Fifty-four: Palan

4.8K 218 52
                                    

Kanina pa pinagmasdan ni Merlinda ang babaeng costumer. Sa tagal na panahon niya sa Palan at sa pag-aasikaso niya sa kanyang tanyag na Tea House ay ngayon lang niya nakita ang magandang babae. Kanina pa ito mag-isang nakaupo sa isang pang-apatang lamisa, mukhang may hinihintay. Pino at halatang aral ang kilos ng babae. Mahaba ang tuwid na buhok nitong hindi pantay ang pagkakagupit, mas maiksi sa harapan na hanggang panga at ang likod ay abot hanggang baywang nito. Sa bawat paggalaw ng ulo ng magandang babae ay sumusunod din na parang tubig ang buhok nito na sa sobrang itim ay akalain mong dark violet ang kulay. Kumikinang ang parang kwentas na nakapalibot sa ulo nito . Malalaki ang bilugang mga mata nito na kulay bughaw. Makapal na kilay at malalantik na pilikmata. Maliit ngunit matangos na ilong at perpektong hugis na labi.

Gaano man kaganda ng babae ay walang  naglakas loob na lumalapit dito o nagtangkang kausapin man lang ito. Iyon ay dahil sa suot na damit ng babae. Simple ang A-line green na mahabang damit nito. May mahabang manggas na masikip mula siko at maluwang pababa patungo sa pulsuhan. Pinatungan ito ng makapal na dark green na robang nakatayo ang kuwelyo. May gintong desinyo mula kuwelyo hanggang laylayan. Mas maiksi ang roba kaysa suot na damit ng babae. Isa itong tradisyunal na damit ng isang Mage noong unang panahon. At hindi lang iyon may nakasabit na kulay gintong kwintas sa leeg nito na hanggang dibdib na may pentagram na palawit na may iba't-ibang kulay na batong palamuti.

Patuloy na tahimik na nakaupo ang babae hanggang sa may pumasok na dalawang magkasing tangkad na lalaki sa loob ng Tea House. Parehong gwapo ang dalawa pero halatang mas matanda ang isa at mas pormal ang suot nito.   Ang isa naman ay halatang sundalo base na rin sa suot na uniporme nito. Palingalinga ang dalawa hanggang sa kinalabit ng nakauniporme ang kasama at itinuro ang kinaroroonan ng magandang dalaga.

Napahawak sa dibdib ang matandang lalaki ng makita ang magandang dalaga. Malalaki ang hakbang na nilapitan ito. Nagpaiwan ang kasama nito at hinayaan ang kasamang makalapit sa dalaga.

Napalingon at nagtama ang tingin ng dalawa at dahan-dahang tumayo ang magandang dalaga. Huminto ang lalaki di kalayuan sa babae at ibinukas ang dalawang kamay. Mukhang iyon lang ang hinihintay ng dalaga dahil patakbong lumapit ito sa lalaki at pumaloob sa mga bisig ng lalaki.

Hindi alam ni Merlinda kung sino ang dalawa pero nakakaantig damdamin ang nasaksihang tagpo. Napatingin si Merlinda sa mga tao sa loob, mukhang hindi lang siya nag-iisa sa nararamdaman.

Matagal ang yakapan ng dalawa na para bang ayaw bitiwan ang isa't-isa. Bumitiw lang ang lalaki upang pagmasdan ang babae at muli na naman niyong niyakap. Muling bumukas ang pintuan ng Tea House at tumambad doon ang isang pamilyar na babaeng may malaanghel na kagandahan kasama na nakaabresyete sa isang matangkad at gwapong binata. Mamahalin at magaganda ang suot ng dalawa. Parehong seryoso ang mukha na halatang nag-alala. Natigilan ito ng makitang may kayakap ang mayamang lalaki kanina. Inalis ng babae ang kamay sa pakakaabresyite sa binatang lalaki at lumapit sa mayamang lalaki.

Natutop ni Merlinda ang dibdib! Oh! Oh! Naku naman! Baka ibang babae ng lalaki ang katagpo tapos dito pa mahuhuling nagtagpo sa Tea House ko! Wag naman sana!

"B-bren?" Maririnig sa buong silid na tawag ng kararating na babae mula sa likuran ng lalaki. Lumingon ang lalaki at nakangiting inalis ang katawang nakaharang sa pagitan ng babae kanina at ng babaeng kakapasok lang. Napasinghap ang kararating na babae at naitakip ang dalawang kamay sa bibig sa sobrang gulat marahil.

"Mama!" Sabi ng isa at lumapit ito sa babaeng parang itinulos sa kinatatayuan. Tinanggal ng babae ang kamay na nakatakip sa bibig nito at itinaas ito patungo sa mukha ng magandang babae at parang hindi makapaniwalang hinaplos ang mukha ng babae habang walang humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata ng dalawa.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon