Forty-eight: Orokind

4.1K 192 44
                                        

He couldn't believe what he saw. He remember hazily the woman the other day. Nakasalubong niya ito sa palasyo ni Princess Olivia. Nakita niya ang naggagandahang tela na nasa paanan ng truno kaya napaghinuha niyang isa itong clothier. Kahapon pa niya napansin na sinusundan sila nito. Pero dahil mukhang nagmamasid lang naman ito kaya hinayaan niya pero binabantayan niya ito.

Matagal na siyang naninilbihan kay Princessa Olivia. He was on a mission and his mission brought him in Baltaq. When he heard news that the princess needed guards he offered his services. Which leads him here, the underground Oretse looking for the monster who killed many landlords and slaves already.

Noong una, paunti-unti lang ang nawawalang alipin.  Binaliwala iyon ng landlord. Sa Baltaq hindi pa nangyaring may tumakas na alipin. Ito ay dahil sa kahirapan sa Oretse. Walang alipin ang magnanais na bumalik doon gaano man kahirap ang trabaho ng isang alipin. They will give their soul to their master rather than live underground.

Pagkaraan ng ilang araw ay may natagpuan na naman silang patay, tatlong alipin na ang tanging natitira ay ang ulo at mga putol-putol na parte ng katawan. Akala naman ng mga Baltaki na isang away ng magkatunggaling landlords lang. Pero sa pangatlong pagkakataon ay apat na alipin at isang landlord ang naging biktima ng halimaw. The monster leave enough traces that the people of Baltaq was finally convinced of the truth that was there all along. There was a killer in their midst. A monster. And they wanted it dead at all cost. Natakot na ang mga ito. Ayaw ng hari na matakot ang kinasasakupan nito kaya mabilis na ipinahanap ang halimaw at nagbibigay din ito ng malaking pabuya kung sino man ang makakapatay ng halimaw. Ang unang halimaw na napatay nila ay may higit pa sa anim na talampakan ang taas. Malaking mangangatawan at matutulis na ngipin. Maraming kasamahan niya ang napatay nito pero sa tulong ng mga kasama niya ay napatay nila ito.

They were a richly rewarded, but two days after they killed the monster, another victim was found. It was another slave. The bone was picked clean of meat. It's either the monster was hungry or there are more of them.   Simula sa araw na iyon ay puspusan ang paghahanap nila sa halimaw. Marami na rin silang napatay pero sa bawat isang mapatay nila, may isa na namang lumalabas. Mukhang natutoto na ang mga halimaw dahil sa nakalipas na linggo ay hindi nila mahanap ang mga ito. Kailangan niya ng resulta para hindi magalit ang prinsesa kaya narito sila ngayon sa pinakailalim ng tunnel. But no one could prepare then for what they saw.

Pero kahit nagulat ay ang babaeng hindi nakilala ang agad na naisip. Napamurang mabilis na lumapit sa babaeng nakaawang ang labi sa nasaksihan at tinakpan ang mga mata nito. Ang hindi niya napaghandaan ay ang walang takot na pagharap nito sa kanya at...

"Reavel..." Halos pabulong na sambit ng babaeng kaharap. Nahigit ni Raevel ang hininga. His inside twisted.   This could not be!   But the ethereal face in front of him is a real thing. Wala sa loob na itinaas ni Raevel ang kaliwang kamay sa mukha ng babaeng kaharap at maingat na hinaplos iyon. It was smooth as satin and warm. Kahit madilim ay nakikita ni Reavel na ang mga matang nakatitig ngayon sa kanya ay kulay berde. At kagaya niya naroon ang pagkagulat sa mga matang iyon.

"Tempest..." Wala sa loob na lumabas iyon sa bibig ni Reavel.

Nang marinig ni Tempest ang pagbanggit sa sariling pangalan ay natauhan ito ay mabilis na tinakpan ng kamay ang bibig ni Reavel. Itinulak ito ni Tempest patago sa dingding na bato pero nakalimutan ni Tempest na nakahawak pala ito sa kanya kaya nahila siya at muntik ng mapasubsob sa katawan nito. Mabuti nalang at maagap ito at tinulungan siyang magbalanse. Nang mahimasmasan ay noon lang naging aware si Tempest na ang sariling mga kamay ay nakatakip pa rin sa bibig ni Reavel.  Hindi man sinasadya ay naramdaman ni Tempest ang lambot niyon sa kanyang palad. She could actually feel the heat of his breath. And she was also aware how her body was pressed with his rock hard one. Something hot inside her run from the pit of her stomach going down to her core. It was a feeling she never felt before. And it scared and thrill her at the same time.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon