Eighty-seven: Fire power

3.4K 119 19
                                    


Hi, I know it's been a while... and it might take another while before the next one...but hey, we are slowly getting there!  Salamat guys sa walang sawang paghihintay!  it took me two hours to finish this one update!  My laptop is turtle slow, a little too much pressure on the keyboard and my laptop turns off... so every single sentence I have to press save or else, my hard work goes kaput!

Sa dibdib ni Tara, sa ilalim ng kanyang damit ay walang nakakapansin na may nakalawit doon na kuwentas na may malaking medalyon.

Nanggagaling doon ang tunog na nabasag.

Sa paggalaw ni Tara ay mabilis din na gumalaw ang mga kalaban para harangan si Tarieth upang hindi siya makalapit kay Andracus.

Ngunit, may bibilis pa ba sa isang elfo na hindi lang isang mage kundi elemental mage at higit sa lahat ... isang nagpupuyos sa galit na makapangyarihang elemental mage?

Nasa mga labi pa rin ni Andracus ang nanunuyang ngiti habang ang kalahating katawan nito ay nakapasok na sa portal, tanging kalahating katawan nalang ang makikita dito, ngunit bago ito tuluyang makapasok ay nanginig ang katawan nito. Namilog ang mga matang lumingon ito at nakita ang isang mabilis na bagay na papalapit, dahil sa bilis niyon ay hindi niya mawatasan kung ano iyon. Ngunit hindi iyon ang totoong nagpapagulat kay Andracus, ang nagpapagulat sa kanya ay ang lakas ng kapangyarihang naramdaman sa bagay na papalapit. Halos katulad iyon sa kapangyarihang naramdaman niya ilang araw na ang nakaraan. Iyong kapangyarihang naging sanhi kung bakit ibinanduna niya ang Tuskan.

Hindi pa man nakahuma sa gulat si Andracus ay naramdaman nito ang parang bakal na mahigpit na nakapalibot sa kanyang leeg. At sumunod na naramdaman niya ay nasa himpapawid na siya at mabilis na lumipad, pagkaraay naramdaman niya ang katawang tumama sa isang matigas na bagay.

May tumagos na dugo sa bibig ni Andracus. Nahihilo man at pakiramdam niya'y nagkalasuglasog ang kanyang mga buto pero mabilis na pilit na tumayo si Andracus at mas lalong naging alerto. Ngayon niya napagtantong isang napakalaking pagkakamali sa kanyang parti na minamaliit niya ang kapangyarihan ng kalaban. Noon pa man ay alam niyang makapangyarihan ang kalaban niyang ito, ngunit dahil sa mga naging tagumpay niya, tumaas ang bilib niya sa sarili. Ngayon, habang hindi pa huli ang lahat, babaliktarin niya ang sitwasyon. Maari pa niyang maisalba ang sarili.

Ang mga tauhan ni Andracus ay nalito ng makitang wala ang babaeng kanilang sadya. Paglingon ng mga ito ay nakita nilang tumilapon sa ere ang kanilang master. Hindi makapaniwala ang mga tauhan ni Andracus lalo na ang commander. Laglag ang pangang nakatingin sa kanilang master, pagkatapos ay lumipat ang mga mata ng mga ito sa maliit na babaeng ngayon ay nasa malapit na sa portal.

Hindi nagsasalita si Tarieth ngunit ang mga mata niyo ay hindi umaalis kay Andracus.

"Magaling! Hindi ko akalain na may natitira pa palang elemental mage sa Elvedom! Hahaha! Magaling!" Tuwang-tuwang sabi ni Andracus habang dumadaloy ang dugo sa bibig at ibang parte ng katawan nito. Kahit nakaitim ito na roba ay hindi naitatago ng kulay itim ang mga patak ng dugo sa damuhan. Naglakad si Andracus palapit kay Tarieth.

Suminyas ito sa mga tauhan. Sabay na sumugod ang mga tauhan nito kay Tarieth.

Naramdaman ni Tarieth ang pamilyar na kapangyarihang dumadaloy sa kanyang katawan. Matagal-tagal na rin na panahong hindi niya ito naramdaman.

"Hahaha!" Tuwang tawa ni Tarieth. Para itong ibong nakalabas sa pagkakakulong sa hawla, lalo na ng makita nitong sabay-sabay na sumugod ang tatlong daang tauhan ni Andracus.

Simula pagkabata ay iminulat na kay Tara kung paano mamuno. Ngunit pagdating niya sa labas ng Elveden ay napag-alaman niyang hindi sapat ang kanyang kaalaman tungkol sa tao at nahihirapan siyang intindihin ang mga taong dapat niyang pamunuan. Pagdating sa tao, nangangapa siya dahil kakaiba ang mga tao sa mga elfo. Pero ang tanging hindi niya kailangang pag-aralan ay kung paano makikipaglaban. Sa digmaan ay nailalabas ni Tarieth ang kanyang kaalaman. Wala kasing pinagbago pag tungkol na sa pakikidigma, dahil iisa lang ang layunin, ang patayin ang kalaban!

Kaya naman ngayong nasa ibang dimensyon siya, kahit mabasag ang medalyon, sa halip na mag-alala ay natuwa pa siya.

Ang medalyon ay siyang nagsilbing pintuan sa kapangyarihan ni Tarieth. Para iyon pintuang gawa sa salamin, pagsarado, limitado ang kanyang kapangyarihan, pagnasira ang pintuan gaya ng nangyari ngayon ay para iyong dam ng tubig na bumagsak!

Ang kapangyarihan sa hangin, tubig, lupa at apoy ay sabay-sabay na kumawala at nagbunyi! Nagmistula iyong mga nakakulong na batang matagal na panahong hindi nakakapaglaro. Umiikot ang apat na elemento sa katawan ni Tarieth, hanggang sa nagmukha iyong buhawi na pabilis ng pabilis ang ikot at ang mata mismo ng buhawi ay si Tarieth.

"My vengeance at last!" Sigaw ni Tarieth habang ang dalawang kamay ay naka dipa at ang nag-aapoy na mga mata ay nakatuon kay Andracus, ni hindi tinapunan ng tingin ang tatlong daang sundalo ni Andracus.

"Ignis!" Sigaw ni Tarieth sabay turo sa tatlong daang mga sundalo na mabilis na papalapit.

Sa isang salitang iyon ni Tara, mula sa buhawi ay mabilis na umalis doon ang kulay pulang apoy at para iyong bulaklak ng namumukadkad. Kumalat ang apoy at buong lugar ay nagmukhang dagat na apoy. Lumaki ng lumaki ang lugar na nasasakupan ng apoy hanggang sa ang tatlong daang sundalo ni Andracus ay napapalibutan niyon.

Gulat na tumigil ang mga sundalo ni Andracus sa paglapit kay Tarieth. Lahat ay nagulat, namutla at natakot sa nasaksihan. Ramdam na ramdam ng bawat isang sundalo ang init na ibinubuga ng apoy na nakapalibot sa kanila.

Kung nagulat ang tatlong daang sundalo, mas higit na nagulat si Andracus. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at nasaksihan. Ang narinig niya sa bibig ng babae ay klarong hindi isang mahika kundi ang tawag ng mga elfo sa apoy. Ignis. Na para bang... ito ay isang reyna at ang apoy ay isang tagasunod lang. Ang higit na nakakagulat doon ay batay sa init ng naglagablab na apoy ay hindi ito isang ordinaryong apoy. Isang malakas na kapangyarihang ang nararamdaman niya sa bawat dila ng apoy.

Karaniwan, ang isang mage ay kayang manipulahin ang alin man sa apat na elemento ngunit may kasamang mahika iyon. Kaya kailangan talaga sa isang mage ang mag -aral. Para matoto kung paano magmanipula at paggaya. Manipulation and mimicry. Dalawa sa kauna-unahang dapat matutunan ng isang mage. Pagmanipula sa elemento at pagkakaroon ng hugis ng elemento.

At isa pang bagay ang napansin ni Andracus, hindi agad tinupok ng apoy ang kanyang mga tauhan. Ibig lang sabihin niyon...

"Total control!" Sa ganito kalaking apoy ay kontrolado ng babae. Ang mga nakakagawa niyon ang ay mga lubhang makakapangyarihang mage lang. At sa panahon ngayon ay tanging mga mahiwagang elfo lang na nagtatago sa kanilang mundo ang nakakagawa niyon. O di kaya'y mga piling nilalang lang. To be exact, there is only one that strike fear on him.... ang Commander General ng Quoria. Ang babaeng elfong iyon ay halang ang kaluluwa. Hindi mapigilang manginig ni Andracus ng maalala ang Commander General.

"Halang ang kaluluwa ng babaeng iyon..." naisip ni Andracus at sa pagkakataong iyon ay tumingin sa babaeng ilang metro ang layo mula dito. At ngayon sa kanyang harapan, isa ring makapangyarihang babae na may posibilidad na mas mas makapangyarihan pa sa elfong commander general ng Quoria. At mukhang nakakatakot ito dahil halatang mas bata ito kung ikukumpara sa commander general.

So young, yet so powerful! Sa mga nakalipas nga mahabang panahon, napakaraming nakakalaban ni Master Andracus, masasabi niyang kung papipiliin siya, mas gugustuhin niyang makalaban ang isang lalaki, gaano man ito makapangyarihan kaysa babae. A man could be cunning, manipulative and use brute force if worse comes to worse. But a woman.... she will use everything within her arsenal to get what she wants... as the saying goes, just a face of a woman could be the fall of a nation. Just that alone... what more if she uses all? A very terrifying thought.

Elemental Mage Book 3 (Tarieth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon