Fifty-nine: King Agathus

4.8K 249 39
                                        

Seven days more to go.
Maagang nagising si Brynn kinabuksan.  Akala niya ay siya ang pinakaunang nagising pero pagbaba niya ay nagkakamali siya.  Naroon na sa hapagkainan ang kapatid at ang kanyang Uncle Brandon. 

"Hija, good morning!  Come here, have breakfast with us." Aya ni Brandon na tumayo ng makita si Brynna.  Pero ang kapatid na si Bryan ang nanatiling nakaupo.  Mukhang inaantok pa ito.

"Good morning Uncle, Bry." Sabay halik sa pisngi ni Brandon at Bryan.  "Long night Bry?" Tukso ni Brynna sa kapatid kahit alam nito ang dahilan kung bakit mukhang inaantok pa ito.  Binabantayan siya nito. 

"Brat!" Bulong ni Bryan na narinig naman ni Brynna kaya napahagikhik ito. 

Hindi naman napigilan ni Brandon na mapangiti sa dalawa.

Pagkaupo ni Brynna ay mabilis na inasikaso ito ng katulong.  "Salamat Miss Belle." Pasalamat ni Brynna sa katulong na nagsilbi dito. 

Hindi naman mapigilan ni Belle na mamula sa narinig na pasasalamat ni Brynna dagdag pa na naalala nito ang pangalan niya gayong napakaraming katulong ang naninilbihan sa Manor. 

Hindi rin mapigilan ni Mr. Gilbert na bumilib sa dalaga at ipagmalaki ito.

"Bree, nasabi ng mama na magtatayo ka daw ng healing house?"  Tanong Bryan.  Tumango naman si Brynna.  "Alam mo ba na may mga darating healers sa iba't-ibang panig ng daigdig sa Palan ngayon araw na ito?"

"Bakit daw?" Nagtatakang tanong ni Brynna.

"Lumala kasi ang sakit ng hari.  Isang linggo na ang nakaraan na si Rupert na ang gumagawa ng tungkulin ng ama nitong hari."

"Bakit galing sa ibang lugar ang healers?  Wala bang HealerMages ang Palan?" Nagtatakang tanong ni Brynna, pero kinutuban na ito.

"Wala.  Ilang HealerMages na ang sumubok na gamutin ang hari pero bigo ang lahat na mapagaling ito.  Habang tumatagal ay wala ng matitinong HealerMage ang Palan.  Kaya natuwa ako sa desisyon mo sis."

"Bakit hindi tayo magpunta?" Mungkahi ni Brandon.  "Hija, isa kang magaling na HealerMage,  bakit hindi mo subukang gamutin ang hari?  Kilala ko si haring Agathus mabait at matulungin ito sa mga mamamayan ng Palan.

"Magandang ideya yan Uncle!  Diba gusto mong makilala ang hari at reyna?  Dahil ayaw mong ipakilala kitang kapatid kaya ipakilala nalang kitamg isang HealerMage.  Siguradong hindi tatanggi ang hari.  Ano sa tingin mo Bree?"

"Sige."  Sang-ayon ni Brynna.  May pitong araw nalang siya.  Bakit hindi niya gamitin ang pagkakataong ito?  Pagnapatunayan niya na walang impluwensiya ang HighKing sa mag-asawa ay  makakahinga na siya ng maluwag.  Pero maliban sa mag-asawa ay kailangan din niyang makaharap ang dalawang anak ng mga ito.

Sa palasyo ay maraming taong naghihintay na makaharap ang hari at reyna o kahit makapasok man lang sa palasyo.  Kumalat kasi ang balitang may darating na mga HealerMages sa Palan.  Kaya karamihan ng mga kamag-anak ng maysakit ay nagpunta din doon para kuhanin ang serbisyo ng isang HealerMage para gamutin ang kamag-anak. 

Magkasama sina Brynna, Bryan at ang tiyuhin ng dalawa na si Brandon patungong palasyo. 
Pagdating ay napansin ni Brynna na maraming sundalong nagbabantay sa malaking gate ng palasyo.  Siksikan din ang mga tao sa labas ng gate.  Nang huminto ang karwahe na sinasakyan nina Brynna hindi kaagad siya pinalabas ng Uncle Brandon nito.  Nang makita ng mga sundalo si Brandon ay agad na lumapit ang mga ito.  May ibang galing pa sa loob na lumabas at gumawa ng daan para kina Brynna ng hindi naabala. 

Sa nakita ay napansin ni Brynna na dumilim ang mukha ng Uncle Brandon nito.  Halatang hindi nito nagustuhan ang ginawa ng mga sundalo.  Sa ginawa kasi ng mga sundalo ay maraming nasaktan kasi basta nalang siniko ang mga taong nadadaanan.  Ang hindi pa kaagad na nakakilos ay tinatamaan pa sa ng tadyak.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon