Nang makaalis ang mag asawa ay saka lang nagtanong si Tempest.
"Lola, sino po ang mga taong iyon?" Ang tinutukoy ni Tempest ay ang mga taong nasa gate kanina.
"Mga kakilala ng lolo mo. Pero hindi na ito importante. Ano nga pala ang nangyari sa meeting?" At sino itong isa pang kasama ninyo?" Halatang umiiwas ito.
"Sorry po. Si Brynna at Tarieth po." Si Seregon ang sumagot.
Mukhang nakalimutang ipinakilala ng mag-asawang Lancaster ang anak, akala siguro ng mga ito na kilala na ng mag asawang Strongbow si Brynna.
Nagulat man ang lola ni Tempest sa sinabi ni Seregon ay hindi nito iyon ipinahalata. "The three of us have been given a chance to fight for the Duel and Markings." Patuloy nito.
"Hmmnn...that's good. Tatlo? Sinong tatlo? At sigurado na ba talaga kayo?" Muli ay tanong ng Commander.
"Opo. Ako, si Tempest at Brynna. Sigurado na po kami." Muling sagot ni Seregon.
"I will fight as well." Sabat niya.
Noon lang siya napagtuunan ng pansin ng Commander, napakunot noo ito. Pagkatapos ay namilog ang mga mata. "Mukhang puno ang araw na ito ng surpresa." Ang sabi.
"High Lord." Tawag pansin ni Tarieth kay Firen. "Gusto ko rin po sana na kagaya nila Tempest ay lumaban sa Duel at Markings."
"Tarieth hija, alam mo naman siguro na ang kakayahan ng mga kaibigan mo. Mga bata---"
"She is Tarieth Yaxeni Maranwè Narmolanya. Ang aking lola ang kanyang tagapagturo. Si Lady Kesiya. Si Master Drakon Strongbow at Master Herone ang kanyang mga combat masters. Tingin mo Firen hindi kakayanin ng kaibigan ko ang simpleng pagsubok?" May kalakip na hamon ang boses ni Karess ng magsalita.
Kulang nalang malaglag ang panga ng mga nakaharap sa sinabi ni Karess.
"Surprise!" May pagka awkward pa na sabi ng pasaway na pusa. Pagkatapos ay hinarap siya. "I'm sorry Tara. I don't think it's wise to hide it."
Pinagmasdan niya ang mga mukha ng mga taong naroroon. Ang kaibigang si Brynna na siyang kauna-unahang nakasama niya. There was understanding in her eyes. Then Tempest. Nagulat man ay mukhang may hinala na rin ito. And Seregon. Sari-saring emosyon ang nagsalimbayan niya sa mukha nito. There was confusion, bewilderment and betrayal.
Binigyan niya ng pagkakataong makapag-isip at mag sink in dito ang nalalaman.
The room was covered in silence. It stretch for a few minutes hanggang sa marinig nila na tumikhim ang lolo ni Tempest.
"Well, ang sabihing nakakagulat ay kulang sa mga narinig namin. But bago pa man ang lahat ay may gusto lang akong klaruhin Tarieth, hija."
Napatingin siya dito. Bahagyang tumango.
"Tama ba ang narinig na sinabi ni Karess na Narmolanya ang iyong blood name?"
Tumango siya dito bilang pagsang ayon.
"Sana wag mong mamasamain ang mga tanong ko hija. I' am responsible of guarding the lives of the king and queen. So, would you mind telling us about yourself and where you came from?" Pakiusap nito.
"I am called Tarieth Yaxine Maranwè Narmolanya. Elveden was my home for six years, I was raised by Queen Erythrina and and Princess Myfanwy. At the age of six, I was sent to Lasang, under the tutelage of Lady Kesiya, Karess grandmother, until my tenth birthday, then, I was asked to leave Lasang."
"Why?"
Napalingon silang lahat ng biglang magtanong si Commander ViticiPrema.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...