Sixty one: Sola

4.7K 171 8
                                        

This is the lost chapter about Brynna.  Sorry guys.  Each chapter kasi nilagyan ko ng title kung kaninong story sa apat halimbawa  Brynna1, Brynna2... Nakalimutan kong ito pala ang dapat na e publish ko.   Pinapalitan ko nalang siya ng title at kung anong chapter pag ipublish ko na siya.  Sa dami ng chapters na di ko pa na publish at that time nawala ako. Hehehe. 

Magaan ang loob ni Brynna ng umalis sa palasyo.  Naroon pa rin sa labas ang mga tao kanina pero hindi na ganun ka dami.  Nang makita si Brynna ay nagtakbuhan ang mga ito na lumapit pero bago pa ito makalapit ay tumayo sa harapan ni Brynna si Bryan at Brandon.

"Pumunta kayo sa Manor ng mga WingedShadow, hihintayin ko kayo doon para gamutin.  Dahil papaalisin tayo dito." nakangiting sabi ni Brynna sa mga ito na pilit pinapaalis ang dalawang higante sa harapan.  Pero kahit hindi siya nakikita ay narinig naman siya ng mga tao kaya, halos lumuhod ang mga ito sa pagpapasalamat.  Sumakay si Brynna sa karwahe at umalis kasama ang mga kapatid at tiyuhin.

Pagdating sa Manor ay si Bryan mismo ang nagbigay alam sa mga katulong at ni Mr. Gilbert na maghanda dahil dadagsain sila ng mga bisita.  Nang malaman iyon ng mayordomo ay agad na nagpaluto ng maraming pagkain.  Gamit ang isang silid sa Manor ay doon gagamutin ni Brynna ang pasyenteng darating.  Hindi pa man lumipas ang isang oras ay dumating sa labas ng gate ng Manor ang mga tao kanina sa palasyo.  Pawisan at malikabok ang hitsura ng mga ito.  Magalang na nagtanong ang nakabantay sa gate.

"Ginoo, pinappunta kami dito ng magandang binibini para gamutin ang aming sakit." kahit may bahagyang takot na paalisin sa tagabantay ay naglakas loob ang matandang babae na magsalita.  May humigit kumulang trenta ka tao ang naroroon sa labas ng gate.

Nagkatinginan ang dalawang guwardiya saka nagsalita ang isa.  "Saglit lang po Manang, itatanong lang po muna namin sa loob." sabay alis ng isa, habang ang isa ay naiwan.

Kahit ganun ang sagot ng guwardiya, kahit paano ay nabuhayan naman ng loob si Aling Lucia.  Ang mahalaga ay hindi sila agarang pinalayas.  Kaya nagtiis na naghintay sila doon kanina sa labas ng palasyo ay dahil nakitang niya ang kapangharihan ng dalagang gamutin ang isang matandang lalaki.  Kahit konting galos ay walang naiwan sa balat ng matandang lalaki na katabi lang ni Aling Lucia.  Sinabi din nito na pati ang pananakit ng katawan at mga buto nito ay nawala.  Kaya kahit umalis ang iba ay nagtiis talaga si Aling Lucia.  Matagal ng nanakit ang kanyang lalamunan.  Lumalaki na rin ito.  May konting napag-ipunan na pera si Aling Lucia na dala para ibayad sa pagpapagamot.  Dasal nito ay sana hindi maniningil ng malaki ang magandang dalaga kanina.  Lalo na at mayaman ito base na rin sa laki at rangya ng bahay. 

Maya-maya lang ay bumalik ang kasamang guwardiya na pumasok sa loob.  Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay binuksan ang malaking gate at pinapasok ang mga tao sa labas.  Daig pa ang mga tutang nahihiyang pumasok ang mga ito sa loob ng gate.  Habang papalapit ng papalit ang mga ito sa loob ng bahay ay mas lalo namang nag-aalangan ang mga ito na pumasok lalo ng ng matiyak na Manor iyon ng WingedShadow dahil naroon sa pintuan nakatayo ang kilala nilang bulto.  Ang Mayordomo na si Mr. Gilbert.  Ang Mayordomo ng mga WingedShadow.

Habang pinagmasdan ni Mr. Gilbert ang may trenta siguro ka taong papalapit ay hind pamigilang maawa ito.  Naintindihan niya ang nararamdaman ng mga ito.  Nahihiya ito at natatakot din kaya bago pa may magsalita ang mga ito ay inunahan na ito ni Mr. Gilbert.  "Welcome to WingedShadow manor!  Ipinagbilin kayo sa aking ni Lady Brynna.  Dahil hindi maaring tingnan niya kayo lahat ng sabay-sabay kaya habang naghihintay ay doon tayo sa hardin."  pagkatapos yumukod ay sumnod ang mga ito kay Mr. Gilbert.  Sa hardin ay may mga mahahabang upuan na naroroon.  May malaking lamesa din doon na puno ng pagkain.

"Lahat kayo ay bibgyan ng numero." sabay sinyas sa isang katulong na agad namang namigay ng papel na may nakasulat.  Ang problema, ang iba ay hindi marunong magbasa, kaya ang ginawa ay sinabi muna ng katulong kung anong numero ang ibinigay nito para kahit hindi marunog magbasa ay alam nito.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon