Seventy-Eight: Lake Gamot

4.7K 170 12
                                    

Habang kumakain sa loob ng Shed si Tara, isang dalawang palapag na Inn sa Lake Gamot( Pronounced as Gah-moot) ay patuloy ito sa pagoobserba sa paligid gaya ng nakasanayan na nitong gawin. Maganda ang Inn, pakiramdam ni Tara ay wala siya sa Tuskan. Nakakapanibago ang lugar lalo na at ilang araw puro kalbong gubat at tigang na lupa ang kanyang nadadaanan.

Likas na sa apat na magkakaibigan ang mapagmatyag. Sa parte ni Seregon at Tempest kasi isa iyon sa turo ng lolo Firen at dahil na rin siguro sa palasyo maraming mapagkunwari. Samantalang si Brynna naman ay dahil walang kumakausap dito, iyon din ay dahil sa pagiging anak ng preserver kaya nasanay itong magmasid sa paligid. At si Tara, kasama na iyon sa training dito ni Master Dracon at Master Herone.

Nang maisip ang dalawa niyang Master ay hindi maiwasang makaramdam ng lungkot si Tara. Sobrang tagal na panahon na ang nakaraan mula ng huli niyang nakita ang mga masters niya at mga kaibigan sa Elvedom. Kailan na naman kaya niya muling makikita ang mga ito?

Nasa ganoong pag-iisip si Tara ng mapainsin nito ang isang binatang lalaki na papasok sa loob ng Shed. Matangkad ang binatilyo, may hitsura, mahaba ang buhok nitong nakatali sa likod. Kulay bughaw ang suot nitong roba ay may disenyong araw sa magkabilaang harapan. Napansin din ni Tara ang may isa at kalahating dangkal na hawakan ng isang espada na may kulay bughaw na bato. Kung hindi nagkakamali si Tara ay isa iyong blue hawk's eye. Blue hawk's eye is a rare gemstone. It might not be as expensive as diamond but it's close. And the most important about blue hawk's eye is that it is a MageStone. Meaning it can be a storage of mage power. Nalaman ni Tara ang tungkol sa mga MageStone nang mapapadpad sila sa ibang mundo, kung nasa mga kamay ito ni Tara ay maari niya itong lagyan ng kahit ano sa apat niyang kapangyarihan. Isa lang na klaseng kapangyarihan ang pwede ilagay sa isang MageStone, hindi pwedeng ipagsama ang dalawa, lalo na ang tatlo o apat na kapangyarihan sa elemento dahil kung hindi mababasag ang bato.

Maaring gawing kuwintas, singsing o kahit anong klaseng palamuti sa katawan ng isang mage ang MageStone. Putting the stone on a weapon works as well. A mage can call it's power during battle, during life and death situation it is very helpful. Marami pang gamit ang MageStone.

Hitsura palang, halatang isang mage ang lalaki. And if her summation is right, this huge man is a water mage. The blue robe could be one of the give away but the more solid proof is that Tara can feel the water element aura surrounding the man.

Tara was curious.

Sa Quoria ay kokonti lang ang lalaking WaterMage. At karamihan din sa mga ito ay mga healer. But this guy clearly is a warrior. And she winder if the guy knew about MageStone. Duda si Tara na alam ng lalaki ang tungkol sa MageStone, one in their right mind will put the blue hawk's eye as an ordinary ornament on their weapon.

Alam niyang hindi basta-basta ang isang WaterMage, lalo ang mga BattleMages na WaterMage. Baliw lang ang taong magsasabing mahina ang isang WaterMage o hindi kaya ay isang ignorante. Isa sa pinakamakapangyarihang mage na kilala niya ay isang WaterMage. Her sisterheart. A very carefree lady and a tempest when angry. A very apt name for her too.

Haay...I miss you Tee... It's been months since they separated. And without her friends, she felt lonely already.

Naramdaman siguro ng lalaki ang lihim na pagmamasid ni Tara kaya napakunot noo ito at saka iginala ang paningin sa loob ng kainan ng Shed. Iniwas ni Tara ang mga mata at ipinagpatuloy ang pagkain. Pero habang ginagawa iyon ay patuloy na nakiramdam si Tara sa lalaki. Kaya alam niyang ang lalaki ay umupo sa katabi niyang lamesa. Lumapit agad dito ang tagasilbi at tinanong kung ano ang gusto nito. Pagkatapos sabihin ang order ng lalaki ay umalis ang tagasilbi.

Hindi nagtagal ay may umuusok ng pagkain sa harapan ng lalaki at tahimik na kumain.

Pagkaraan ng ilang sandali ay may namataan si Tara na pumasok na tatlong binatilyo. Kanya-kanyang iginala ng tatlo ang mga mata hanggang mapadako mata ng isa sa tatlo sa kinauupuan ng nakabughaw na binatilyo na nakita ni Tara kanina. Kinalabit nito ang dalawang kasama at itinuro ang nakadilaw na lalaki na kumakain pa rin katabing mesa. Mukhang magkakilala ang apat dahil masayang naghuntahan ang mga ito.

Ang tatlong binatilyo na bagong dating ay halos magkapareho ang porma ng nakabughaw na lalaki kaya mas lalong nagtataka si Tara dahil halata sa punto ng pagsasalita ng apat na hindi ito tunong Tuskan kahit na pilit na ginagaya ng apat ang punto ng mga taga Tuskan, pero hindi ito nakakalampas sa matalas na pandinig ni Tara.

Pasimpleng tumayo si Tara at lumabas sa Shed. Naglalakad si Tara sa paligid, nagmasidmasid. Ang Lake Gamot ay mas malaki sa pangkaraniwang bayan. Tara's estimate was, Lake Gamot was a humdred square kilometer. Maraming naglalakihang bahay na nadadaanan ni Tara, sa nakikita, masasabing isang maunlad na lugar ang Lake Gamot. The place was bustling with activity. May mga cart na may mga paninda sa gilid ng daan. Hindi sana iyon nakapagtataka, kung hindi lang dahil sa katotohanang ang Lake Gamot ay isa sa mga lugar na sakop ng Tuskan!

Buong oras ni Tara ay ginugol niya sa pagmamasid sa buong lugar.

Kung marahil may makakakita kay Tara ay siguradong magtataka. Dahil ang buong lugar ng Lake Gamot ay maraming nagbabantay pero sa tuwing dadaanan si Tara ay parang walang nakikita ang mga ito. Hindi dapat ito posible, pero hanggang matapos ang buong magdamag ay walang kahit isang tao o sundalo ang nakapansin kay Tara.

Bumalik si Tara sa Shed. Magbubukangliway-way na. Habang nakatayo sa bintana sa loob ng inuupahang silid ay pinagmasdan ni Tara ang unti-unting paglaganap ng liwanag sa kalangitan at buong paligid. Isa-isang namamatay ang mga ilaw na nakasindi sa paligid. Unti-unti na ring nagsimulang umusok ang kusina ng kabahayan, hudyat na nagluluto na ang mga may bahay o mga katulong ng agahan. Maraming haka-hakang naisip si Tara base sa kanyang mga nakita sa lugar, pero wala siyang oras na patunayan ito. Kung ang Lake Gamot ay makakaligtas sa mangyayari sa susunod na araw, magiging malaki ang posibilidad na masasagot ang maraming katanungan niya.

Mabilis ang kilos na bumaba si Tara sa Shed. Pagkatapos magbayad ay lumabas na ito. Nasa may pintuan na si Tara ng may makasalubong ito. Ang binatilyong nakakulay bughaw na roba kahapon. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Bahagyang nanlaki ang mga mata ng lalaki. Parang walang anumang nangyari si Tara na nagpunta sa kuwadra at kinuha ang dalang kabayo, pagkatapos sumakay ay mabilis na pinatakbo iyon at nilisan ang Lake Gamot.

Matagal bago nakakilos ang binatilyo. Kung titingnang mabuti ay makikitang bahagyang nangingig ang katawan nito. Nang matauuhan ay mabilis ang kilos na lumabas ito sa Shed, iginala ang mga mata pero hindi na nito mahagilap ang babaeng kaninang nakita.

"Weird!" Wala sa loob na sabi nito habang kinapa ang dibdib. "Bakit parang pakiramdam ko ay hinihigop ng babaeng iyon ang buo kong lakas at pagkatao?" Napailing ito. "Hindi! imposible! Walang ganito kalakas na mage sa Quoria. Sa pagkakaalam ko ang pinakamakapangyarihang mage sa Quoria ay isang lalaki. Si Firen Strongbow! At ang asawa naman nito ay isang elfo! Ang nakikita kung babae ay isang mortal na dalagita. Ni walang akong kahit konting nararamdaman na kapangyarihan ng elemento na nagmumula sa katawan ng dalagita. Imposibleng si Commander General ViticiPrema ito!" Napahawak ito sa ulo, napapailing.

Note:
I know that excited na kayo sa weekly update. Kaya pasensiya na po kung palaging late ang update ko. It has been a week na maysakit ako. Ang anak ko may sakit din, pupunta kami ngayong 12:30 sa family doctor namin pero tinapos ko lang talaga ito for all of you guys. 


Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon