sa tagiliran ay umupo na ito sa kama. Sobrang ingat ito sa mga sandatang bitbit. May isang long bow pa ito na nakabalot sa isang itim na tela at and full quiver na kaninang pagdating nila ay inilagay sa ilalim ng kama.
Matangkad si Tarieth kahit sampung taon lang ito. Dapat sa edad nilang ito ay nasa bahay pa sila at inaalagaan ng mga magulang. Pero hindi sila. Their mind is more older than their bodies. Siya dahil sa karanasan niya sa buhay at si Tarieth. Si Tarieth ay hindi niya alam. But kahit hindi nagsasalita ang kaibigan, ang nakikita niya sa mga mata nito, mga matang...she's an old soul.
"Goodnight Tara."
"Night Bree."
Sa loob ng kuwadra.
"Kerina Jasmine sino kaya ang dalawang iyon?"
"Hindi ko rin kilala pero dahil kaibigan sila ni Mang Kaleb siguro naman hindi nila tayo ipapahamak. At mukhang mabait naman dahil binigyan tayo ng pagkain. Pero Bau, wag kang kumpyansa ha." Paalala ni Jasmine sa kapatid.
"Pahinga ka muna Kerina, ako naman ang magbabantay." Alok ni Bau sa kapatid.
"Sige, pero gisingin mo agad ako ha pag may taong dadating." Tumango si Bau. Kaya pumasok si Jasmine sa loob ng karwahe at doon natulog.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
