Isa sa mga nakakulong sa lugar na iyon ay si Pan, isang Were. Nag-iisa ito sa loob ng silda at nakatuon ang buong atensiyon nito sa dalawang maglalaban. Kilala niya ang lalaking elfo na siyang makakalaban sa mukhang anghel na babae. Parehong maganda ang anyo ng dalawa ngunit kilala niya ang lalaking hybrid na elfo, ito ang masterpiece ni Master Andracus, malupit ang hybrid kagaya ng master nito. Lagi niya itong nakikita sa tabi Master Andracus. Duda siya na mananalo ang anghel, pero kanina lang ay nasangga nito ang water bullets ng kalaban na walang kahirap-hirap at isa pa hindi niya naramdaman na gumagamit ng kapangyarihan ng elemento ang babae. Bilang isang Were, ay mahirap siyang tablan ng kapangyarihan ng elemento at nararamdaman niya paggumagamit na ng mahika ang isang mage. Kanina ay sigurado siyang hindi nabago ang alin man sa apat na elemento sa paligid ng anghel. Sana manalo ito, dahil ito nalang ang pag-asa niyang makalabas ng buhay sa impyernong lugar na ito.
Ang tinutukoy ni Pan na anghel ay walang iba kundi si Tara.
Nararamdaman ni Tara ang unti-unting paglakas ng kapangyarihan sa paligid, kasabay din niyon ang pagbaba ng temperatura sa loob ng kuweba. Ang sentro niyon ay ang elfo. Alertong pinagmasdan ito ni Tara. Gustong tingnan ni Tara kung gaano kalakas ng kapangyarihan ng elfo, kung mas malakas pa ba ito sa isang Orokind.
Itinaas ng elfo ang dalawang kamay sa harapan. Wala pang isang segundo ay may lumitaw na isang bilog na tubig. Naging dalawa, tatlo, apat, hanggang sa umabot iyon nang sampu. Lumulutang paikot ang bolang tubig palibot sa lalaki. Palakas ng palakas ang kapangyarihang bumabalot sa palibot na lugar.
"Ipaparamdam ko saiyo ang lakas ng aking kapangyarihan, malas at ako ang nakaharap mo! Ang kamalasang ito ay walang ibang masisisi kundi ang kapalaran mo." Mayabang na sabi ng lalaki.
Hindi ito masisisi ni Tara. Kumpara nga naman sa ibang mages sa buong Elvedom na kakilala niya, base sa lakas ng kapangyarihan ng elemento palang sa paligid ay maikukumpara ang kapangyarihan ito sa ama ng kaibigang si Bree na isang EarthMage. Hindi nga lang niya alam kung sakaling maglalaban ang dalawa kung sino ang uuwing talunan.
Mula kaninang nag-handa ang elfo ay iilang segundo palang ang lumipas. Palakas ng palakas ang kapangyarihang bumabalot sa paligid.
Itinaas ng elfo ang isang kamay at habang ginagawa ito ay palakas ng palakas ang ikot ng mga bolang tubig na nakasuspinde sa hangin. Iginalaw ng lalaking elfo ang kamay at parang may mga isip ang bolang tubig na sumunod dito. Sa isang kisapmata ay halos isang nasa harapan na agad ni Tara ang umiikot na bolang tubig. Sa bilis ng pagdating ng mga bolang tubig ay hindi agad mapaniwalaan ni Tara.
"Ang bilis!"namamanghang sai ni Tara.
"Water Bomb explode!" biglang sigaw ng lalaking elfo.
Nanlaki ang mga mata ni Tara sa narinig. "Water Bomb?" tanong ni Tara sa isip. Hindi pa man natapos ni Tara ang tanong sa isip ay nararamdaman nalang nito ang biglang uminit ang kanyang paligid.
Gaano man kabilis ng mga pangyayari, kahit ang tanging sandata ni Tara na hawak ay dalawang espesyal lang niya na patalim, hindi pa rin iyon sapat para magpanic si Tara. Kahit pa medyo nagulat at well, aaminin niya na medyo sumobra ang bilib niya sa sarili, ganun pa man ay likas na ugali ni Tara na laging handa. Likas na matalas ang pakiramdam ni Tara, maliban sa mga kaibigan at iilang kakilala ay wala nang iba pang pinagkakatiwalaan, lalo na at buhay niya ang nakataya. Pumasok siya sa underground cave na iyon upang makikipaglaban, kaya paanong hindi siya nakahanda sa mga sitwasyong kagaya nito?
Habang ang isip ni Tara ay puno ng katanungan, ang kamay nito na may hawak na patalim ay mabilis na gumalaw. Kung mabilis ang pagdating ng water bomb, mas mabilis ang patalim ni Tara na itinapon nito patama sa bolang patungo sana sa likuran niya para palibutan siya at kung nagkataon ay wala siyang malalabasan. Hindi tanga si Tara para payagan iyon. Sapol ang dalawang water bomb, para iyong plastic na puno ng tubig na nabutas. Walang tunog sa pumutok ang tubig. Pero dahil dalawa lang ang patalim ni Tara kaya may walo pang natirang water bomb. Huminto si Tara ilang metro mula sa kinatatayuan kanina.
Nakakabingi ang sabay-sabay na pagputok ng walong water bomb. Ang lakas ng pagsabog ay umabot kahit sa kinaroroonan ni Tara. Mabilis na umatras si Tara. Ang lugar kung saan kanina nakatayo si Tara ay may malaking butas na pumalit doon at may mga mala crystal na tumutusok na nakasentro sa mismong kinatatayuan ni Tara. Walang duda na kung hindi agad nakaalis si Tara ay butas-butas na sana ang kanyang katawan. Walang dudang matatalim ang bawat crystal dahil ang sahig ng kuweba ay gawa sa batong itim, kahit hindi sigurado si Tara kung anong klaseng bato ang sahig ay alam niyang hindi iyon gawa sa ordinaryong bato.
"Good water manipulation!" may halong paghangang isip ni Tara.
Kaya napahanga si Tara dahil napag-alaman ni Tara na ang tanyang na University of Elemental Mages sa Quoria ay hindi kasing lawak ang kaalaman tungkol sa kapangyarihan ng elemento kung ikukumpara sa ibang unibersidad na nasa ibang kontinente.
Napakunot noo si Tara nang makitang may nakakalukong ngiti na namutawi sa labi ng lalaking elfo na mas lalong nagpapaalerto dito.
Noon napansin ni Tara na ang mala crystal na nakatusok sa bato ay unti-unting natutunaw at may lumalabas na usok mula sa crystal.
Ibig sabihin niyon ay mula sa bolang tubig ay naging crystal na patalim saka naging usok. Liquid-solid-gas. At sigurado si Tara na kasama ang usok. Kung hindi lason, malamang asido o ang mas malala pareho.
At hindi nga nagkakamali si Tara. Maririnig sa paligid ang tunog nang unti-unting pagkasunog ng itim na batong sahig. Hindi kagaya ng karaniwang usok, ang usok na nagmumula sa crystal ay mabilis na kumalat kahit walang malakas na hangin sa kuweba. Parang may isip na kumalat iyon ng mabilis hanggang sa inabot nito ang mga kulungang gawa sa malalaking bakal. Nagmistulang papel na mabilis na nilamon sa apoy ang malalaking bakal na kulungan ng daanan iyon ng usok. Takot na umatras ang kakaibang nilalang na nasa loob ng kulungan. Matangkad at maskulado ang mabalahibong katawan nito na parang isang kapre pero anyong tao ang mukha nito. Nagpatuloy ang asok sa pagkalat. Humanda para lumaban ang kakaibang nilalang ngunit anong panama nito sa usok? Nanghihilakbot ito ng makitang unti-unting kinakain ang katawan nito hanggang kahit buto ay walang natira dito. Ang masaklap, patuloy ang usok sa pagkalat.
Nang makita ito ng ibang nakakulong na nilalang sa kuweba ay nagsimulang nag-ingay at pilit na hinihila ang bakal na rehas. Nasa mukha ng mga ito ang labis na takot.
Note:
Busy si author guys. Kaya PM me nalang kung may mga typos. maraming salamat sa paghihintay!
![](https://img.wattpad.com/cover/59075275-288-k228145.jpg)
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...