One: Goodbye

8.1K 239 4
                                    

House of Anvamanwe
Quorian Palace
Mage Era 501
Harvest Moon

Nakakabasag ang katahimikan sa palasyo. Mahigit kalahating oras na ang nakalipas ng ipatawag ng mahal na haring Camthaleon ang healer at ang midwife ng palasyo. Nababalot ng proteksyon ang buong kwarto. Sinisigurado ng hari ang kaligtasan ng kanyang mag-ina. Walang sino man ang pinapayagan na pumasok sa loob ng silid kung saan kasalukuyang nanganganak si Reyna Nienna Anvamanwe, tanging ang unang tagapayo nang hari na si Firen Strongbow, ang asawa nitong si Commander General ViticiPrema Strongbow ang midwife at tatlong MageHealer.

Nahihirapan man sa panganganak si Reyna Nienna ay masaya ito. Maraming tao ang naghihintay sa labas ng palasyo. Kahit sa Rukai City, ang mga tao ay excited malaman kung ano ang kasarian ng anak ng reyna lalo na at ito ang unang anak ng hari at reyna na siyang maging tagapagmana ng trono.

Lingid sa kaalaman ng lahat na nasa labas may ibang tao pa sa loob ng silid. Limang Elfo ng Elveden. Ang Elveden ang kaharian nang mga Elfo. Hindi ito mga karaniwagn elfo lamang, ito ay mga BattleElf. Matatangkad, puno nang pinta ang mga mukha at katawan nang mga ito. Ang mga elfo ay may mga maamong mukha at kahumahumaling ang ganda. Pero ang limang ito ay mga gwapo pero may kung anong bangis sa hitsura at aura ng mga ito. Walang makikitang emosyon sa mga mukha maliban sa pinakapinuno na siyang kumausap sa hari. Hindi nagtagal umalis din ang lima. Nasa tabi ng reyna ang hari, inaalo ang umiiyak na asawa hawak-hawak ng babae ang umiiyak na bagong silang na batang lalaki. Makikita ang magkahalong lungkot at galit sa mukha ng hari. Ngunit walang magawa ang mga ito. Kagustuhan nang Imperatris na si Erythrina Maranwé Narmolanya nang Elveden ang masusunod.

Lasang

Nagising si Tarieth ng may naramdaman itong ibang presinsya sa paligid, on instinct she raised her right arm na may hawak na patalim, nasangga nito ang espada na patungo sana sa kanyang leeg at buong lakas na itinulak ito palayo sabay tadyak ngunit nakailag ang may hawak ng espada na ngayon ay isang dipa ang layo mula sa kanya. Agad na tumayo si Tarieth.

"Good reflex Tarieth," ayon sa lalaking Elfo.

"Master Dracon!" gulat na bulalas ni Tara sa matangkad na lalaking Elfo. Kulay mais ang buhok nito. Matangos na ilong, kulay berdeng mga mata na binagayan ng malalantik na pilikmata. At kahugis ng pana ni Tarieth ang mapupulang labi nito.

Gaya ng karamihan sa mga elfo nakakasilaw ang kagwapuhan nito. Pero hindi mo gugustuhin na matuon ang mga mata nito sa iyo dahil gaano man ito ka gwapo, hindi mo nanaisin na magpapansin dito. Master Dracon exudes a powerful aura. Bawat galaw ng katawan nito ay mahahalata mo na mapananib itong nilalang. A predator.

"Natutuwa ako at hindi mo kinalimutan ang mga itinuro ko sayo. Pinapatawag ka ni Lady Kesiya kaya ako nandito para sundin ka. Alam kong pagod ka sa iyong pag sasanay pero kailangan mong puntahan siya ngayon din." anito at nagpatiuna ng naglakad.

"Sige susunod ako." Sagot pa rin ni Tara gayong nilayasan na siya ng kausap.

Ibinalik ni Tarieth ang patalim, gawa ito ng isang master smith na Elfo na si Thuros, ang pinakamagaling na smith sa buong Lasang at Elveden. Si Master Drakon ay isa sa walong tagabantay ni Lady Erythrina at ang combat master niya.

Nasa ilalim ng punong Banyan si Lady Kesiya ang Spinx na namumuno sa Lasang. Ang katawan nito ay leon ngunit ang mukha nito ay babae. Naka suot ito ng salamin. Hilig nito ang magbasa. Napakatalino nito gaya ng mga elfo at matalinghaga itong kung magsalita.

Sa pagkakaalam ng mga tao ang Lasang ay pinamumunuan ni Lady Erythrina ngunit ang hindi alam ng mga ito na ang Lasang ay isang gubat na kung saan nakatira ang iba't-ibang klaseng nilalang gaya ng Kapre na siya ring nagsilbing guardian sa Lasang, dewende, river nymph at iba pa. Ngunit ang totoong namumuno dito ay si Lady Kesiya.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon