Pagkatapos ni Brynna sa Orbs and Herbs ay pumasok pa sa iba't-ibang pamilihan si Brynna hanggang sa makontento siyang wala na siyang nalilimutang bilhin. Lahat ng kanyang mga pinamili ay ipinapadala niya sa kanyang Manor ng kanyang ina kung saan siya nakatira ngayon.
Habang papauwi ay mag biglang humintong karwahe sa kanyang tagiliran. Napahinto si Brynna sa gilid ng daan. Iniluwa ng karwahe ang kapatid na si Bryan. Nakasimangot itong nakatingin sa kanya.
Sa nakita ay gustong matawa si Brynna. Parang alam na niya kung bakit nakasimangot ito. Hindi umalis si Brynna sa kinatatayuan at hinintay na makalapit ang kapatid.
Dahil sa magarang karwahe ay maraming mga matang nakatuon ang pansin kung sino ang may-ari niyon. Nang bumukas iyon at lumabas ang isang matangkad at guwapong lalaki ay nagulat ang lahat lalo na ang mga kababaihan. Halata sa hitsura at kilos ng lalaki na mayaman ito. Everyone became more and more curious. Pero ng makitang nakasimangot ang lalaki na nakatingin sa isang babaeng maganda pero halata sa hitsura nito na ordinaryong mamayan lang ay naawa ang mga ito sa babae.
Iba-iba ang mga katanungan ang namumuo sa isipan ng mga nanunuod na mga tao.
"Naku! Mukhang galit ang mayamang lalaki sa babae. Kawawa naman, maganda pa naman sana."
"Mukhang bagong salta ang babae. Baka hindi nito alam ang kalakaran ng Palan."
"Hindi ba nito alam na daig pa nitong nagpakamatay kung may ginawa itong kasalanan sa mayamang kagaya ng lalaki na iyan?"
Ilan lang ito sa mga bulong-bulungan sa paligid. Hindi napigilan ni Brynna na mainis. Iba na talaga pag mayaman. Lahat ng tao ay may takot saiyo.
"Are you okey?" Hindi nakaila kay Bryan hitsura ng bunsong kapatid.
"I'm fine. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"
"Nagtatanong ka pa?" Bahagyang tumaas ang boses na sabi ni Bryan na narinig naman ng mga tao sa paligid kaya mas lalong naawa ang mga ito kay Brynna. Pero walang kahit isa ang nakialam.
Balewala naman kay Brynna ang ipinakitang galit ng kapatid. Ngumiti pa ito ng magsalitang muli, "tapos na akong mamili. Can you give me a ride home?"
Laglag ang balikat na tumango si Bryan. Ni hindi man lang nagpakita ng takot ang kapatid sa kanya. Kung kay Byron niya ginawa iyon ay kahit paano ay may epekto pero sa isang ito ay wala. May lakas loob pa na ngitian siya.
Namangha ang mga tao sa paligid ng ngitian ng magandang babae ang mayamang lalaking galit. Ni hindi ito nagpakita ng takot. At ang laking ikinamangha ng lahat ay ang hitsura ng lalaking parang talunan na inalalayan ang magandang babae pasakay sa magarang karwahe nito. Iisa lang ang nasa isip ng mga naroroon. Sino ang magandang babae?
Ang lahat ng iyon ay nasaksihan ni Daniella at ng kasama niyang si Letty. "Danny, kilala mo ba ang lalaking iyon?"
Wala sa loob na umiling si Daniella sa tanong ng kaibigan. Ang lahat ng mga pinamili ni Brynna ay papuntang WingedShadow Manor. Hindi kaya isang Lancaster ang lalaking iyon? Hindi kaila sa mga taga Palan na may dalawang anak na binata ang Duke at Duchess. The Lancasters seldom visit Palan. And if they does, only the higher echelon of society see them. Kahit ang pamilya ni Daniella ay hindi kabilang sa mga mayayamang iyon. Something fishy going on. And she intended to find out right away.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasíaLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...
