Hindi pa nagawang sumikat ang araw ay nakahanda na sina Tempest, Seregon at Tarieth kasama ang lima pang Pio's (pioneering student). Ang kanilang group leader ay nagpakilalang si Foylan, isang FireMage. Matangkad si Foylan ng dalawang pulgada kay Seregon at mas di hamak na malaki din ang katawan. Mahaba ang itim na buhok nito na nakatali sa likod ng ulo nito.
Unang kita palang ni Tarieth dito ay naramdaman na niya na mahalaga sa lalaki ang pagiging in control. His no nonsense attitude proves it. He expected everyone to follow his orders kaya iyon ang kanilang ginawa. Ang hindi lang nagustuhan ni Tarieth dito ay ang parang mas pinapaburan nito ang mga ibang kasama nila na malapit dito. At syempre pa si Seregon at Tempest.
Dahil mga students palang sila they are allowed to ride the landaire driven by an three AirMages of course. Napag-alaman nila na hindi basta-basta ginagamit ang landaire driven by ancient Falcon.
Sa himpapawid ay kitang-kita ni Tarieth ang nagtataasang kabundukan, lush green fields at wide lakes. Tarieth always like the feeling of flying. Para siyang isang ibon na nakawala sa hawla. It gives her a sense of freedom and peace. Pinagsawa niya ang mga mata sa mga tanawin sa ibaba.
Hanggang sa kapansin-pansin ang unti-unting pagbabago ng kulay sa kapaligiran. He further they went to the north, unti-unti din na naging puti ang paligid. Mountains covered with snow, mangilan-ngilan nalang din ang berde, karamihan ay wala nang mga dahon ang mga punong kahoy.
Dito mas maaga ang taglamig. Kahit ang hangin ay malamig na din. Kaya naman bago sila umalis ay pinagsuot na sila ng makakapal na damit.
All too soon ay namataan na ni Tarieth ang parang walang hanggang pader na humigit kumulang limampung talampakan ang taas at gawa sa bato. From where they are Tara have seen the wide parapet. Sa kapal ng pader may maaring dumaan doon ang landaire. Kitang-kita din ang mga sundalong nagpapatrol na paroo't parito. But that only because of her keen vision. She doubt kung nakikita ng mga kasama niya ang mga tao sa itaas ng pader.
The wall surrounded the vast field between the borders of Quoria and the unknown lands. Dahil nasa himpapawid sila kaya kitang-kita din ang nasa kabila ng bakod. Mula sa bakod ay may ilang metro din na wala kahit isang kahoy na nakatayo, it was all cut down, marahil para makita ang paparating na kalaban at wala itong mapagtataguan.
Beyond the wall is a forest, dark even in the morning light. Today is the first day of the Old moon. The forest beyond ay wala kang makikitang kahit isang kulay na berde, kitang-kita ang skeleton ng sanga. It made the forest looks foreboding.
Unti-unting bumaba ang landaire sa gitna ng malawak na lupain. May isang malaking gusali doon na pahaba at yari sa bato. Maliban sa malaking gusali ay may mangilan-ngilan ding mga maliliit na gusali doon. And a high tower. Mas mataas pa sa pader. A few kilometers kanina bago sila nakarating sa border ay napansin kanina ni Tarieth ang nadadaanan nilang kabahayan. It must be the nearest town, base sa lapit ng mga gusali at bahay.
Walang sumalubong sa kanila kahit maraming tao sa paligid, mukhang maagang nagsisimula ang araw dito kasi karamihan ay basa na sa pawis. May may mga sundalo rin na nag eensayo, may gumamit ng iba't-ibang sandata, meron din namang mano-mano ang labanan.
Ang gusaling iyan ay ang barracks," turo nito sa malaking gusali na may lumalabas na usok at ang kanilang patutunguhan. "Ang nasa kaliwa ay ang supply barracks at ang kasunod ay ang kwadra, armoury and infirmary turo nito sa iba pang maliliit na gusali.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 3 (Tarieth)
FantasyLumaki si Tarieth sa Elvedom, namuhay kasama ang mga elfo. Mula't sapol palang ay ipinaalam na sa kanya ng kanyang lola ang magiging papel niya hindi lang sa mundo ng mga elfo kundi sa mundo ng mga tao. Kaya naman bata palang ay puro na pag eensay...