Eleven: Selection

5K 192 17
                                    

Lasang

Natapos na ang labanan pero nanatili pa rin ang mga nilalang na naninirahan sa Lasang sa kanilang kinaroroonan. At patuloy na nanunood sa nangyayari sa labas ng kanilang mundo.

Tiimbagang na pinapanood ni Master Herone ang batang si Tarieth habang patuloy na umiiyak.   Sa di kalayuan ay naroon din ang mga magulang ng batang si Furax.  Mourning the little guardian warrior's passing. 

Pinagmasdang mabuti ni Master Herone ang batang may maitim at mahabang buhok.  She must be a friend of Tarieth.  Kung paano nangyari iyon ay hindi alam ni Master Herone.  Sana nga makatulong ang batang may maitim na buhok kay Tarieth.  Sana mas malalim ang pagkakaibigan ng mga ito kagaya ng pagkakaibigan nina Tarieth at Karess. 

Noon lang naalala ni Herone si Karess.  Hinahanap ng kanyang mga mata ang batang spinx.  Natagpuan niya ito sa tabi ni Lady Kesiya.  Kagaya niya ay naapektuhan din itong masyado sa pangyayari.

Gumalaw ang buntot ni Lady Kesiya at sa isang iglap ay nawala ang bintana sa mundo ng mga tao pumalit doon ay ang mga halaman at puno na parte ng Lasang. 

"Hayaan nating harapin ni Lady Tarieth ang kanyang kapalaran.  Bumalik na kayo sa inyong mga tahanan."  Tumalima naman ang mga naroroon.

Nanatili saglit si Master Herone sa kinatatayuan pero umalis din siya.  Tama si Lady Kesiya.  Panahon na para harapin ng batang si Tarieth ang kapalaran nito.  But how he wished nasa tabi siya nito.  There is no one more worthy of his protection.

Rukai City, Quoria

"Wow! Ang ganda pala ng Rukai." Bulalas ni Brynna habang ang mga mata ay iginala sa bawat nadadaanan na lugar. 

Hindi masisi ni Tarieth ang kaibigan.  Kumpara sa nadaanan nila na mga lugar.  Rukai seems a paradise.  Pero dahil lumaki siya sa Elvedom kaya ordinaryo nalang sa kanya ang nakikita sa Rukai. 

Masasabing  payak ang pamumuhay sa Brun kumpara sa Quoria.  Dito nagpapaligsahan sa laki ang mga bahay na gawa sa bato at may malalaking gate na gawa sa bakal.  Cobblestone

rin ang daan mula ng umapak sila sa Rukai city

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

rin ang daan mula ng umapak sila sa Rukai city.  Nakahanay ang posteng gawa sa bakal sa magkabilaang gilid ng daan at may nakasabit na halamang namumulaklak at sa pinakadulo ng poste ay mga globe light.

"Lady Brynna, deretso po ba tayo sa Selection Temple?" Tanong ng nagmamaniho sa kanilang karwahe.

"Opo.   Pakibilisan lang po.  Late na po tayo.  Dapat noong isang araw pa tayo nakarating, mabuti nalang at narito na tayo ngayon."

"Tingin mo ba makakaabot tayo Bree?  Tanghali na." Tanong ni Tara.

Nagkibitbalikat ito.  "Sana.  Ang sabi ng papa na Firesday ang selection sa mga taga La Fun." 

Sa dami ng tao ay unti-unting umusad ang mga karwahe sa daan.  "Bakit kaya ang daming tao?  Market day ba ngayon sa Rukai?" tanong ni Brynna.

"Hindi, pero mukhang may paparating na mga dugong bughaw.  Nakita mo yong mataas na prosisyon?"  Sabay turo ni Tarieth sa kanilang unahan.  "Yan ang rason kaya mabagal ang usad natin.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon